Umalis si Tita Emily papuntang Cebu para doon magdiwang ng pasko kasama ang asawa niya. Ang kasama ko naman sa bahay ay sina Avery, Dandan, Cedric, Tita Melissa, at Ate Grace.
Bukas na ang kaarawan ng Diyos, kaya naghahanda na kami para sa noche buena ngayong gabi.
"Tulog na ba si Dandan?" tanong ni Ate Grace nang bumaba ako sa hagdan. "Natimplahan mo ba ng gatas?"
"Opo." Pabagsak akong tumalon sa sofa para magpahinga. "Grabe, nakakapagod talaga bantayan si Dandan, Ate, 'no? Ang likot. Parang bulati na binudburan ng asin!"
Napailing ako. Ininat ko ang mga balikat ko dahil sa kabubuhat ko sa batang iyon kanina. Ang sakit din ng mga paa ko kakatakbo para habulin siya.
Naku! Dalawang araw ko pa nga lang, para na akong mamamatay.
"Pagpasensiyahan mo na. Bata, e," sabi ni Ate Grace habang naghihiwa ng mga sangkap panghapunan.
Tumingin ako sa labas ng bahay. Nakita ko ang mainit na panahon. Mahangin sa labas sa kabila ng init, kaya ang mga halaman sa gilid ng kalsada ay sumasayaw.
"Hala, nakalimutan ko ang singkamas," biglang ani Ate Grace at kinapa pa ang mga sangkap.
Napalingon ako sa kanya. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ko naman.
Kumuha si Ate ng barya sa itaas ng ref. "Bili na lang muna ako ng kulang."
Tatango na sana ako, pero nang maalala ang lalaking nakita ko kahapon ay napangiti ako. Baka makita ko siya ulit, hihihi!
"Ay, Ate!" sambit ko at napatayo. "Ako na lang po ang bibili."
Masaya akong lumabas ng bahay dala-dala ang barya. Tinali ko pa nang patirintas ang buhok ko para naman presentable akong tingnan kapag nagkita kami no'ng guwapo kagabi.
Lumiko ako sa daan at napansin ang ibang mga tao sa clubhouse ng subdivision na nag-uusap. May mga lalaki pang kunwari ay nagbo-boxing. Sa tingin ko, kaparehas ko lang sila ng mga edad.
Siguro mga mayayaman ang mga 'to at galing sa isang private school. Chill-chill lang, oh?
Ako naman dito ay nagsisikap makasuweldo mula sa tita imbes na makipagsiyahan din sa mga kaibigan ko. Huhuhu, galit pa naman sila sa akin.
Lalampasan ko na sana ang clubhouse, pero nakita ako ng isang babae mula sa pangkat. Ngumiti siya sa akin kaya alangan namang ii-snob ko. Pabalik akong ngumiti sa kanya.
"Gabriel!"
"Aw! Aw! Aw!"
Napalingon ako sa ingay. Nanlalaki ang mga mata kong pinagmasdan ang pagtakbo ng aso at ng isang lalaki na patungo sa direksyon ko.
"Aaaahhh!!!" sigaw ko habang tumatakbo nang mabilis.
"Aw! Aw! Aw!" tahol ng aso.
"Huwag mo akong kagatin, pleaseee!!!"
Agad akong umakyat sa isang malunggay na puno kahit maliit lang ang mga sanga nito. Nakita ko ang aso na patuloy pa rin sa pagtahol mula sa aking ibaba. Nakahilig pa ang mga maliliit na kuko sa kahoy ng malunggay.
"Lumayo ka! Shoo!" pagtataboy ko.
Naku naman. Hindi yata aksidente o sakit ang papatay sa akin, kung hindi ang virus ng isang aso.
Nakita ko sa ibaba ang pangkat kanina sa clubhouse na tumatakbo papalapit sa gawi ko. Namula ako nang mapagtantong mukha akong tarsier sa itaas ng malunggay.
May lumapit na isang pamilyar na lalaki at dinaluhan ang aso.
"Gabriel, hindi ka dapat tumatakas sa bahay. Here, doggie," sambit niya, inaayos ang tali sa leeg ng hayop.
BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
RomanceKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...
