The Past

713 21 3
                                    


Pagkatapos ng klase ay niyaya muna ako ni Klay na pumunta sa Social Hall ng Melior University. Pinatuloy namin doon ang pag-uusap namin. Masaya naman ako na pinaparamdam ni Klay na gusto nyang makasama ako.

Klay: Seryoso ka ba talaga na gusto mo ako? Ako talaga? Naninigurado lang talaga kasi ako.

Sylv: Gusto nga kita.

Sabi ko sabay kurot sa pisngi nya.

Sylv: Oh. Ayan. Kinurot ko na ang pisngi mo para malaman mong di ka nananaginip.

Klay: Grabe. Umamin na ako at lahat-lahat, brutal ka pa rin sa akin?

Sylv: Ah. So ganun? Umamin ka para di ako maging brutal sayo? >:)

Klay: Eto naman. Biro lang. I love you just the way you are :)

Sylv: Naks! Humihirit agad oh! Haha. By the way, bakit ba tayo nandito?

Klay: Gusto ko lang na magkausap tayo tungkol sa past natin. Lalong-lalo na sa exes natin.

Oo nga pala. Halos nakalimutan ko na yung incident sa pool party. Hindi pa nga pala ako nakakakuha ng sagot kung bakit tinatawagan pa sya ng ex nya. Sabi nila, pangit daw kapag pinag-uusapan ng mag-nobyo at nobya ang kanilang mga ex. Magbubunga lang daw ng away. Oo, totoo yun pero gusto naming malaman muna ang past ng isa't-isa para mas lalo naming maintindihan ang isa't-isa.

Sylv: Sige. Ano bang gusto mong malaman?

Klay: Wala na ba talaga kayo nung taga-Magna University?

Nakikita ko uli ang kaba sa mga mata ni Klay. Wala naman syang dapat ikatakot kasi single naman talaga ako dahil sa katangahan ko dati.

Sylv: Oo. Sa sobrang perfect ng relationship namin, nawala ang sparks, nawala ang feelings. At ganun-ganun lang, iniwan ko sya. Alam mo yun na trahedya ng buhay ko, Klay. Alam mong lungkot na lungkot ako nun pero wala na yun ngayon. Alam mo rin namang nakamove on na ako. I hope we wouldn't end up like that. So, bakit ka pa ba tinatawagan ng ex mo? Akala ko ba, wala na kayo?

Klay: Kilala mo naman ang ex ko, dba? Nagkita na kayo minsan. Sya ang unang nakipaghiwalay sa akin. Aaminin ko, sobrang sakit. Sobrang sakit. Nahirapan ako ng todo sa pagbitaw sa kanya. Hinabol ko sya kasi pakiramdam kong may pag-asa pa kami. Tinetext ko sya, tinawagan, pinuntahan ko pa nga sa bahay nila pero bawat effort ko na bawiin sya eh balewala lang kasi habang hinihila ko sya pabalik ay tinutulak nya ako papalayo. Dalawang linggo akong humabol sa kanya kaso napagod na ako at narealize kong wala na talagang pag-asa. Ngayon, kung nagtataka ka kung bakit tinatawagan nya pa rin ako. Dahil yun sa sya na naman ang gustong makipagbalikan sa akin. Pero ngayon, ayoko na. Napagod na ako.

Sylv: Eh? Paano ko masisigurado na hindi na kayo kung patuloy ka pa rin nyang kinocontact? Alam mo naman ang trust issues ko, Klay.

Klay: Promise. Trust me. Wala na kami. Hindi ko na sya mahal.

Trust issues. Most of the time, sobrang hirap kong mapaniwala sa mga salitang ganito. Kelangan ko pa ng sapat na ebidensya para malaman kong totoo ang sinasabi sa akin ng isang tao. Pero kay Klay? Ewan. Nagiging tanga ako, nagiging jelly ang Great Wall of Protection from Promises ko. Nang sinabi ni Klay ang mga salitang yon ay half-ly naniwala ako. Syempre, half lang kasi mahirap na kapag buong trust ang ibibigay ko. Luging-lugi ako.

At least, ngayon, alam ko na kung bakit sya tinawagan ng ex nya nung pool party namin. Halos isang oras din kaming nag-usap ni Klay sa Social Hall. Masaya naman kami. Tulad lang ng mga moments na friends pa lang kami. Masarap pa rin syang kausap at kasama. Hindi pa rin nauubusan ng mga kwelang jokes. He never fails to amaze me. Oo, hindi kagwapuhan si Klay pero may taglay syang slight na katalinuhan, talents, sense of humor, at masipag rin.

Klay: Sylv, tayo na ba?

Nabigla ako sa sinabi ni Klay. Oo nga naman. Kami na ba? Hindi naman pwedeng diretso ko syang sagutin kasi asan naman yung part na papatunayan nyang worthy sya ng 'oo' ko, dba? And besides, my parents need to know first. Kelangan muna ang approval nila bago ako um-oo kay Klay.

Sylv: Klay, pasensya na. Kelangan muna kasing malaman ng parents ko na may nanliligaw sa akin. Willing ka bang pumunta sa bahay para official na manligaw?

Klay's face glowed with delight. As in. Markang-marka sa mukha nya na sobraaaaaaaaaaang saya nya. Actually, mas masaya pa ata sya ngayon kesa nung umamin akong gusto ko sya eh XD

Klay: Oo! Sobra! Willing na willing ako!

[On-going] Ako na si TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon