Devil
Magaling na si Clyde sa lagnat niya. Mukhang gumana yung ginawa ko sa kanyang pagpunas.
"Hoy, Sero. Lumipat ka na sa kwarto mo. Matutulog na ako." Sabi ko saka humikab.
Sobrang pagod na kasi talaga ako. Demonyo man ako, napapagod at tinatamad din naman ako. Hindi lang naman tao ang ganoon.
"Hoy, Sero..." Niyugyog ko pa sya ng konti. "Clyde naman..." Hikab ulit.
Tinanggal niya ang talukbong niya at nanlalaki ang matang tiningnan ako.
"What did you just call me?" He asked-amazed.
"Hoy." Nagkusot pa ako ng mata.
"You really are my stalker." Sabi niya.
"Ha?! Never!" Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya.
"I love it. But I love you more." He said seriously, then kissed me. AGAIN!
Tinulak ko sya agad palayo sakin.
Ano bang iniisip ng gagong 'to?! Bakit tuwing kasama ko itong hinayupak na 'to, nagiging SPG ang istorya ng buhay ko? Ang alam ko, puno ng aksyon ang buhay ko at hindi kung ano-anong nakakadiring kaek-ekan!
"Gago ka! Inaano ba kita?! Bakit basta basta ka na lang nanghahalik?! Gusto mo na bang mamatay?! Ako na ang gagawa para sayo!" Pinalagutok ko pa ang kamao ko.
"You just called me by my real name. How did you know that? Isn't it stalking?" He asked while smiling.
Sa sobrang antok ko pala ay natawag ko sya sa totoo nyang pangalan. Malay ko ba naman na lalabas yun sa bibig ko? Basta kasi may nalaman ako, tumatatak na yon sa isip ko. Nasaktuhan pang inaantok ako kaya dumulas yun sa bunganga ko.
"Oo na! Inalam ko ang pagkatao mo! Masaya ka na?! Umalis ka na at magpapahinga na ako! Imbis na ako yung matulog, ako pa yung nagbantay sayo! Salamat ha?!" I said sarcastically.
"Isipin mo na lang na yung halik ko sayo ang way ng pasasalamat ko." He grinned.
"Iyong pa! May libre ka pang halik na ninakaw sakin! Lumayas ka na nga sa harapan ko! Baka hindi kita matantsa at mapatay kita!"
"You can't do that." He said confidently saka lumabas ng kwarto ko.
Ngayon lang kasi talaga ako inatake ng sobrang pagod at wala pa akong tulog. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa ganitong klase ng stress? Isama mo pa ang matigas ang ulong alagaing gago tulad nitong si Clyde! Hayy!
_____________
(English na po ulit ang salita nila rito.)
"Hindi na natin lalabanan ang Viper Gang." Anunsyo ko sa underlings ko gamit ang megaphone.
"Ha?! Sayang lang ang training namin!"
"Nagpakahirap lang kami!"
"Pinagod lang tayo!"
"Dinahilan ko lang yon para makapagpalakas pa kayo! Ang hihina niyo e! May napala naman kayo di ba?! May reklamo pa kayo?! Pasalamat nga kayo at tinulungan ko kayong wag maging lampa sa harap ng ibang gangs na iniisip na mas malakas kaysa sa inyo. Maipapakita nyo na sa kanila na mas lumakas na kayo at hindi nila kayo pwedeng maliitin."
Sa totoo lang, ito lang ang naisip kong rason para hindi na nila labanan ang Vipers. Laban ko lang 'to at alam kong ako lang din naman ang pinaghahandaang labanan ng Vipers dahil nga sa pagpatay ko kina Joker at Blaze.
Medyo napaisip naman sila sa sinabi ko. Mukhang effective kasi nag-apiran pa sila. Tuwang tuwa pa. may narinig pa nga ako na hahamunin daw nila yung ibang gang sa laban para masubukan daw ang lakas nila.
BINABASA MO ANG
I am D.E.V.I.L.
Actionthis story is about a childish gangster. hindi sya yung typical gangster na cold. but when you mess with her, di mo sya makikilala dahil nagmumukha syang sugo ng impyerno! yes! tama kayo! 'her' because she's a girl. ASTIG kasi kapag babae ang bida! ...