No More Him

749 23 0
                                    

I used to say "Hugs are my favorite painkiller!" Kaso wala yatang kahit anong painkiller ang makakatumbas nitong sakit na nararamdaman ko sa puso. Oo, tanga ako. Tanga ako sa pagbitaw sa Mr. Perfect ko. Alam kong tanga ako kaya nagdurusa ako ngayon ng ganito. 

No texts, no calls, no messages, no him. Wala na. Wala na ang lahat. Yung pakiramdam na parang guguho ang mundo mo? Oo, madami na tayong nakaramdam nito. Sa sobrang sakit, iyak ka nalang ng iyak hanggang sa tumuyo na yung lalamunan mo, mamaga na ang mga mata mo, at maubusan ka ng luha. Oo, nakaexperience na tayo nito. Ang dali isulat pero ang sakit maexperience.

Sa katangahan ko, nawala ang lalakeng nagmahal sa akin ng tunay at tapat. Masakit, sobrang sakit. Pero eto ang sa tingin ko'y tama. Kailangan kong magmove on. Hindi pwedeng iyak nalang ako ng iyak dahil sa pagsisisi. 

-----

First year college went well though may mga flashbacks pa rin akong naaalala dahil na rin sguro sa katangahan ko. 

--Flashback--

Professor: Thanks for your short intro, Ms. Sylvia. May nagpapatanong kung single ka ba raw?

Sylv: Proudly taken po ako, Sir.

--End of Flashback--  

Ganun ako kaproud sa relasyon namin ni Vince. Kahit walang official na "kami", sinasabi kong taken ako. Napakasakit, Kuya Eddie~ :'(

Nevertheless, I stayed strong. Tinatak ko talaga sa isip ko na bawal maapektohan ang studies ko. Okay lang na nasa bad condition na ang emotional state ko, makakaya pa namang maibangon yan. Pero ang academic state ko? Bawal na mapunta sa bad condition kasi wala nang take 2 ito. 

Tinuon ko nalang sa pag-aaral ang attention ko. Thankfully, I survived first year college after the super duper heartbreaking incident and most stupid decision in my life.

[On-going] Ako na si TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon