Sa sumunod na linggo, naging maayos naman ang lahat. Nakakapag-chat kami ni Winston gabi-gabi tuwing nag-aaral ako, pati na rin sa mga kaibigan namin sa subdivision. Inaatupag ko naman ang pag-aaral ko para sa Quiz Bowl Division na paparating na next week.
Naku, kinakabahan na nga ako, e.
"Hmm, ang ganda ng grades mo, Rosalind," sabi ni Tita Darlene noong naghahapunan kami sa hapon ng Miyerkules.
"Thank you po," ngiting wika ko.
Noong nakaraang Sabado kasi ay distribution ng cards. Si Tita Darlene ang dumalo sa school, at nakita kong matataas nga ang grades ko. Kinunan ko rin ng litrato ang card ko para ipakita kina Mama at Papa. At ayun, proud na proud sila para sa akin.
"Punta na po ako sa kuwarto," paalam ko kay Tita.
"Sige!"
Nang pumasok ako sa kuwarto ay agad kong hinablot ang cellphone ko. Mamaya na lang ako mag-aaral. Makikipag-chat na lang muna ako kay Winston.
---
TO: Winston Nash Ravalez
Nakauwi ka na?
---
Ilang minuto ay nag-reply siya.
---
FROM: Winston Nash Ravalez
Yeah. I'm kinda nervous right now. Bukas na kasi ang distribution ng cards namin.
---
TO: Winston Nash Ravalez
Sus. Ang talino mo kaya. Papasa ka niyan.
---
FROM: Winston Nash Ravalez
I hope so. Nasa'n grades mo?
---
Masaya naman akong nag-send ng picture sa card ko. Nagpatuloy kami sa pagcha-chat ni Winston. Kinuha ko ang mga libro ko at nagsimulang magbasa.
Hindi ko sinabi sa kanya na nalaman ko na kung sino ang panghuling ex niya. Wala rin akong planong sabihin kay Avery na si Winston ang gusto kong lalaki sa subdivision.
Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ni Avery kapag nalaman niyang konektado ako sa kanilang dalawa.
Mayamaya ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Avery.
---
FROM: Sonia Avery Concepcion
Rosalind, kinuha ni Mommy ang card ko ngayon. I've got bad grades :((
---
Kumunot ang noo ko.
Sa pagkakaalam ko, maganda naman ang performance ni Avery sa school niya. Kapag mababa ang kanyang grades ay patay siya kay Tita Emily. Strikta kasi si Tita sa pag-aaral niya, kaya hindi na ako magtatakang pagagalitan siya nito.
---
TO: Sonia Avery Concepcion
Bakit? Ano bang nangyari at mababa ang grades mo?
---
FROM: Sonia Avery Concepcion
Hindi kasi ako nakasali sa test last month. I skipped it because I got really depressed that day. Kaya heto, galit na galit si Mommy sa akin.
---
Kailangan ko siyang aluin. Sa mga pagkakataong ito ay ako lang ang malalapitan niya. Pero bago ko pa siya yayain makipag-video call ay may tumatawag na sa akin.

BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
Ficção AdolescenteKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...