Nagkita na kami ulit ni Klay at napag-usapan namin ang confession na sinabi ni Theo. Naglalakad lang kami sa hallway habang papunta kami sa susunod na class namin.
Klay: Dalawang taon din syang nabother nung feelings nya, ang tinik mo tlaga!
Sylv: Naks! Nambola ka pa. Chareng. Hindi naman sa ganun. Baka gusto nya lang tlaga gumaan yung damdamin nya. That's what confessions make you feel, anyway.
Biglang napatigil si Klay sa paglalakad, napatigil din naman ako.
Sylv: Uy, okay ka lang? Nakalimutan mo bang i-off ang stove?
Nagbiro naman ako. Biglang humarap si Klay sa akin na may seryosong expression sa mukha nya.
Klay: Pwede bang magskip muna tayo ngayon? May iko-confess din sana ako sayo, Sylv.
Nawala ang ngiti sa mukha ko at nabahiran ito ng kaba. What could be so serious para mangailangan na magskip kami ng class ni Klay? Bago pa naman ako makasagot sa tanong ni Klay ay naglakad na sya patungong Social Hall. Sumunod naman ako na mabigat ang bawat hakbang habang naglalakad.
Ano kaya ito?
Bakit iba ang pakiramdam ko?
Bakit parang nagtatayo na ng shield ang puso ko?
Bakit nanunuyo ato ang lalamunan ko?
Wala na akong marinig kundi ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Nakaabot na nga kami sa Social Hall at pumili si Klay ng pwesto na medyo malayo sa ibang studyante.
Klay: Sylv, sorry.
Hala. Diretso "sorry"? Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Hindi ako makapagsalita, gusto ko lang munang marinig ang sasabihin ni Klay.
Klay: I -- I cheated on you.
Napayuko si Klay. Biglang gumuho ang mundo ko. Parang natahimik lahat ng studyante at tila sila'y nakatingin sa akin, naghihintay ng reaction ko.
Klay: May nakilala akong bago nung summer, naaalala mo nung nagtrabaho ako? Nakilala ko sya nung time na yun. Hindi ko naman inakalang magkakagusto ako sa kanya pero nagpatuloy yung communication namin simula nung summer na in-add nya ako sa Facebook.
Tahimik pa rin ako. Parang pino-process ko pa lahat ng pinagsasabi ni Klay. Ni wala man lang warning signs akong nakita, diretsong ganito. Hindi ko man lang pinagdudahan si Klay na kahit kaunti. Hindi ako nakinig sa paranoia ko na baka may bago na sya. Hinayaan kong ang puso ko ang mangibabaw.
Paano nya nagawa sa akin to?
Paano nya nakayang itago sa akin ang lahat ng yun?
Bakit nya ako pinagpalit?
Kulang ba ako?
Pangit ba ako?
Msyado ba akong maldita?
Patuloy ang dalay ng daang-daang katanungan sa utak ko pero ni isa, wala akong naitanong kay Klay. Ni hindi man lang makaya ni Klay na tignan ako sa mata, nakayuko lang sya. Nagconfess sya pero di ko dama na nagsisisi sya. Hindi ko man lang naramdaman na hindi nya na ako mahal. Para akong nabagsakan ng debris ng biglaan. Hindi ko ineexpect. Nasa akin naman ang buong atensyon at oras ni Klay. Paano nya nagawa yun?
Patuloy kong sinisisi ang sarili ko. Siguro nagkulang ako? Siguro mas naituring ko syang kaibigan kesa sa ka-ibigan? Siguro msyado ko syang na-under? Siguro msyado na akong pangit sa paningin nya?
Andaming bagay ang nasa isip ko pero hindi ako umimik. Gusto kong sigawan si Klay pero nanatili akong sibilisado kasi nasa university pa rin naman kami. Gusto kong umiyak pero napakaraming studyante ang nasa Social Hall at sigurado akong mapapansin nila ako kung magsisimula akong umiyak dito.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, sinigurado kong di ako matutumba kahit sobrang hinang-hina na ang mga tuhod ko. Naglakad ako papalayo at iniwan si Klay na mag-isa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sasabay nalang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Aabsent muna ako.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.