Trenta y Otso - Back to Den

6.2K 232 15
                                    

Sorry kung sobrang tagal ng update! Napasarap ako sa panonood ng animé e. Gomenasai, mina! Honto gomenasai!

_____________________________________________________________________________________________________________________

Devil

Sa tinagal-tagal naming nag-intay dito sa pwesto namin, mabilis lang namin natapos ang laban sa Cerberus gang. At ngayon nga, babalik na kami sa pampang para tingnan kung sino ang nakakuha ng flags. Kung meron man?

"Buti naman at nahiwalay na tayo kay Vex, Babe. Ang hirap kayang makipaghalikan nang may nakaharang, di ba?" Sabi ni Devon habang lingkis lingkis sa kamay si Zeth.

"Sino ba naman kasing may sabi sayong makipaghalikan ka sa harap ko? Atat lang masolo si Ziff? Clingy a? Walang aagaw sayo no. Creepy." Komento ko. But more on pang-aasar yon.

"Ano namang ibig mong sabihin don? Na hindi ako kaakit-akit?" - Zeth

"Hindi ako ang may sabi nyan." I said then shrugged.

"Pero yun ang pinararating mo. Hayy... Palibhasa hindi ko nasungkit ang puso mo date." - Zeth

"Hindi naman kasi puso ng saging ang sinusungkit mo e. At walang puso ang demonyo." - ako

"Ops! Tama na yang nakaraan! Ako na ang present at ang future mo, Ziff kaya wag mo nang i-entertain yang si Vex. Inggit lang yan. At wag ka ngang magsalita jan na parang nagsisisi kang ako na ang mahal mo! Nasasaktan din ako no!" Reklamo ni Devon at inunahan na kaming maglakad.

"T-teka, Devon!" Tawag sa kanya ni Zeth pero mukhang nagalit talaga si Devon.

"Lagot ka, Zeth~. Ginalit mo si Devon~. Hala ka! Baka masulot yun ng iba sayo kapag ganyan ka lagi." Pananakot ko sa kanya na parang bata.

"Alam ko no! Eto na nga o? Hahabulin na nga o?" Sabi nya at tumakbo na. "Devon!!" Sigaw nya.

Buti nakapagsolo na ako.

Dumiretso lang ako sa pampang para gawin ang dapat kong gawin. Pagkarating ko sa mga tents, lahat sila nagbebenda at nagpapahinga.

Sobra ba ang pinagawa ko sa kanila? Pero sabi ko nga kay Zeth, walang puso ang demonyo.

Pero iba pa rin naman ako sa demonyo. May pakialam naman ako sa mga kasamahan ko. Lalo pa't gagawin ko silang front sa laban sa Viper gang.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon