Tinakpan ko ang bibig ni Avery nang tumili siya.
"OMG! Teka, kinikilig ako! Hihihi!" sambit niya.
Kinuha niya ang unan mula sa kama at kinagat ang tela nito. Napapailing na natawa ako.
"Shh, huwag ka ngang maingay. Baka marinig ka pa nila ni Tita."
Agad naman siyang tumango nang dali-dali. "Tapos? Tapos? Anong nangyari sa sunod?"
Hindi ko maiwasang kiligin habang inaalala ang nangyari kagabi sa amin ni Winston.
Kasalukuyan kaming nasa kuwarto niya. Kinikuwentuhan ko siya tungkol sa pag-confess sa akin ni Winston kagabi. At ang pinsan kong bruha, kilig na kilig kesa sa akin.
"Ayun... bigla na lang a-ano..."
Sinundot ko ang dalawang pagtuturo ko sa aking mga hintuturo. Uminit ang mga pisngi ko.
"Hinawakan niya ang kamay ko, tapos nag-holding hands kami."
At ulit, tumili na naman ang bruha na parang naghihisterya na baliw. Hinampas ko tuloy siya. Naka-squat kaming magkaharap sa isa't isa sa kama.
"Yiieee, kakilig!" aniya. "So... ano na?"
Itinaas ko ang dalawang kilay ko. "Anong ibig mong sabihing ano na?"
"Girl, nag-confess na siya, tapos halata namang gusto mo rin siya," sabi niya habang ikinikilos ang kanyang mga kamay. "It means, yayayain ka na niyang maging girlfriend."
Binatukan ko naman ang pinsan ko. "Talagang hindi ka nakikinig sa 'kin, e. Kasasabi lang na ayaw niya pang mag-commit."
"Ohh," sambit niya. "E, bakit daw?"
Pinaglaruan ko ang unan na nasa lap ko. "Ayaw niyang masaktan ulit. Ayaw niyang magkagusto sa isang babae, tapos iiwan lang siya. Pero heto, nagkagusto raw siya sa akin, pero ayaw niya munang sumubok."
Isa pa, hindi pa naman ako handa magkanobyo. Oo, marami akong naging crush, pero mas nasanay kasi ako sa pagtatanggi nila sa akin. At ngayon, iba na ito dahil cr-in-ushback na talaga ako!
"Hmp! Pakipot naman ang lalaking iyan." Ngumiwi si Avery. "E, ang loyal mo kaya, tapos matalino pa, talented, mabait, matulungin--- I mean, ano pa bang kulang sa iyo?"
"Wow. To the max ang mga compliments mo, ha? Pero ayos lang. Dadahan-dahanin na muna namin ito."
Pinanliitan ako ng mga mata ni Avery at ngumisi. Hindi naman magkamayaw ang mga kiliting nararamdaman ko.
Matapos kong makipagkuwentuhan sa pinsan ko ay bumaba na ako dahil may icha-chat daw siya.
Ang mahal ko kasing pinsan, habulin at maraming mga lalaking nagkakandarapa sa paligid. Maganda, sikat, at marunong makisama, e, kaya marami talagang magkakagusto sa kanyang mga tao.
Pero ang sabi niya palagi sa akin, ayaw niya munang magseryoso, kaya ang loka, ghoster sa mga manliligaw niya. Ayun, kinutungan ko tuloy.
"Rosalind," tawag ni Tita na may sinusulat sa lamesa.
Tumigil naman muna ako sa pakikipagkulitan sa mga bata kong pinsan saka lumingon sa tiyahin.
"Po?" sagot ko naman.
"Nasabi mo na ba sa mama mo ang plano mong pagsama sa akin sa New York?"
Umismid naman ako nang tanungin niya iyon. Kinamot ko ang aking ulo.
"Maghahanap pa po ako ng tiyempo, Tita. Masiyado po kasing magugulatin si Mama."
Ang gusto kasi ni Mama para sa akin ay magkolehiyo na muna bago magtrabaho. Pero minsan kasi, naiisip ko ang kalagayan ng mga kapatid ko na malapit nang mag-high school kaya budget na muna sina Mama at Papa. Mas lalo lang lalaki ang gastusin namin kapag nag-college pa ako.

BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
Teen FictionKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...