Devil
Pagkababa ko ng killing arena, pumunta agad ako sa battle rink. May naghamon sakin di ba? Kaya dun ako pupunta.
Ano ba yan!! Sira na agad ang disguise ko bilang lalake!! Pati yung leather jacket ko, sira na din! Pati pantalon ko!
"Ah.... Devil.. May laban ka ulit??" Tanong nung nagbabantay sa may battle rink.
"Oo. Di ko kilala yung makakalaban ko. Pero alam ko ang itsura nila. Naka half mask sila na purong pula tapos may tattoo sila na scorpion sa likod ng palad nila." Paliwanag ko.
"G-g-ganon ba?"
"Pakitawag naman sila. I-broadcast mo na hinihintay ko sila dito." Utos ko sa kanya.
"S-sige.. Tinatawagan ng pansin ang 2 lalakeng naka-half mask na purong pula at may tattoo na scorpion sa likod ng palad nila. Hinihintay daw kayo ni Devil dito sa battle rink." Sabi nung bantay sa microphone.
Narinig naman yun ng lahat ng nasa Underworld kaya nagpuntahan sila sa upuan ng audience sa paligid ng battle rink.
Tss. Kaya ayaw kong maging kilala e. Dudumugin ang bawat laban mo.
Dumating naman yung 2 lalakeng naghamon sakin kanina na parang nanginginig pa dahil tulak tulak sila ng mga manonood palapit sakin.
"Asan na ang tapang nyo? Tara na. Laban na." - ako
"A-ano kasi... Sumakit ang tyan ko e!" - TG1
"Ako rin e!!" - TG2
"So, bukas na lang tayo maglalaban?" - ako
"A....ano... May gagawin pa kami bukas at sa susunod pa..." - TG2
"E kung sumuko na lang kayo ngayon? Di ko na kayo gagamabalain pang labanan ako."
"OO!! SUMUSUKO NA KAMI!!" They shouted in chorus at nagbow pa bago patakbong umalis.
Kaya bumaba na rin ako sa battle rink at narinig ko ang mga bulungan ng mga manonood sana.
"Ay! Ano ba yan! Akala ko, lalaban ulit si Devil!!"
"Oo nga! Sayang!"
"Labanan nyo ko para di masayang ang pagaantay nyo sakin." Singit ko sa usapan nila.
"A---ano... W-wag na lang..."
"Sayang." Sabi ko at tuluyan na akong umalis at sumakay sa motor ko para makatulog na dahil may pasok pa ako bukas.
@my house
Hay!! Maliligo na nga ako bago matulog!! Naduguan pala ako ng dugo nung Xenon na yun!! Yuck!! Ang lansa!!
![](https://img.wattpad.com/cover/35542805-288-k600115.jpg)
BINABASA MO ANG
I am D.E.V.I.L.
Actionthis story is about a childish gangster. hindi sya yung typical gangster na cold. but when you mess with her, di mo sya makikilala dahil nagmumukha syang sugo ng impyerno! yes! tama kayo! 'her' because she's a girl. ASTIG kasi kapag babae ang bida! ...