Chapter Four

67 5 0
                                    

"Anong maganda rito, Rosalind? Ito o ito?"

Pinigilan ko ang pagngiti habang ka-chat si Winston. Nagbibiro kasi siya tungkol sa isang movie na paborito niya. Nagtipa ako ng reply sa kanya.

"Hoy!"

"Ay, animal ka!"

Kumunot ang noo ni Avery sa akin. "Sino 'yang ka-chat mo? Kanina pa kaya kita tinatawag," sabi niya.

"Oops!"

Itinaas ko ang aking hintuturo para pigilan siya sa pagbabalak niyang pagkuha sa cellphone ko.

"Wala lang 'to. Mga kaibigan ko lang."

Tumaas lang ang kilay niya at pumamewang. Tumikhim naman ako. Mayamaya ay napailing siya.

"So, ano nang magandang i-profile?" tanong niya ulit sabay pakita ng dalawang litrato.

Pinanliitan ko ang mga mata ko habang ikinokompara ang ipinapakita niya. "Hmm, mukhang gusto ko ang puwesto mo riyan. Ito, oh."

"Okay, thank you!"

Bumalik ulit siya sa pagpipindot ng cellphone niya at humiga. Nilingon ko ulit ang cellphone ko kung saan agad akong ni-reply-an ni Winston.

---

FROM: Winston Nash Ravalez

What are you doing?

---

Umubo ako habang ngumingiti.

---

TO: Winston Nash Ravalez

Heto, nagpapahinga sa bahay kasama ang pinsan ko.

---

FROM: Winston Nash Ravalez

I'm a little bored here. Katatapos ko lang manood ng Game of Thrones. Do you want to go outside?

---

TO: Winston Nash Ravalez

Ewan ko. Baka hindi. Marami akong gagawin.

---

"Rosalind!"

Agad kong iniwan ang cellphone sa lamesa ni Avery. Lumabas ako ng kuwarto niya at bumaba para puntahan si Ate Grace na tinawag ako.

"Bakit po?"

Nadatnan ko siyang nagluluto ng tanghalian. Kasalukuyan namang natutulog si Dandan sa malaking kuwarto ng bahay, kaya may oras ako para mag-relax konti.

"Pakiayos nga no'ng bisikleta ni Avery," utos niya.

"Po?" Kumislap ang mga mata ko. "Dumating na ang bike ni Avery?"

"Oo naman. Hinatid ng kaibigan ni Zoey."

Nasira kasi ang bike ni Avery last month, at miminsan niya lang matripan lumabas. Tinatamad kasi siya kapag naglalakad lang, kaya gusto niyang may bike na lang. 

At dahil mahilig akong sumakay ng bike ay nae-excite ako.

"Sige po! Aayusin ko na!"

Masigla akong lumabas ng bahay. Tahimik pa rin ang buong subivision, at tanging malakas lang na hangin ang dumadaan. Nakita ko ang mahiwagang mountain bike ni Avery. Pinasadahan ko ito ng hawak bago itinabi.

"Hoy, 'insan."

"Oh? Bakit?"

Malambing ko naman siyang niyakap sa likod. "Alam mo, simula nang ipinanganak ka sa mundong ito, nakagisnan mo nang dumikit sa akin. Na kahit pag-inom mo ng tubig, paghuhugas mo ng iyong makikinis na kamay ay alam k---"

Acacia's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon