Kwarenta y Sais - Liars

6.2K 227 13
                                    

Devil

"Hi, Lola! ^_^! Natapos ko na ang mission ko. Napatay ko na ang pumatay sa mga magulang ko. Pero syempre, hindi naman sya nakaligtas sa pagpapahirap ko." Sabi ko kay lola.

Andito kami ngayon sa mansion nya. Linggo kaya wala syang pasok sa office.

"Gusto kong makita ang katawan nya."

"Hindi nyo na sya makikilala, lola. Pinaghiwahiwalay ko kasi ang bawat piraso ng katawan nya. Tapos, yung iniwan kong remembrance ay yung cremated na daliri nya."

"Ganon ba? Sayang naman. Gusto ko pa naman masiguro na hindi na talaga babangon pa sa hukay ang demonyong yon."

"Wala ka bang tiwala sakin, lola? Syempre, malinis ang pagdidispatcha ko sa kanya. At mas demonyo naman ako compared sa kanya kaya alam ko ang ginagawa ko."

"Oh, well. Mas masaya naman ako na naniwala ka sakin." Nginitian ako ni lola.

"May regalo nga pala ako sa inyo. Hindi man yan parte ng katawan ni Sero, picture naman nya yan noong pinahirapan ko sya."

Inabot ko kay lola ang isang picture ni Sero na nakasabit ang katawan sa pader gamit ang kadena. Sabu-sabunot ko sya habang naka-wacky pose. Si Sero naman, halata sa mukha ang sakit na nararamdaman nya. Duguan din ang katawan nya at walang pang-itaas na damit.

"Sayang. Sana nandon ako nung pinapahirapan mo sya para nag-enjoy rin ako." - lola

"Hindi nga ako nag-enjoy e. Hindi man lang kasi sya umirit. Gusto ko pa naman yung habang pinapahirapan ko e umaaray, umiirit o umiiyak. Pero sya walang ka-thrill thrill." Sabi ko in a disappointed tone.

"Thank you talaga, apo. Binigyang hustisya mo na rin sa wakas ang pagkamatay ng mga magulang mo." Niyakap ako ni lola. Syempre, I hugged her back.

"Of course, lola. That's my mission." Kumalas na ako sa yakap namin. "I have to go, lola. May kakausapin pa pala akong kaibigan. Mangungumusta lang." Paalam ko.

"Okay. Sino ba yan? Si Zeth?"

Umiling ako. "Hindi po. Si Xenon po. Dadalawin ko lang po ang puntod nya. Ikukwento ko na rin po sa kanya lahat ng nangyare sakin."

"Mag-ingat ka, baka sumagot yon." She joked.

"Kayo talaga, lola! Haha!"

Nag-teleport na ako papunta sa puntod ni Xenon.

Tulad ng sinabi ko kay lola, kinausap ko ang puntod nya. Tapos, saka ako nag-teleport papunta sa den. Sinabi ko kasi kay Dragon na magkita kami doon.

@Satan Peers's Den...

"A-Anong ibig sabihin nito?" Nanginginig na tanong ni Dragon sakin.

"Sabihin mo, espiya ka ni Vibrant hindi ba? Inutusan ka nyang bantayan ang lahat ng kilos ko habang nandito ako sa New York."

Nakatutok sa leeg nya ang isang kutsilyo.

"A-Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Kaibigan mo ko di ba?"

"Magsabi ka na ng totoo, Blake." Nilapat ko sa leeg nya yung kutsilyo kaya may tumulong dugo mula dito. Napapikit naman ang isa nyang mata dahil sa hapdi.

"W-wala akong alam jan sa mga binibintang mo sakin. Ni hindi pa nga kami nakakapag-usap ni Vibrant kahit sa telepono." Pagmamaang-maangan pa ni Dragon.

"Patunayan mo. Ano ang buong pangalan ko." I challenged him.

"D-Dayne Evangeline V-Vex." He answered.

And with that, I undoubtedly stabbed him in his throat.

"I never told you my real ang whole name, you, dumbass. Dayne Vex lang ang sinabi ko sayo noon, walang Evangeline. I once asked you if you're loyal to me. You said yes. But you lied. And what I hate most are liars."

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon