Have you caught yourself in a slightly weird situation? Like sa isang relasyon, ang babae ay pinapayagan ng parents nyang magkaboyfriend at ang lalake ang di pinapayagang magkagirlfriend? Ganito ang sitwasyon namin ngayon. Ang weird no?
Ever since naghigh school ako, sinasabihan na ako ng parents ko na okay lang na magkaboyfriend ako basta "Dito sa bahay manliligaw at dito mo sasagutin sa bahay." Ganun lang kasimple ang hiling nila. Pabor din naman sa akin kasi nakakapagod magtago ng isang relasyon lalo na kung close kayo ng parents mo.
Si Vince naman eh pinagbabawalan na magkagirlfriend kasi study first daw dapat. Pero alam naman ng parents namin both sides na mag-MU kami. Kaso nga lang, bawal pang maging official girlfriend-boyfriend.
Your voice was the soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?Summer na. Hindi na kami nagkikita ni Vince. Miss na miss ko na sya! Araw-araw naman kaming nagtetext tapos tinatawagan nya ako kada umaga at kada gabi para marinig ang boses ko kapag bagong gising at bago matulog.
Napuno ng kasweetan ang inbox namin. Sa loob ng buong summer, wala kaming away. Seems like the perfect relationship, diba? Wala kaming misunderstandings. Ang meron lang ay worries dahil magkaiba kami ng kolehiyo na papasukan.
Pero as time passes by, natutunaw na rin ang worries ko kasi mas lalo kong napagkakatiwalaan si Vince na hindi talaga sya mahuhulog sa ibang babae. Sobrang saya ko na ako ang minahal nya. Sobrang unexpected.
Mapait man ang summer para sa amin, may good things din naman sa summer. Tulad ng pagkanta nya kapg tumatawag sya, napakasarap pakinggan ng boses nyang kumakanta. Lalong nakakainlove. Kapag kumakanta sya, nirerecord ko talaga yung mga kanta nya tapos pinapakinggan ko uli kapag miss ko sya.
Hinding-hindi ako magsasawang makinig sa singing voice ng Dear ko.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.