Trenta y Kwatro - Meeting

6.8K 234 5
                                    

This chapter is dedicated to @jazmin_arias63. Salamat sa mga comments at pagbasa ng mga stories ko bukod dito! At sorry kung ngayon ko lang nailagay account mo! >_<! _____________________________________________________________________________________________________________________

Devil

"Okay. Ganito. Sa Gallery tayo magkita kita bukas. Doon ko ia-announce sa lahat ang mga gagawin natin. Kayo ang magparating sa iba nitong sinabi ko sa inyo. Pati sa top 1 ni Lucifer na D' Hell, sabihin nyo rin." Seryosong sabi ko sa Dark Stars.

Nandito kami sa Hell Gates. Pinuntahan ko lang sila dito para sabihin yun. May ipapagawa kasi ako sa lahat ng underlings ko.

"Pero di namin alam kung nasaan sila." - Saw

"Sabihin nyong ipakikilala nyo sa kanila ang pumatay kay Lucifer. Sigurado akong pupunta sila. Di ba sabi nyo, hinahanap nila kung sinong pumatay kay Lucifer?"

"Wala kaming contact sa kanila." - Flare

"O sige. Ako nang bahala sa D' Hell. Kayo nang bahala sa ibang underlings ni Lucifer, okay?"

"Okay." Lahat sila.

"Uulitin ko a? Bukas. 9 pm. Gallery. All underlings. Sige, uuna na ako. May aayusin pa ako para bukas." Pagpapaalam ko.

Tumayo na ako at pumuntang banyo para bumalik na sa Den.

Kung tinatanong nyo yung nangyare sa "obligadong" bonding time namin ni Yui, pwes, wag nyo nang itanong. Pero sasabihin ko pa rin. Dinala lang naman nya ako sa Casino. Uminom sa ibat ibang bars. Umorder sya ng mga babae at nakipaglaban sakin ng paramihan ng maiinom nang hindi sinisinok. At well, immune na nga ako sa alak di ba? Alcohol tolerant ako, remember? At ako pa ang nag-uwi sa kanya sa Den. Nag-teleport na lang kami para mabilis kesa gamitin ko pa yung board ko pauwi.

Nung nakarating na kami sa Den, inihiga ko sya sa kama nya. Pero ang balasubas, hinigit pa ako kaya napahiga rin ako sa kama nya. At di pa sya nakuntento, niyakap pa nya ako na parang unan! At ang pinakamalala talaga sa lahat........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................... hinalikan nya ako sa labi...π

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon