Ang masasabi ko lang ngayon ay SINONG MANINIWALA NA NAGHIWALAY NA KAMI NI KLAY?
Sa lahat ng lalakeng hiniwalayan ko, si Klay lang siguro ang hindi bitter. He still wants to be with me. Gusto nyang magkasabay kami kung may pupuntahan ako. Pinapayagan ko rin naman sya, I mean, why not, diba? Hindi naman to form of paglalandi kasi pareho naman kaming single at wala namang magagalit sa amin.
Kung tutuusin, kung kilala kami ng isang tao tapos nakita kami ngayon, hindi niya masasabing naghiwalay kami. Yung aura namin eh parang kami pa rin, wala namang awkwardness kasi hindi rin naman talaga kami awkward.
Tinext pa nga ako ng Mommy ko.
Mommy: Ate, nag-away kayo ni Klay no?
Luh. Alam nya talaga. Iba talaga ang mga nanay.
Sylv: Oo. Hiwalay na nga kami.
Hindi talaga alam ng Mommy ko na hiwalay na kami. Hindi kasi ako msyadong makwento tungkol sa lovelife ko. Nahihiya ako eh :3
Mommy: Ngi. Sigurado ka? Haha.
Kahit text lang yun, parang naririnig ko si Mommy habang sinasabi ang bawat salita. Yung tono na hindi makapaniwala yung tipong Weh? Di nga!?
Aminado naman ako, para naman talaga kaming hindi naghiwalay ni Klay. Magkasama pa rin, palagi naming katext ang isa't-isa. Parang walang kwenta yung pakikipaghiwalay ko at label na JUST BROKE UP.
Ni hindi nga makapaniwala ang dalawang pinakamalapit naming mga kaibigan. Sino nga bang maniniwala na naghiwalay na kami kung palagi kaming magkasama. Sinong inuuto namin?
Pati nga sa pagpapa-enroll ay sabay kami, syempre, blockmates talaga kami. Pasalamat na lamang ako at huling taon na ng kolehiyo. Hopefully, walang magiging problema. Pero kinakabahan ako, syempre, final na yung magkagrupo kami ni Klay sa thesis. Kaya ko ba? Hindi ba awkward? Makakatrabaho kaya kami ng maayos? Ewan ko. Bahala na si Batman! At nadamay pa talaga si Batman ><
First week of June, start na ng fourth year college life. Exciting! Senior year na talaga! Sana di kami msyadong maging awkward ni Klay. Kami ang kawawa kung ganun.
So far, after one week, ni isa, wala pang nagtatanong kung nagkahiwalay ba kami ni Klay. Again, di na ako magtataka dahil sa dalawang dahilan. Una, normal naman ang mga ikinikilos namin ni Klay. Pangalawa, walang maingay sa amin sa Facebook na ganito at ganyan. Ayaw naming ibahagi sa buong mundo na wala na kami. For what purpose pa ba? Nakakahiya naman. Kahit minsan lang kaming magpost ng mga sweet-sweetan statuses at pictures sa Facebook eh ang pangit naman kung biglaan naming i-aannounce ang breakup namin. Ano ba kami? Celebrity couple? Walang may pake sa relasyon namin XD Okay na yung manatili ang katotohanan sa aming magbabarkada. Nirerespeto naman nila ang desisyon namin kahit na minsan ay tinutukso pa rin kami.
May isang subject naman kami this semester na super corny. Yung introduction sa second meeting pero with a twist daw kasi yung katabi mo ang magpapakilala sayo. Lumang tugtugin! Nakakasawa na! Madami nga kaming nagulat kasi hello? Fourth year na kami pero introduce yourself pa rin?
Nirequire ng professor namin na hindi dapat namin kilala ang magiging katabi namin para masaya raw. Ano bang masaya dun? -_- Nang magbigay na ng signal ang professor namin upang magsimula sa pagtatanong tungol sa partner namin ay agad akong nagsisimula sa pag-iinterview sa partner ko. So far, so good.
Nang matapos ako sa aking interview ay kinabahan ako. It's my partner's turn to ask personal questions. Nakakakaba naman! Baka itanong nya kung may boyfriend ako. Anong isasagot ko? Nasa likuran ko lang si Klay, busy rin sa kaka-interview sa partner nya. Siguro, mas mabuti kung sabihin ko ang totoo.
Aaaaaaaaaaaaand I guessed it right, tinanong talaga ako ng partner ko kung taken ako. Syempre, sinagot ko sya ng hindi. Ang masaklap [?] na katotohanan na single ako.
Nung tinawag na kami ng professor namin para ipakilala ang isa't-isa, kinabahan na ako kaya pinili kong mauna. Nang matapos ako sa pagpapakilala sa partner ko ay parang ginusto kong lamunin ako ng lupa. Please, pakilamon nalang ako T^T Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Klay. Magagalit ba sya? Mahihiya? Heh! Dapat hindi na ako nag-aalala sa magiging reaksyon ni Klay, totoo naman talagang wala nang kami ah?
Teka, may mga kakilala nga pala kami sa klaseng ito! Ano kayang magiging reaction nila?
"Most importantly, Sylv is single and ready to mingle! Maganda at matalinong girlfriend, sinong di aayaw nito, diba?"
Huling pasabog ng partner ko. TEKA LAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!! Wala akong sinabi na ready to mingle ako! Jusko. Kakabreak ko lang pero ready to mingle? Ano nalang ang iisipin ng mga tao tungkol sa akin? T^T
Napatingin nalang ako kay Klay na umiwas ng tingin sa akin. Halatang nasasaktan. Pasensya na, Klay! I, CERTAINLY, AM NOT READY TO MINGLE! Eto namang partner ko oh! Wrong choice of words T^T Y u make me suffer? Napatingin din ako sa mga kakilala namin na tila nabigla sa sinabi ng partner ko. Pati na rin sa mga nagreak nung sinabi ng partner ko na ready to mingle na ako kahit isang buwan pa lang ang nakakalipas nung break-up ko. See? They're juding me already! T^T
Nang matapos ang introduction ay bumalik na kami sa aming mga kinauupuan.
"Uy! Seryoso ba yun? Break na kayo ni Klay?"
Tanong ng chismoso kong kakilala. Bingi ba to or chismoso lang talaga? Or hindi lang talaga halata na hiwalay na kami ni Klay?
Tumango nalang ako bilang confirmation. Hindi ko kayang lumingon sa likuran ko. Pakiramdam ko, guilt tong nararamdaman ko.
Tahimik lang ako hanggang sa sila Klay na ang nasa harapan. Hindi ko rin kayang tumingin kay Klay. Nakayuko na lamang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng partner ni Klay tungkol sa kanya. Binanggit din ng partner nya na single sya. Hays. Masakit pala no?
I act like I don't care, but deep inside, it hurts.
Akala ko nakamove on na ako kay Klay. Akala ko kaya ko nang marinig na sabihin ng ibang tao na single na si Klay. Akala ko kaya kong marining mula kay Klay na single na sya. Akala ko. Akala ko.
Akala ko okay na
Akala ko kaya ko na
Akala ko di na masakit pa
Akala ko kaya kong wala kaNapakataas talaga ng pride ko, ayaw pa ring bumababa. Ilang beses ko na ring pinag-isipan na makipagbalikan kay Klay pero sabi ng pride ko na wag daw. Eto namang si tanga na ako, naniniwala.
Hala! Sige! Gusto mong masaktan? Magtiis kang makita si Klay na mag-isa! Magtiis kang makita si Klay na nasasaktan! Magtiis kang itago sa sarili mo ang sakit na nararamdaman mo!
Tanga. Ako na si TANGA.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.