Devil
Gumising ako ng maaga para simulang linisin ulit ang bago kong kwarto. Pagpag ng unan. Ayos ng kumot. Pagpag ng kurtina at sofa. Sipilyo, ligo at magbihis. Tapos naglagay ako ng panyo sa ulo ko at tsaka apron.
Kinuha ko sa sulok yung vacuum cleaner at inumpisahan ng linisin ang carpeted floor. Pinunasan ko na rin yung headboard at yung lamp shade.
Pagkatapos kong linisin ang kwarto ko, lumabas naman ako para umpisahang linisin ang sinira naming sala at kusina.
Tss. Kung hindi lang ako titira dito, hindi na ako mag-aaala pang ayusin at linisin ang sinira namin kahapon. Pero dapat nag-aayos din dito yung Sero na yun! Pero ano nga ba namang aasahan mo sa kanya? Halata namang tamad sya e. At tsaka, baka umalis na yun dito matapos nyang makapagpahinga kagabi.
Tuwing naaalala ko yung naging laban namin, ginaganahan ako. E kasi, ngayon na lang ulit ako nakalaban na gamit ang buong lakas ko. Kaya may gana rin akong maglinis mag-isa ngayon.
Pinulot ko muna yung mga piraso ng nabasag na fountain. Pati yung tiles na galing sa kusina at yung mga pinto ng cabinets doon. Ultimo yung gripo at lababo natanggal kaya pinatay ko muna yung gate bulb. Buti nga at hindi kami binaha kagabi habang nagpapahinga kami.
Tapos yung chandelier, tabingi na kaya kailangan na talagang ipaayos.
"Hayy... Di ko pala kaya ito ng mag-isa." Sabi ko sa sarili ko habang kinakamot pa ang ulo ko.
Pumunta ako sa may pinto at sumilip kung may tao ba doon. At dahil wala, may naisip na akong ideya para matapos ko na ito.
Nag-teleport ako papuntang Hell City at naghanap ng Gang na under ni Lucifer na ngayo'y under ko na.
O di ba? Lumelevel up ako? May under na ako. Kahit ang tingin ko ay soloist pa rin ako.
"Sino dito ang under ni Lucifer?!" Sigaw ko para makuha ko ang atensyon nila.
"Bakit?! Maghahamon ka?!" Maangas na tanong nung isang malaking lalake.
"Hn. Ako si Devil at under ko na sila. At ngayon, may ipapagawa ako sa kanila."
"Di kami nasunod sa nanalo lang dahil mahina ang kalaban!" Pagpaparinig nung isang lalaking nasa table.
Mabilis akong pumunta sa tabe nya at nakita kong isang grupo sila dito.
Baka under sila ni Lucifer? Kung maka-react kasi wagas. Pero tama nga ako.
BINABASA MO ANG
I am D.E.V.I.L.
Actionthis story is about a childish gangster. hindi sya yung typical gangster na cold. but when you mess with her, di mo sya makikilala dahil nagmumukha syang sugo ng impyerno! yes! tama kayo! 'her' because she's a girl. ASTIG kasi kapag babae ang bida! ...