Devil
Hanubeyen!! Kailangan talagang nandito yan?! Gusto ko lang naman kumain ng matiwasay!!
"Hoy, Vex! Ayaw mo ba jan sa kinakain mo?" - Devon
"Hindi naman. Kaya lang, bakit kailangan pa nating isama yang Ziff na yan?" Tanong ko.
Niyakag kasi ni Devon si Ziff na kumain kasabay namin. Eto namang si mr. Mysterious, sumama!! Di ko tuloy alam kung babantayan ko pa si Devon o iiwan ko na lang sila dito e!!
"Bago lang din sya dito gaya natin di ba? Kaya dapat i-tour natin sya." - Devon
"Bakit? Foreigner ba sya para i-tour? Nung bago ako dito, ako mismo ang nag-tour sa sarili ko!" - ako
"E bakit ba ang init ng dugo mo sakin?" - Ziff
"Naramdaman mo ba ang dugo ko kaya alam mo?" - ako
"Vex! May gusto ka ba sa kanya kaya ka ganyan?" - Devon
"Devon, kung magtatanong ka naman, yung may kabuluhan naman. Puro kalokohan naman ang sinasabi mo e."
"Bakit? Di mo nga ba ako gusto?" - Ziff
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Can't you state the obvious?" Taas kilay kong tanong.
"Why?" - Ziff
"Do I need a reason to hate a person?"
"Maybe."
"Just quit it. Walang patutunguhan ang usapan na to." Sabi ko sabay cross arms at nagrelax sa pag-upo.
Nagkibit balikat na lang sya.
I know what you're thinking, Zeth. Hinuhuli mo ko kung bakit ayaw ko sayo. At kung bakit ang dami kong alam tungkol sayo. Nararamdaman kita. At di ako papahuli sayo.
"I guess, we need to get going now. Patapos na ang break natin. Let's go back." Yaya ni Devon.
Tumango na lang ako at tumayo na. Tumayo na rin naman si Ziff.
"Vex, right? Can we talk na parang walang kuryente sa pagtingin mo sakin? Di naman kasi ako natatakot sa mga tingin mo e." Sabi ni Ziff at sinabayan ako sa paglakad ko. Si Devon naman, halatang nakikinig kahit nasa unahan pa namin.
"Kung di ka naman pala natatakot sa paraan ng pagtingin ko sayo, e di wag mo na akong pakialaman. It's my own way of telling someone that I don't trust you. So, beware. I'm watching you."
"Same here. I'll be watching you, too." Sabi nya at nag-iba sya ng direksyon.
Wala akong pake kahit magkaron pa sya ng hint na isa akong gangster. Ang kailangan ko lang naman ay malaman kung may kilala sya sa Viper Gang. Yung resources nya lang ang kailangan ko. At magagamit ko yun kahit di pa nya alam na isa akong gangster.
BINABASA MO ANG
I am D.E.V.I.L.
Actionthis story is about a childish gangster. hindi sya yung typical gangster na cold. but when you mess with her, di mo sya makikilala dahil nagmumukha syang sugo ng impyerno! yes! tama kayo! 'her' because she's a girl. ASTIG kasi kapag babae ang bida! ...