"Here's the last question."
Kinakabahan na ako, last question na to para makakuha kami ng points. Teka, alam mo ba kung nasaan ako -- kami?
Nasa C University ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko, bilisan kaming kinotak at kinuha para maging representative ng Melior University sa IT Quiz Bowl ngayon dito sa C University. Dahil mayaman naman ang Melior, dalawang IT Quiz Bowl teams ang pinaregister nila - MU Team 1 and MU Team 2.
Nasa Team 1 nga pala ako kasama ang perfectionist kong kaibigan na si Ryan. Nasa Team 2 naman si Cristy and Christine. Currently, leading ang Team 2, perfect score pa sila, walang mali ni isa. Nakakapressure! Wala kaming laban sa kanila huhu T^T 30+ schools all over Region XI ang nandito kaya nakakaba! First hanggang third places lang ang mananalo. May pag-asa pa ba kami ni Ryan? Andami naming mali eh!
"Okay, let us check the score board to see which schools got the first to third places. Are you ready, guys?"
Enthusiastic naman ni host, lalong nakakahiya kasi wala kami ni Ryan sa top 3 T^T Hindi na ako umasa, wala na rin kasing pag-asa, madami kaming mali compared sa Team 2. Congratulations talaga sa kanila. Isa kaming malaking kahihiyan sa MU :'(
"First place, with a whopping perfect score, goes to Melior University Team 2!"
Todo suporta at palakpak naman kami para kay Cristy at Christine, they deserve it! Kami naman ni Ryan na hindi umabot sa top 3 ay nawalan ng pag-asa at nadagdan ng kahihiyan. Well, at least may nakapasok mula sa MU, happy(?) na kami nun.
"Second place, with only two mistakes, goes to Melior University..."
OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG! MELIOR UNIVERSITY DAW! KAMI ANG SECOND PLACE? OMGGGGGGGG!!! I CAN'T EVEN! Teka lang, di pa naman natatapos ng kaka-announce ang host ah. Bakit ba ako na-excite agad?
"Gatum branch!"
Pagpapatuloy ng host. Tama nga pala, meron rin pala dito yung MU Gatum branch. Hays. Na-excite ako para sa wala. Buti pa sila. Nakakahiya naman to! Sa lahat ng tatlong teams na pinadala ng MU, kami lang ang hindi pasok sa top 3 :'(
"The third place, with three mistakes, goes to Melior University Team 1!"
Ha? Namamalik-tenga ba ako ngayon? MU Team 1 daw? Weh? Di nga? Prank ba to? Nanlaki nalang ang mga mata ko. Siguro hindi kami. Grabe siguro ang expectations ko na manalo kaya mali-mali na yung naririnig ko.
"Hoy, bruha! Bakit nakaupo ka pa jan? Ayaw mong ma-third place? Sige, ako lang aakyat sa stage. Bahala ka jan!"
Sabi naman ni Ryan na parang natatawa ata sa tanga kong pagmumukha. Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko habang nanlalaki ang mga mata. I CAN'T BELIEVE IT! Third place pa kami! Thank you po, Bro! Ang sarap sa feeling!
Pero mas naka-amaze na ang nagdominate sa Quiz Bowl eh ang mga taga-Melior University. Nakipagkilala naman kami agad sa mga taga Gatum branch at nagbigayan ng mga pangalan para maging friends sa Facebook XD
Sobrang saya namin! Happiness level that cannot be possibly described using words. Yung happiness meter namin eh abot hanggang langit!
At dahil nga mayaman ang Melior U, libreng lunch kami! Yey! I also live for free yummy lunches XD
Habang sarap na sarap ako sa lunch ko, nagvibrate ang phone ko.
"Congrats.haha.3rd place.antalino."
Si Theo, isang lalake na nasa past ko. Ngayon ko lang naalala na nag-aaral nga pala si Theo dito sa C University. Hindi na ako magtatanong kung paano nya nalaman na third place kami. Malamang, malalaman nya talaga kasi dito sa university nila hineld yung event. Matapos kong magpakatanga, magpapakabobo na naman ako? Naks. Bad yun!
Si Theo, sino nga ba sya sa buhay ko?
--Flashback--
Third year high school...
Theo: Dapat,1 ka na next grading.
Sylv: Di ko pa yan kaya no!
Theo: 10 muna.para hinay-hinay muna.
Sylv: Pwede 20 muna? 28.5 pa nga ang rank ko ngayon tapos bigla akong tatalon sa top 10 XD
Theo: Okay.pero sa 4th grading,10.
Sylv: I'll do my best para ma-achieve yan!
Theo: Yah.you should.it's for you.not for me.
Si Theo na parang parent ko kung magpressure sa akin na masali sa top 10. Ganito talaga si Theo. Di ko alam kung bakit XD Currently, sya ang seatmate ko kaya close talaga kami. Pero may something talaga si Theo na nakaka-attract, yung lalakeng siguradong may pupuntahan sa buhay. Academic-focused si Theo at minsan ka lang makakakita ng lalakeng ganito.
Kaya naman nagconfess na ako kay Theo. Oo, ganito ako dati sa high school /hopeless romantic/ pero hanggang MU lang kami na malabo ni Theo. Palagi naman kaming nagte-text ni Theo pero parang mararamdaman ko ring di nya ako gusto.
Nararamdaman kong gusto nya ako pero minsan nawawala rin. Isang beses nya lang din naman sinabi sa akin na gusto nya rin ako pero minsan talaga napapatanong ako kung totoo talagang gusto nya ako. Yung mga sinasabi nya na nagpapahiwatig na nag-aalala sya para sa akin, sa health ko, at majorly, sa studies ko. I felt special and inspired.
Pero di rin nagtagal, tinapos nya kung ano man ang meron sa amin. I mean, we're not official kaya di ko alam kung anong words ang gagamitin ko. Minsan ko lang din naman nararamdaman sa kanya na gusto nya ako. Mas mabuti na siguro yung ganito. Parang wala na rin kasing patutunguhan ang "relasyon" namin. Pero 5 gallons of tears siguro ang iniyak ko nung sinabi yun ni Theo sa akin. Msyado akong nasaktan nun.
Fourth year high school...
Hindi ko alam kung paano kami bumalik sa malabong MU namin ni Theo. Alam ko namang walang patutunguhan yung kabaliwan na to pero ewan, gusto ko pa ring maramdaman ulit ang panandaliang care at love ni Theo.
At dahil ako nga ang pambansang tanga, tinapos na naman ni Theo kung ano ang meron sa amin. History repeated itself. I've seen it coming pero dahil nga tanga ako, I took the risk. Kaya ayun, umiyak na naman ako ng balde-balde. Oh diba, tanga talaga kahit sa simula pa lang! Saan ang utak ko, bes?
Nevertheless, Theo changed me. Fourth grading sa fourth year high school, rank 7.5 ako sa section namin kaya masaya na rin ako. Theo changed my mindset bigtime.
--End of flashback--
It's surprising how one chat can bring back so many memories. Si Theo. Si Theo na nag-inspire sa akin. Let's say na may utang na loob ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, I wouldn't discover my abilities. Abilities that enabled me to help my parents save lots of Ks.
Sylv: Salamat.
Simplehan lang natin ang reply natin para hindi mapagalitan ni Klay ko. Buti naman at sineen lang ni Theo. Phew.
Pero seriously, anong problema ngayon? Mga lalaki ko sa past eh nagpaparamdam or nagpapakita ngayon. Ano tooooo? Una, si Vince. Ngayon, si Theo. What is thizzz?
Pero madali ko naman agad nakalimutan yung chat ni Theo nang dumating ang Klay ko. Syempre, good girl ako kaya sinabi ko agad sa kanya yung pagchat ni Theo sa akin.
New memories were made today. Ang saya-saya namin! And I made my parents and Klay proud again. Sarap sa feeling!
Old memories were reminisced today. Pero dapat nakabaon lang ang mga memories sa baul.
BINABASA MO ANG
[On-going] Ako na si TANGA
RomanceSino bang tanga ang bibitaw sa Mr. Perfect niya? Ako. Ako na si TANGA.