Devil
Hinubad ko na ang mask ko para di naman ako masyado iritado sa panonood.
"Kilala nyo naman ako. At tsaka, useless na rin naman ang pagsusuot ko ng mask dahil lantad na ang pagkatao ko at wala na akong kailangang itago." Sabi ko pagkapatong ko ng mask ko sa mesa.
"Di pa naman ganon kaganda ang labanan e. Matanong kita, Vex. San nanggaling ang code name mo?" Tanong ni Zeth at tinanggal na rin ang mask.
"Sa pangalan ko." Maikling sagot ko.
"Tanda, di mo ba tatanggalin ang mask mo?" - Chris
"Ayoko nga. Baka makilala ako ni Devil." Vibrant said then smirked. Nginisian ko na lang sya.
Si Lola talaga, nanloko pa. Sabagay, kung ako rin naman, di ko sasabihin kahit kanino na lola ko sya.
"E ano bang pangalan mo? Paano naging Devil ang Vex Lacrosse?" - Zeth
"Simple lang. Ang buo kong pangalan ay Dayne Evangeline Vex Ingram Lacrosse." Sagot ko.
Yun pa ang isa ko pang gustong itago, ang tunay kong apelyido. Yun kasi ang magiging link sa totoo kong pagkatao. Pasensya na, Dad kung di ko ginagamit ang surname nyo a? Ayaw ko lang mas mapahamak si Lola.
"E ikaw ba? San nanggaling ang code name mo?" - ako
"Wala lang. Naisip ko lang na Z din dapat ang umpisa ng code name ko. Tapos, bigla ko lang naisip ang Zeth."
"E ikaw, Chris?" - ako
"Favorite element ko kasi ang Xenon. Ano nga ulit full name mo? Add ko sa fb. Di ko ma-search ang Vex e."
"Wala ka talagang mahahanap dahil wala naman akong Fb account."
"Bakit naman? Kahit instagram o Twitter? Ano ka? Cave man?" - Xenon
"May cave man ba na nasa advance technology ang gadgets? Di lang uso sakin yun. Kung may hahanapin akong tao, sa sarili kong system ako umaasa. Kumpleto at detalyado pa ang lahat ng impormasyon." Paliwanag ko.
"Guys, lalaban na ang RIP." - Vibrant
Lumapit naman ako sa glass wall ng lounge nila para makita ko ng ayos ang paraan ng paglaban ni Dark.
Sumilip naman sya sa lounge at nakita nya ako na walang mask. Di naman nya nakita sina Xenon dahil sa screen na lang sila manonood.
Nakita ko naman syang binulungan nung kasamahan nya at nginisian ako.
Ang hilig ngumisi ng gagong yon a! Sasabihin ko talaga kay Lola na puruhan sa mukha yun mamaya.
"Hoy, Lola. Pwedeng pakibasag ng mukha ni Dark mamaya para sakin?" Bulong ko kay Lola na tumabi sakin sa may glass wall.
"It's my pleasure." She said confidently then smirked at Dark's direction.

BINABASA MO ANG
I am D.E.V.I.L.
Acciónthis story is about a childish gangster. hindi sya yung typical gangster na cold. but when you mess with her, di mo sya makikilala dahil nagmumukha syang sugo ng impyerno! yes! tama kayo! 'her' because she's a girl. ASTIG kasi kapag babae ang bida! ...