Kwarenta y Kwatro - Truth or Lie

6K 237 11
                                    

Devil

Nagising ako na nakasabit sa dingding. Nakakadena ang mga kamay at paa ko. Masakit din ng konti ang braso ko dahil nga nakasabit ako, syempre nakalutang ang katawan ko at yun ang bumubuhat ng bigat ng katawan ko. Medyo masikip pa ang kadena.

Napakawalanghiya talagang ng Serong yon! Sa ginawa nyang 'to sakin, lalo lang ako nagkadahilan na wag syang paniwalaan sa paninira nya kay lola! Gusto ko na rin pugutin ang ulo nya ngayon na!

Hinawakan ko yung kadenang nasa kamay ko at binuhat ang sarili ko para medyo mawala ang sakit ng pulsuhan ko. Dun kasi nakapulupot ng ilang ikot yung kadena.

Napansin kong wala sa braso ko ang teleporter watch ko. Mukhang kinuha nya para hindi ako makatakas. Pero kahit wala yon, makakatakas ako dito.

Lumambitin na ulit ako, hindi dahil wala na akong lakas, bumubwelo lang ako.

Huminga ako ng malalim ng 3 beses habang nagko-concentrate.

Pagkamulat ko, binuhat ko ulit ang sarili ko para mai-bent ko ang elbows ko. Pagka-bent ko ng elbows ko, siniko ko ang pader at nawasak sya. Malaking parte ng dingding ang nawasak pero kahit ganon, nakakadena pa rin ako.

Masyadong malayo ang pinagkakabitan ng mga kadena kaya hindi yon naabot nung ginawa ko.

Tss! Mukhang pinagisipan talaga nya ang gagawin sakin. Pero lalo lang akong naiinis dahil parang minamaliit nya ako! Anong tingin nya sakin, susuko ako agad dahil lang hindi nagtagumpay ang una kong ginawa?! Pwes, nagkakamali sya!

Sumipa ako ng malakas gamit ang kanang paa ko para mahigit ang kadena na nasa paa ko. Nabunot naman sa pader yung dulo non. Yung kaliwa naman ang sinunod ko. Pagsipa ko gamit ang kaliwa kong paa, natanggal din yon. Kaya ngayon, nakasabit na lang talaga ako.

Hinawakan ko nang mahigpit yung mga kadena sa kamay ko at tumayo ako ng pabaliktad. Naabot ng paa ko yung bubong na semento. So malamang may second floor 'tong lugar na 'to. Sinipa ko ng malakas yung bubong para itulak pababa ang sarili ko. Dahil don, nahigit din yung kadena nasa kamay ko.

Tahimik akong tumapak sa lupa pagbagsak ko. Pero yung kadena na nakasabit pa rin sa mga braso't paa ko ang nag-ingay.

Kailangan ko nang bilisang tumakas dito para mapatay ko na si Sero!

Lumiban ako doon sa pader na sinira ko kanina, pero isang kwartong katulad lang din nung pinanggalingan ko ang nakita ko. Hinaplit ko ang kadenang nasa kamay ko para pumulupot doon sa rehas saka ko sya hinigit para matanggal.

May nakita akong pinto. Sa tingin ko palabas na yon. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock mula sa labas.

Sinipa ko lang ang pinto at tumalsik ito sa malayo. Wala pa rin akong nakikitang tao.

"Sero! Lumabas ka! Sabi mo hindi ako mananalo sayo pero bakit ka nagtatago?! Ngayon mo ipakita sakin yang sinasabi mong lakas na hindi ko matatalo!"

Ang nakikita ko lang sa bawat dadaanan ko ay mga pintong katulad nung pintong sinipa ko. Malamang puro kulungan lang din ang nasa loob non. Pero wala akong maramdamang aura ng kahit na ano sa lugar na 'to.

Sa sobrang inis ko, iwinasiwas ko ang mga kadena sa kamay at paa ko para sirain ang lahat ng nasa paligid ko. Dahil don, naging mausok ang paligid dahil sa pagkawasak ng mga semento.

Hindi pa nawawala ang usok pero may naramdaman akong mahinang aura.

Walang takot akong lumapit doon habang pinapalagutok ang leeg ko.

"Ialay mo sakin ang buhay mo." Sabi ko sa taong hindi ko maaninag kung sino.

"T... t.... tu.... makas ka na..." Sabi sakin ni Sero na nakagapos din katulad ko kanina. Pero mas malala ang lagay nya dahil ang dami nyang sugat sa buong katawan. Puro pasa sya at tuyong dugo. Halatang walang wala na syang lakas na natitira pa.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon