Singkwenta - Epilogue

8.3K 269 36
                                    

Devil

Sinundo ko sina Ziff at Devon para maki celebrate samin. At para ipaliwanag ko na rin sa kanila ang mga nangyare bago pa namin patayin si Vibrant. Bumili na rin ako ng martini at lambanog.

Sa kanila ang martini. Sakin naman ang lambanog dahil gusto kong magpakalasing ngayon.

"Guys! Inuman na!" Sigaw ko.

"Pass ako jan. Hindi ako umiinom e." Sabi ni Devon.

"Ano ka ba naman, Devon? Minsan lang naman e. Pleaseeee!" Pagpupumilit ko.

"Ako na lang ang magluluto ng pulutan nyo wag nyo lang akong painumin." Sabi pa nya.

"Wag na nga natin syang painumin. Para may wisyo pa sya mamaya kapag nalasing ako. Para may maghatid sakin." Sabi naman ni Ziff.

"Ay! Parang kang babae! Ikaw talaga ang ihahatid? Kaloka ka! Hahaha!"

Inumpisahan na ni Clyde ang pag-inom. Maglalagay sana sya ng lambanog sa baso nya pero kinuha ko kaagad ang lambanog.

"Ops! Ops! Ops! Akin lang 'to. Hindi 'to kakayanin ng tulad mo. Baka isang lagok mo pa lang tumba ka na." Sabi ko.

"Hindi yan. Kaya ko yan." He assured.

"Ayoko! Maunti na nga lang 'tong binili ko!"

"Ang damot naman nito! Nauntian ka pa jan sa isang malaking jag?! Anong tingin mo jan? Tubig?!"

"Walang basagan ng trip! Balak ko 'tong ubusin mag-isa kaya kung ayaw mo ng martini, bumili ka ng iyo!"

Minsan na nga lang ako manlibre ng alak tatanggihan pa nya! Kapag ganitong wala na akong pera, makakasapak ka na lang e. Tss!

Through out ng inuman, kinwento ko lang kina Ziff at Devon ang dahilan ng pagpapatayan namin ni lola.

"Ahh... Kaya pala ganon na lang kalaki ang galit mo kasi parang ginamit ka lang nya." - Devon

"Tapos, pakitang tao lang din pala nya ang pagiging lola nya sayo." - Ziff

"Kung ako nga yon, hanggang sa kadulu duluhan, hindi ako makakaramdam ng awa sa kanya." - Clyde

"Pinatay ko naman sya a? Pinugot ko pa nga ang ulo nya." Sabi ko sabay inom ng lambanog.

Naiintindihan naman daw ako nina Ziff at Devon. Si Clyde naman, medyo nananahimik at seryosong umiinom.

Siguro nahihiya o naninibago lang sya sa mga kasama nyang mag-inom ngayon.

Pero hindi ko maisip na may hiya 'tong walangyang 'to. Haha! ^o^

Marami pa kaming napag-usapan. Tungkol sa magiging future nina Ziff at Devon. Pati daw yung kompanyang naiwan ni Vibrant.

Ang sabi ko na lang...

"Akin rin yung kompanyang yon kaya ako ang mamamahala non. Yakang yaka ko yon!"

Alam ko namang lasing na ko pero ayaw kong tumigil. Gusto ko yung nabibigay na comfort ng lambanog ngayon.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon