The Meeting

51 9 1
                                    

Grabe. Parang kiti-kiting hindi mapakali si Klay. Sabi nya 50 percent excited sya at 50 percent kinakabahan. Hindi ko naman sya masisisi, first time nya eh.

Habang nakasakay kami ng tricycle ay tahimik lng sya pero ang niraradiate ng kanyang aura says it all. Para syang batang binilhan ng bike tapos hindi pa sya marunong magbalanse sa bike.

"Nandito na tayo."

Sabi ko Klay habang nakangiti ng todo-todo nang tumigil kami sa harap ng isang medium-sized na bahay. Kinailangan ko pang hilain si Klay papasok ng bahay dahil nga sa kabado raw sya.

--Klay's POV--

Eto na, nakasakay na kami sa tricycle. Di ko alam kung ano ang una kong sasabihin.

"Good afternoon po, Tita."

Or tawagin ko rin kaya ng 'Mommy'? Hala. Wag nalang, napakakapal naman ng mukha ko kung tatawagin ko syang 'Mommy' agad.

Gulong-gulo ang isip ko! Hindi ako mapakali pero sobrang tuwa ko na makikilala ko na ang Mommy ni Sylv. Wala kong naihandang mga sagot sa tanong ni Tita Yen. Basta, kung ano ang totoo, yun na ang isasagot ko sa mga tanong nya.

"Nandito na tayo."

Sabi ni Sylv na sobrang lapad ng ngiti sa mukha. Lalo syang gumaganda kapag ganyan ang ngiti nya eh. Lalong nakakainlove ang prinsesa kong warrior!

Pero teka. Bahay na nila to?! Eto na. Papasok ba ako? Next time nalang kaya? Aatras nalang kaya ako? Sa isang araw nalang, maghahanda muna ako.

Napansin ata ni Sylv na natatakot akong pumasok kaya hinila nya ako papasok sa gate nila. Lalo akong natataranta! Oo, lalaki ako. Tunay na lalaki. Mahal na mahal ko si Sylv pero kauna-unahang beses kong mameet ang nanay ng girlfriend ko. Unlikeable kasi talaga ako pagdating sa parents ng mga naging girlfriend ko.

Since first time ko to, may rason naman siguro ako para kabahan ng todo. Diba, guys? Men will understand this situation of mine. Habang naghuhubad ako ng sapatos ay pumasok na si Sylv sa bahay nila. Teka lang TT Bakit nya ako iniwan dito? T^T

Pagbukas ko ng pinuntuan ay sumalabong sa akin ang sala nilang malinis at maayos. Naikwento na nga pala ni Sylv sa akin na mahilig maglinis ng bahay at magluto ang Mommy nya. Napaupo nalang ako sa isa sa mga sofa at napatingin sa paligid ko.

Sa kanan ko at may painting na nakasabit sa wall. Malaki-laki rin ang painting na tila abstract. Sa harap ko naman ay nakasabit ang mga certificates ni Sylvia at mga pictures ni Sylv at mga kapatid nya. Sa kaliwa ko naman ay isang computer set.

Lumabas si Sylv sa isang kwarto na nakangiti. Hindi ko rin namang mapigilang mapangiti. Umaapaw na saya ang nadarama naming dalawa.

Nag-uusap lang kami ni Sylv sa sala nila. Sinusubukan ko ring bawasan ang kaba na nadarama ko. Habang tuwang-tuwa kami sa pag-uusap ay dumating na ang Mommy ni Sylv sa sala.

Tita: Hi, Klay! Nakilala na rin kita. Pasensya na kung medyo hindi kaaya-aya ang pagsisimula natin. Pasensya rin kung nahusgahan ka agad namin dahil lang dun sa post mo. Gusto lang talaga naming protektahan yung anak namin. Sana maintindihan mo.

Habang kinakausap ako ni Tita ay panay ang ngiti nya. Dahil dun, medyo natutunaw na ang kaba sa dibdib ko. Pagdating sa facial features ni Tita, masasabi mo talagang maldita appearance sya lalong-lalo na sa kilay pero kapag kinausap mo naman eh mabait.

Klay: Naiintindihan ko po, Tita. Pasensya na rin po dun sa pagtatago namin ni Sylv. Salamat po pala sa pag-iimbita sa akin dito sa bahay niyo, Tita.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ngayon, nag-uusap na kami ng Mommy ni Sylv. May interaction at conversation na nangyayari. Masasabi ko talagang reality is better than dreams. Ilang beses rin akong nanaginip na nakausap ko raw ang parents ni Sylv pero walang binatbat sa totoong actual meeting.

Tita: Walang anuman, Klay. Total, manliligaw ka naman ng anak ko. Feel yourself at home! Welcome ka rito.

"Feel yourself at home! Welcome ka rito." Paulit-ulit na nagreplay sa utak ko na parang sirang plaka. Totoo ba tong naririnig ko? Diba ako nabibingi? Kauna-unahang beses ito na may nagwelcome sa akin na pamilya ng girlfriend ko! This is too good to be true. Gusto kong tumalon sa tuwa at umiyak rin sa sobrang tuwa! Pero baka magulat si Tita kapag ginawa ko yun.

Klay: Thank you po, Tita.

Sa sobrang tuwa ko ay pasasalamat nalang ang nasambit ko. Thankful talaga ako. Akalain mo? Sa pagmumukha kong to eh may maagwewelcome pa sa akin sa bahay nila? Actually, dati pa lang eh hopeless na ako. Dahil nga base na sa itsura ang panahon ngayon eh pakiramdam ko na walang pamilyang tatanggap sa akin. Pero heto ako ngayon, bago lang sinabihan ng "Feel yourself at home! Welcome ka rito." ng nanay ng napakaganda at napakatalino kong girlfriend.

Tita: Sige ha. Maiwan ko muna kayo jan at magluluto ako ng hapunan.
Umalis na si Tita ng nakangiti at si ako naman na di mapigilan ang ngiti. Nang napatingin ako kay Sylv ay dun ko lang napansin na nakatingin pala sya sa akin habang para akong tangang nakangiti.

--Sylv's POV--

Nakakainlove talaga ang ngiti ni Klay. Simula nung nakaupo sya dito sa sofa sa sala eh hindi na natanggal ang ngiti mula sa mga labi nya.

Sa invitation pa lamang ni Mommy eh tuwang-tuwa na ako. Ngayon pang nasaksihan kong nag-usap sila ni Klay eh walang mapaglagyan ang happiness na nadarama ko. Kahit maikli lang ang pag-uusap ni Mommy at Klay, masayang-masaya na ako. Lalo na nung sinabi ni Mommy na welcome si Klay dito sa bahay namin. Nararamdaman ko na ang bagong simula sa relasyon naming ni Klay.

Heto uli kami ni Klay, masayang nag-uusap tungkol sa mga pangyayari sa bahay nila at dito rin sa bahay namin. Dito na rin naming ginawa yung assignment namin sa Statistics.

Ang pagwelcome ni Mommy kay Klay dito sa bahay ay isang big leap sa relasyon namin ni Klay. Malaki talaga ang pasasalamat namin dun sa driver na nagtimbre sa paghahatid ni Klay sa akin. Salamat po!

Finally, umabot na rin kami sa panahon na napakilala ko si Klay sa Mommy ko. At pwede na kaming maging official couple <3

"Feel yourself at home! Welcome ka rito." <3

[On-going] Ako na si TANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon