"Happy new year, Mama!" bati ko sa video call. "Kumusta na po kayo riyan?"
"Anak," sambit naman ng mama ko sa kabilang linya. "Ayos lang naman. Nasabi sa akin ng Tita Darlene mo na nandiyan ka raw sa siyudad para bantayan si Dandan."
Ngumisi naman ako. "Opo. Para naman makatulong din ako," sabi ko. "Para hindi na ako humingi ng pera kay Papa. Alam niyo naman kung gaano ko iniisip ang kalagayan niyo."
"Sus, ang drama mo, Ate." Natawa si Mama sa screen.
Isang taon nang nasa Mindanao si Mama kasama ang mga kapatid ko. Nami-miss ko sila siyempre, pero ayaw ko namang sumama roon.
Gusto ko kasing dito mag-aral para makasama ako kay Tita Melissa sa abroad pagkatapos ng graduation ko.
"Siyangapala, anak." Biglang nalungkot si Mama, kaya kumunot ang noo ko. "Hindi mo ba alam ang tungkol sa papa mo?"
"B-Bakit po? May nangyari po ba kay Papa?"
"Nasa hospital na naman siya, Rosalind. Mabuti na lang at pumunta ang Tita Emily mo sa Pangasinan para tulungan siya roon."
"Ano?!"
Imbes na magsalita si Mama ay napailing lang siya nang malungkot. Wala naman akong masabi, kaya inalo ko na lang siya.
May sakit kasi si Papa sa kidney. Kapag kumakain siya ng pancit canton at kung anong nakasasama sa kalagayan niya ay na'o-'ospital siya.
Matapos kong kausapin si Mama sa kuwarto ni Avery ay bumaba na ako sa hagdan ng bahay.
"Rosalind, patulong naman dito," tawag ni Tita Melissa na naghahanay ng mga torotot.
"O-Opo."
Agad ko siyang dinaluhan at tinulungan sa ginagawa. Sinulyapan ko si Dandan na iniwan ko kanina saglit. Naglalaro lang siya kasama si Cedric sa sahig habang binabantayan ni Avery.
"Tita," tawag ko kay Tita Melissa. "Talaga bang na-'ospital na naman po si Papa?"
"Ah, nalaman mo rin pala." Huminga nang malalim si Tita Melissa sabay tango. "Oo. Sinabi ba ng mama mo? Sasabihin ko naman talaga sa iyo, pero ayoko namang pag-alalahanin ka."
"Kawawa naman si Papa. Sana ay maging mabuti ang pakiramdam niya."
Tumango si Tita Melissa habang naglalagay na ng mga prutas sa isang lalagyan.
"Kaya huwag ka na munang humingi ng pera sa papa mo. Bibigyan ka naman ni Emily ng pera dahil sa pagbabantay mo kay Dandan."
Doon ko naalalang klase ko na pala ngayong Lunes. Muntik ko nang makalimutan na sa susunod na pala na lingggo ang balik ko sa Matarde.
Oh, shit! Si Winston!
"Tita!" sambit ko at napatigil sa ginagawa. "M-May bibilhin lang po ako sa labas!"
"Huh? Pero may ginagawa pa tayo."
"U-Uhhh, puwede po bang pagkatapos nito ay umalis na muna ako?"
Tumango si Tita nang pasimple. "Pagkatapos na lang nating magtanghalian. Patulugin mo na muna si Dandan."
"Opo."
Mas dinalian ko ang pagtulong sa kanila.
Dalawang gabi na ang lumipas at palagi na akong lumalabas kasama sina Angela, Kent, Jeany, at Logan. Hindi na rin diyan mawawala si Winston.
Hindi ko rin maitatangging mas napapalapit kami sa isa't isa. Ewan ko. Crush ko lang naman siya na may kasamang 'friendship'.
---
![](https://img.wattpad.com/cover/241586911-288-k526505.jpg)
BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
Dla nastolatkówKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...