Chapter Twelve

70 4 0
                                        

Pinaglaruan ko ang bulaklak na nahulog mula sa acacia. Pinutol ko ang sanga nito bago itinapon sa tabi. Nakita kong tinatakpan na ng mga ulap ang buwan sa kalangitan. Naghintay ako ng ilang sandali.

Wala na sina Angela dahil umuwi na sila. Nanatili nga lang ako dahil naghihintay pa rin ako kay Winston.

May kinikita siyang babae? At paano naman nangyari iyon? Ako ang palagi niyang kinakausap at tinatawagan. Wala rin siyang binanggit sa akin.

Naalala kong hindi siya nagpapadala ng mensahe nitong nakaraang dalawang araw lang. Kung gano'n, posible rin.

Nakarinig ako ng mga yapak sa kalsada. Lumingon ako at nakita ang kanina ko pa hinahanap. Si Winston.

Pero hindi kagaya kaninang masaya ako, malungkot ko siyang tiningnan. Malamig ang mga mata niya habang nakayukong naglalakad. Tumabi siya sa akin nang hindi ako tinitingnan. Iniwas ko ang aking tingin, at tinitigan na lang ang kawalan sa harap.

Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? Bakit parang may hindi tama? Bakit, Winston?

"Nandito ka na pala..." mahinang bulong ko.

"Yeah..."

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang dalawang libro na nasa tabi ko at nilahad ito sa kanya. Tinapunan niya ito ng tingin.

"Bili ko ito mula sa amin," wika ko. "Alam ko kasing mahilig ka sa Harry Potter."

Tinanggap niya ang mga libro at pinagpalit pa ang mga puwesto para tingnan ang mga ito. Akala ko ay itatabi niya, pero nilahad niya lang ulit sa akin.

"I have the whole series of Harry Potter," saad niya at nginitian ako. "You don't have to give it to me."

"P-Pero..."

"Rosalind," tawag niya sabay pikit. "I need to talk to you about something."

Saglit kaming nagtitigan dalawa. Mayamaya ay kinuha ko ang mga librong binili ko ng napakamahal, tapos hindi niya pala tatanggapin.

"Bakit, Winston?" tanong ko. "May problema ba?"

Bumuntong-hininga siya. "Rosalind, I think... I can't do this anymore."

"Ang alin?" maang-maangan kong tanong.

Sa mga tingin niya ay alam ko na ang ibig niyang sabihin, pero gusto ko munang makasigurado dahil hindi ko alam kung ano ang mga dahilan niya.

"This. Itong ginagawa nating dalawa," sabi niya. "Para kasing... mali, e."

"Winston, hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo. Bakit mo nasabing mali ito?"

"Kasi masasaktan lang kita. Alam kong masasaktan lang kita sa huli."

"O baka naman sinasabi mo lang iyan kasi may isang bagay na nagpapalito sa 'yo."

Nagtaka ang kanyang mukha. "What are you saying?"

"Sinabi ni Logan!" Iniwas ko ang tingin ko at lumayo nang bahagya mula sa kanya. "Sinabi ni Logan na nakikipagkita ka sa isang babae sa school niyo. Wow, Winston. Ang sabi mo, hindi mo gustong mag-try ulit, pero ikaw itong nandadaya-"

Marahas niyang nilingon ang sarili sa akin. "Hindi ako nandadaya. I am just a complicated person-"

"Oo! Sa sobrang kumplikado mo, hindi ko alam kung iintindihin pa ba kita o hindi na-"

"Well, that's amazing for me to hear that from you. More than you, all you know is how to chase me, and make me love you-"

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan!"

Acacia's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon