IT never stops.
As I said earlier, kahit may boyfriend ako, hindi ko pinababayaan ang studies ko. Tulad noong nasa third year pa kami, magka-grupo na naman kami ni Klay at Shaya sa isa sa pinakabigatin na subject ng IT, ang Capstone 1. Capstone is equal to the term thesis pero may slight differences lang but I don't want to get too technical. Basta, ang capstone ay same term lang sa thesis.
Technology at the speed of life.
Walang board exam ang mga IT students kasi nga technology changes quickly. Ang uso ngayon ay maaaring di na uso bukas. Ganun kabilis ang evolution ng technology. At dahil nga mabilis ang evolution ng technology, nahihirapan kami sa pagpropose ng title para sa Capstone namin.
Nakapropose na kami na gumawa ng cheap door security na mukha ang pagbabasehan sa pag-allow ng entry, flood management system, at gumawa ng sariling cloud storage namin. Mahigit isang buwan din ang paggawa namin ng tatlong title proposals. Nakakapagod! Pero pareho kaming lumalaban ni Klay para sa kinabukasan.
Minsan, kapag nawawalan na ako ng gana ay agad akong minomotivate ni Klay.
"Ang ganda mong tignan kapag nakasuot ka na ng black toga. Diba, pinangako natin sa isa't-isa na magpapastudio tayo ng naka-black toga?"
Naks! Oo nga naman, second year pa lang kami ay kinukulit ko na si Klay na magpastudio.
--Flashback--
Sylv: Sige naaaaa. Magpastudio na tayo para mapalitan ko ang mga picture sa wallet ko.
Sabay todo pacute at puppy eyes kay Klay. Minsan ko lang to ginagawa, siguro naman ay mag-iiba ang isip nya, diba?
Klay: Ayoko nga. Di ako ready. Diba, mas mabuti kung magpastudio tayo kapag naka-black toga na tayo?
Oo nga naman, mas maganda talaga na magpastudio kapag nakasuot na kami nun, matinding #relationshipgoal yun! Instead na si Klay ang mag-iba ng isip, ako ang nag-iba ang isip. Partida, di pa nagpapacute si Klay nun!
--End of flashback--
Isa lang to sa mga gusto ko kay Klay, kapag nadidiscourage na ako, lagi syang nasa tabi ko para i-encourage ako. Si Klay ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumusuko sa studies ko. Proof na hindi lahat ng nagkakaboyfriend ay masamang impluwensya.
Sa awa naman ng Diyos ay na-approve ang title proposal namin at patuloy na kami sa paggawa ng chapters 1 hanggang 3. Sobrang saya nung na-approve ang title proposal namin. Hindi pa dun natatapos ang kahirapan na pagdadaanan naming tatlo bilang grupo. Meron pang title defense kapag natapos na ang chapters 1 to 3. Pero at least, nalagpasan na namin ang isa sa mga mahirap na stages ng Capstone.
Tulad nga noong nasa Systems Analysis and Design (SAD) pa kami, patuloy na lumalaban ang grupo namin. Kaming tatlo ay mapagkakatiwalaan at consistent naman sa pagpapacheck sa documents namin.
Sana nga ay maabutan namin bago matapos ang semester para hindi kami mabagsak sa Capstone 1, para hindi masayang ang efforts namin sa kakaresearch.
Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Shaya at Klay, team effort to eh! Patuloy naming sinusuportahan ang isa't-isa. Nagtutulungan para matapos kami on-time.
So far, so good. Since documentation pa lamang ang ginagawa sa Capstone 1, hindi pa kami nag-aaway ni Klay. Pero sigurado ako, sa Capstone 2 kung kailan namin idedevelop ang system, mag-aaway na namin kami ni Klay tulad nung pag-aaway namin sa SAD. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yun.
Pero mas nakakatawa kapag naaalala ko na nakipaghiwalay ako kay Klay. Ang tanga ko, diba? Buti nalang at binalikan ako ni Klay, ganda ko talaga no? Hay~ Ang hirap maging maganda!
Teka, parang nahahawa na ata ako sa confidence level ni Klay eh. Naks! Masamang impluwensya talaga to si Klay. Tsk tsk. Biro lang! XD
Malapit na kaming magdalawang taon ni Klay. Biruin mo, nakaya kong tiisin ang kabaliwan ni Klay sa loob ng dalawampu't tatlong buwan! Buti nalang talaga, mabait at matiisin ako. Haha. Kahit alam kong hindi XD
Pagdating sa pag-ibig, pwede akong magpakatanga PERO hindi ako pwedeng magpakatanga sa studies. Lalo na't huling taon na namin sa college. Kailangan nang ipush ng todo-todo ang skills!
Salamat sa inspiration, Klay! We're the perfect tandem! <3 Syempre, kasama na si Madam :D
--AUTHOR'S NOTE--
Pasensya na po kung matagal nakaupdate. Nabusy po kasi >< Pambawi ko nalang po ang dalawang parts ko ngayong gabi. Abangan nyo nalang po ang susunod na part. Again, maraming maraming salamat po sa pagbasa ng Ako na si TANGA <3
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
Storie d'amoreSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.