Special Chapter

38 2 0
                                        

"Paano kapag ayaw niya, Criselda? Eee, huwag na lang kaya?" kinakabahan kong sambit at pinigilan siya sa pagtulak sa akin.

Natawa naman siya at binawi ang mga kamay ko. "Ano ka ba naman? Ito na nga ang pagkakataon mo para makapag-picture sa crush mo tapos hihindi ka pa," she encouraged me.

"Baka busy siya. Huwag na lang kaya?"

"Rosalind, walang masama sa isang simpleng pa-picture lang. Kaya sige na, huwag ka nang tumalikod pa."

"Criselda!"

Hindi ko na siya napigilan pa nang hinila niya na ang kamay ko mula sa classroom. Nagpatianod na lang ako dahil wala naman din akong magagawa.

Valentine's day kasi ngayon at parating may booths sa school namin tuwing Araw ng mga Puso. Kanina ay ilang ulit akong nakipag-marriage booth kay Jerich, ang long-time crush ko. At ngayon naman ay sinasabihan ako ni Criselda na magkaroon ako ng remembrance na picture naming dalawa.

Jerich knows about my feelings. I think everyone knows na may crush ako sa kanya. Well, I countlessly confessed to him, but he just kept ignoring me. Hindi naman ako nagdamdam masiyado kasi kahit ilang ulit niya pa akong itulak o i-reject, crush ko pa rin siya. Hindi lang naman ako ang mag-isa na may crush sa kanya, e.

"Wala siya sa room nila," ani Criselda at sinilip pa ang classroom ni Jerich.

Sumilip din ako at nakitang wala nang tao. "Baka umuwi na?"

"E, ang sabi nina Kler nandito raw kanina."

"Kanina lang pala, e 'di wala na ngayon."

Nilingon niya ako at bumuntong-hininga. "Sayang naman ang ginawa kong pagli-liptint sa 'yo kung hindi mo siya mapagbibigyan ng love letter. Kahit picture man lang, wala pa!"

Tinawanan ko lang siya. "Hayaan mo na. May next time pa naman, e."

Umasik pa siya kahit wala na siyang magagawa. Uwian na kasi at wala nang masiyadong mga estudyante. Nagpahuli kaming dalawa dahil nagbaka-sakali kaming makipag-picture kay Jerich kaya pinagpulbuhan niya ako, nilagyan ng liptint sa labi at mga pisngi, at ginawan ng braid styles ang buhok ko.

"Uwi na lang tayo. May test pa tayo bukas sa Araling Panlipunan," wika ko sa kanya at inikot ang braso ko sa kanya. "Baka hindi pa tayo makapag-aral ngayong gabi."

"Luh, kahit nga hindi ka na mag-aral, matalino ka pa rin. Hindi ko nga gets kung bakit walang humahanga sa 'yo."

Umirap ako. "Hindi mo pa ba gets, Criselda? I'm just not fit to be an ideal girl friend."

Tumaas naman ang kilay niya. "Or maybe, hindi pa lang dumadating ang para sa 'yo. Malay mo, someday, mahanap mo na rin, hihihi."

Medyo napatigil ako sa kanyang sinabi at napaisip. Balang araw ba ay may makakahanap ako ng taong mamahalin din ako? 'Yung taong hindi babalewalain ang pagmamahal ko?

Magsasalita pa sana ako nang biglang umaliwalas ang mukha ni Criselda. Tinuro niya ang may admin office, kaya napalingon din ako.

"Ayun oh! Si Jerich!" excited na anunsiyo ni Criselda.

Napangiti ako at napayakap sa love letter ko. "Oo nga!"

Nakaupo si Jerich sa isang bench sa ilalim ng isang mango tree sa harap ng admin office. May ngisi sa labing nagtitipa siya sa kanyang cellphone. Sa pagkakataong iyon ay parang kumikislap siya sa paningin ko, lalo na't nakangiti siya.

"Dali na! Bago pa siya umuwi," bulong ni Criselda. "Ako na ang magpi-picture sa inyong dalawa."

"O-Okay..."

Acacia's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon