Katorse - Chillax

11K 346 6
                                    

Devil

Nakakatamad pumasok! Pero kailangan ko pa rin pumunta ng school dahil kukunin ko pa ang Lamborghini ko. Pero mamayang hapon na lang. Ayaw ko talagang pumasok e.

Pumasok ako sa hidden room kung san nakalagay ang mga inventions ko. Kinuha ko don ang aking skateboard.

Hindi ito ordinaryong skateboard dahil may nitro boosters to. At marami pa syang nagagawa. Invention ko.

Nagpalit muna ako ng white sando tapos black jacket. Naka black trousers at rubber shoes din ako. Saka ako lumabas ng bahay.

Inilapag ko ang board at tinulak ang sahig ng 3 beses. Nang umaandar na ako, pumadyak ako ng 2 beses sa board at lumabas ang 2 boosters sa likod ng board.

Ang astig!! Nakakamiss talagang gamitin ang mga inventions ko! Ang bilis ng takbo ko!! Wohoo!

Nilagpasan ko yung isang babaeng nagja-jogging na may kasabay na aso. Pati yung lalaking nagba-bike. At yung babaeng nakatambay, nilipad ang palda pagdaan ko! Witweew! Haha!

Natulala naman sila dahil sa pagdaan ko. Dahil kasi sa sobrang bilis ko, ang lakas ng hangin kapag nadaanan kita.

Nang malapit na ako sa may gate ng subdivision, pumadyak ako ng 3 beses sa board at lumabas ang 2 pang boosters sa unahan naman ng board. Humarap pataas ang boosters at bago pa ako mabunggo sa gate, nakalipad na ako.

Wohoo!! Ang sarap lumipad!! To infinity and beyond!

Pumaling ako pakanan at kumanan namang ang board. Medyo nagslant ako pauna at bumilis ang takbo ko.

"TULONG!! MAGNANAKAW!!" Sigaw nung isang babae.

Nakita ko naman na may lalaking naka-stockings sa ulo at natakbo palayo dun sa babae habang may dalang bag.

Yan na ba ang bagong style o outfit ng mga snatcher? Ang baduy!

Tinuunan ko yung unahan ng board para bumaba ito. Tapos, sinundan ko na yung snatcher. Pumaling ako pauna para mas bumilis pa ako.

Bigla namang lumiko sa isang iskinita yung snatcher na hindi ko inaasahan kaya muntik na akong mabunggo nung truck na dadaan. Buti na lang at may posteng malapit kaya kumapit ako don at pinaikot ang sarili ko para makaliko.

Buti magaling akong magmaneobra! Muntik na ko dun a! Di ko pa oras no! Di ko pa nauubos ang Viper Gang na yan!

Bigla namang tumigil yung snatcher kasi dead end na. Inislant ko naman yung board para tumigil.

"Ibigay mo na sakin yung bag na dinekwat mo, kuya." Sabi ko.

I am D.E.V.I.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon