Kwarenta y Otso - Almost there in Hell

6.7K 237 6
                                    

Devil

Kinalikot ko muna yung computer nung hacker ni Vibrant. Balak ko kasing sirain yung system nya na pumipigil sakin na mag-teleport sa mansyong 'to.

"Ayos." Sabi ko nang magawa ko ang balak ko.

Nag-teleport ako sa office ni Virbrant dito sa mansyon.

Pagkarating ko, nakita kong parang nakakawang ang pader nito. Kinatok ko bawat sulok ng pader na iyon at pati na yung pader na konektado dito.

"Balak mo pa kong takasan ha?" Sinipa ko yung nakakawang na pader at lumantad sakin ang isang secret passage.

Ngayon, hindi na sya secret kasi alam ko na.

Pumasok ako doon at pababa ng pababa ang nararating ko. Mukhang underground tunnel ito para takasan nya.

Biglang nagsara yung pinasukan kong pader kaya no choice na ako kundi ang ituloy tuloy ang tunnel. Madilim at walang ilaw pero nakakaya pa naman ng mata kong mag-adjust.

Naramdaman kong may paparating sakin. Hindi ko lang matukoy kung ano dahil limitado lang ang space dito. Pasikip rin kasi ng pasikip ang dinadaanan kaya mas mahirap umilag sa mga traps kung meron man.

Tumagilid na lang ako dahil nararamdaman kong maliliit lang naman yung paparating sakin. Pero nakaramdam ako ng mahapdi sa may braso ko. At malamang sa malamang tinamaan ako.

"Sh*t!" I cursed.

Naupo ako saglit para maibalik ko ang focus sa paligid. Naagaw kasi nung hapdi ng braso ko yung buong atensyon ko. Baka yun pa ang ikamatay ko.

Nag-vibrate na naman yung communicator ko kay Sero.

"Vibration pa lang ng communicator, bumabalik na ulit agad ang galit at focus ko. Hehe..." Biniro ko pa ang sarili ko.

Tumayo na ako at nagsimula na ulit maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko nang biglang yumanig ang paligid.

Pinakinggan ko ang pader at narinig kong parang may malaking bagay na gumugulong papalapit sakin.

"Hindi pa rin tapos?!" Sinubukan kong suntukin yung pader pero masyado iyong matibay para mawasak.

Matibay nga ba o mahina lang ako? Sa palagay ko kasi may lason yung dulo nung dumaplis sa braso ko.

Wala na naman akong choice kundi ang tumakbo sa abot ng aking makakaya.

May nakita akong liwanag at sa tingin ko, labasan na yon. Pero paglingon ko sa likod ko, ang bilis nung batong gumulong. At pakiramdam ko, pabagal ako ng pabagal.

Hinugot ko sa hita ko ang mga huling shurikens na meron ako. Pinuntirya ko yung sahig at kisame para magsilbing preno nung bato. Kung hindi man non mapigilan, mapabagal man lang.

Hindi tumigil yung malaking bato pero bumagal naman sya. Ginamit ko naman yung pagkakataong yon para gamitin na ang lahat ng lakas na meron ako para takbuhin yung labasan.

Padapa akong nakarating sa inakala kong labasan. Nag-stuck sya dun sa nilabasan ko kaya hindi natuloy na maipit nya ko.

"Whoo!... Ack!!!" Bumuntong hininga ako kasi nakaligtas ako don. Pero biglang kumirot yung daplis sa braso ko.

Focus, Devil! Mamaya mo na intindihin yang sugat mo! Sugat lang yan! Hindi naman yan nakakamatay! Kung walang lason.

Sa mga ganitong sugat kase, hindi ko gaanong iniinda. Pero ngayon, sobrang sakit nya talaga. Kaya palagay ko may lason nga yon.

Tumayo na ulit ako at inobserbahan ang paligid.

Gawa na sa metal ang buong paligid. Mukha syang kwartong bigla bigla na lang lalabasan ng mga weapons kaya dapat akong maging MAS alerto.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon