SAD

562 17 2
                                    

After sa walang kapagurang summer, sumunod naman agad ang third year namin bilang IT students. Nakakapagod na~ Pwede na bang sumuko? T^T Pero hindi! Hindi pwedeng sumuko! Malapit na ang graduation, dapat manatiling lumalaban! Hwaiting!

Bilang isang college student ng kahit anumang kurso, may mga subject talaga na sinasabi ng mga professor at mga senior na mahirap. Well, nakatungtong na pala kami sa isa sa mga subject na kinakatakutan naming mga IT students, ang SAD. Ang saya diba? SAD, acronym for Systems Analysis and Design. Sabi nga ng mga professor at senior na convenient msyado ang acronym kasi kaparehong-kapareho rin ang mararamdaman mo kapag naka-enroll ka na sa subject.

Although overwhelmed kaming magbabarkada na nakaabot na kami sa SAD eh natatakot pa rin kami. May chance na mabagsak kami kapag hindi namin ito inayos at sineryoso. Dahil dito, narealize namin na dapat kaming magstick as a group since 3-member group naman ang kelangan sa SAD.

As you have guessed, magkagrupo kami ni Klay sa SAD. I mean, why not? Aside sa fact na boyfriend ko sya, magaling din naman sa programming si Klay. As they always say, two heads are better than one. Syempre, magpapakabog ba ako sa programming? Syempre, hindi! Kahit ganito lang ang itsura, asta, at aura ko, masasabi kong proudly na may ikabubuga ako sa programming at problem analysis.

Syempre, since 3-man group kami, ipakikilala ko ang isa pa naming kagrupo. Si Shaya - isang dalaga na kinapos ng height pero blessed naman sa hitsura, ugali, at utak. Si Shaya nga pala ang documentation-in-charge namin sa grupo pero hindi ibig-sabihin nun na sya lang ang gagawa ng documentation namin. Syempre, tutulong din kami, kaya nga GROUP, dba? Bukod sa pagiging documentation-in-charge, sya rin ang source ng laptop na gagamitin namin. Sa aming tatlo, sya lang ang may laptop. Sucklaugh bhe :'(

Sa simula pa lang ng lessons ng SAD ay may kaunting takot na kaming nararamdaman dahil sa mga warning ng professor namin. Madami raw ang hindi nakatapos, nabagsak, huminto, at nabuntis dahil sa SAD. Well, sisiguraduhin ko na ni isa sa mga sinabi ng professor namin ang mangyayari sa amin. Pangako ko yan! Gustong-gusto ko ang SAD dahil sobrang challenging na subject although nakakastress din naman ng todo.

Kada grupo ay may tatlong miyembro at kada miyembro ay may tungkuling gaganapin.

Shaya - Documentation-in-charge

Klay - Main programmer

Sylvia - System analyst and programmer

And together, we are TEAM INFINITE! Wag na kayong magtanong kung saan galing ang pangalan ng grupo namin XD Alam na alam nyo na yan eh. 

First month pa lang ng SAD ay damang-dama na namin ang mga warnings ng mga professor at senior namin. Grabe! Walang halong biro, ang hirap talaga! T^T Sa paghahanap pa lang ng company ay nahihirapan na kami tapos nakareplay pa sa utak namin yung mga warnings. Ano na? 

Pero hindi talaga kami sumuko! Lumaban kami hanggang sa dumating ang araw ng title defense. Natural lang namang kabahan kami ng todo dahil sa title defense, sa stage nato malalaman kung kinakailangan ba talaga ang proposal namin o hindi. Syempre, vital moment ito. What if marealize ng panelists na walang silbi ang proposed software nyo? Edi back to zero! Masakit isipin, diba? Maayos naming naipresenta ang mga problema ng kompanya at mga solusyon na aming mailalagay sa software na gagawin namin. Sa awa naman ng Diyos at sa hard work at determinasyon namin, naipasa namin ang title defense at binigyan na ng go signal upang gawin ang software.

Hindi lang naman SAD ang subject namin nitong semester kaya medyo nadaragdagan ang pressure kapag may ibinigay na malaking gawain ang ibang subject. Buti na lamang at nalampasan namin ang mga ito. Ngunit tulad ng mga kwentong nababasa nyo kahit saan, may mga problema rin kaming napagdaanan.

No, we never fought as a team. Walang-wala kaming problema as a team, nagkakaintindihan naman kami at nagagawa naman namin ang mga assigned na tasks sa amin kaya wala kaming tampuhan or anything else. Ang may problema sa grupo ay kami ng Klay. No, we do not fight as a couple during the creation of our software. Parang ang immature at mali naman ata yun. Nag-aaway kami as fellow programmers. 

Syempre, bilang system analyst, nagagawa ko naman ang trabaho ko sa pag-aanalyze ng mga problema at kung ano ang mga solusyon ang pinakasuitable para sa problema. Malaki ang naitutulong ko sa main programmer ng grupo. Yun nga lang, may mga oras na hindi kami magkaintindihan ni Klay.

Ang isang problema ay may madaming solusyon. Ito ang problema. May mga problema na may iba-iba kaming ideya na solusyon ni Klay. In the end, alam nyo naman kung sino ang nananalo, diba? Sino pa ba? Edi ako! Msayado kasing mabait (or under?) si Klay kaya pinagbibigyan nya ako. Kung anong solusyon ang gusto ko, yun ang masusunod. Pero syempre, di naman always kasi masama na rin, diba? 

Nagpoprogram lang naman ako kapag pagod na si Klay o kaya hindi nya na kaya ang problem. Bale ako ang sub nya XD Minsan nga, naiiisip ko na sobrang compatible ang tandem namin ni Klay as programmers. Not only as a tandem, but as a group. Never pa kaming nag-away as a group. Thankful nga ako na sila ang nakagrupo ko. Although may tampuhan kami ni Klay tungkol sa software, madali namang nasosolusyonan. 

Sabi nga ni Klay eh ibang tao ako kapag SAD ang pinag-uusapan. Yung tipong hindi nya ako girlfriend kapag oras nang gumawa kami ng software. Syempre naman, kailangan mahiwalay ang lovey-dovey self mula sa serious academic-focused self ko. Hindi pwedeng maisabay kasi sagabal lang. Siguro, ito ang isa sa mga sikreto kapag may boyfriend ka. Make it clear na if the moment is for academic purposes, dapat ay focused lang sa gagawin para sa ekonomiya. Bawal muna ang lumandi! May oras naman para jan kapag natapos na ang mga kinakailangang gawin, hindi ba?

Halos 4 months kaming nagsuffer dahil sa SAD. Minsan, walang tulog. Minsan, walang ligo. Pero patuloy na lumalaban!  Napa-redefense man kami ay umabot kami sa deadline of submission at hindi kami nakatapos, nabagsak, o huminto.

In the end, natapos namin ang documentation na humigit kumulang 200 na pahina. Nang mapabookbind na namin ang aming document ay naoverwhelm kami. Parang trophy na nare-receive kapag nanalo ka ng award. Naalala namin ang hardships namin as a group. Ang 5 months na SAD na nauwi sa araw na SOBRANG HAPPY. Proud kaming natapos namin ang SAD ng walang problema. 

Actually, proud kami ni Klay na isa kami sa mga couples na hindi napariwara during SAD. Sa totoo nga, tinulungan pa namin ang isa't-isa na makabangon mula sa laylayan -- ah I mean, tinulungan namin ang isa't-isa na makabangon mula sa zero. Kaming tatlo, nagtulungan para maachieve namin ang estadong ito. Kaming tatlo ang mga dahilan kung bakit successful ang SAD life namin. 

Napaisip ako nang matapos namin ang SAD, hindi kailangang palagi kayong sweet para mapakita nyo sa buong mundo na matibay kayo bilang isang couple. Just achieving little or big achievements together is a proof na madami kayong pinagdaanan as a couple. Marami-rami man ang away namin ni Klay dahil sa SAD, hindi namin iyon ginawang dahilan para masira ang aming grupo o ang aming relasyon.

to have and to hold you 
for better or for worse,
for richer, or for poorer,
in sickness and in health.     

Madami pa kaming pagdadaanan ni Klay as a couple and especially, as IT students. Lahat kakayanin namin para makuha ang degree at diplomang ipinangako namin sa aming mga magulang. After all, sila naman ay todong-todo ang suporta sa amin mula sa relasyon at studies namin. What could be better than that? <3

[On-going] Ako na si TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon