Chapter Eleven

64 5 0
                                        

"Ms. Concepcion," tawag ni miss, kaya mas lalo akong naestatwa.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Nakatayo ako sa harapan ng adviser namin, habang siya naman ay nakaupo nang matuwid sa kanyang upuan kaharap ng lamesa. Nasa faculty kami kasalukuyan.

"Totoo bang nagpasagot ka ng testpaper mo kay Ms. Padilla?" mataman niyang tanong.

Tahimik naman akong tumango. Narinig ko ang adviser namin na bumuntong-hininga sabay iling.

"Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito," sabi niya. "Ikaw ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong estudyante sa room natin, and this is the first time you have done cheating."

Hindi naman ako nag-cheat. Sinasagip ko lang ang kaibigan ko. Mawala na sa akin ang lahat, huwag lang ang mga mahahalagang tao sa akin.

"I'm sorry po," sabi ko sabay yuko.

Napahilot sa sentido si miss. "Kapag nalaman ito ng principal ay baka iurong ka niya bilang representative sa Quiz Bowl Division," aniya. "Don't do this again, or else, I will have no choice, but to reduce your good reputation."

May galang akong tumango. Mayamaya ay pinakawalan na ako ni Miss Zaragosa. Nakayukong lumabas ako ng faculty.

"Rosalind!"

Napaangat ang ulo ko. Nakita ko si Criselda na papunta sa harap ko. Puno ng konsensya ang kanyang mga tingin.

"Bakit mo ginawa iyon?" panimula niya nang makalapit.

Ngumiti ako nang pilit sa kanya. "Ayos lang," sabi ko naman. "At least, hindi pa rin ako disqualified sa quiz bowl, hindi ba?"

Hinampas naman ako ng kaibigan ko. "Loka! Ikaw na nga napahamak, ikaw pa itong masaya," sambit niya sabay yakap sa akin. "Hay, Rosalind. Ewan ko ba kung anong nagawang mabuti ko sa buhay para ma-deserve ang kaibigang katulad mo."

Bumuntong-hininga naman ako sabay yakap pabalik sa kanya. "Ayoko lang naman na mapahamak ka sa grades mo. Saan pa at magkaibigan tayo?"

Napatango siya. Sinamahan niya akong makabalik sa classroom. Nang makarating kami ay agad nakiusisa ang mga classmates ko sa akin, pero hindi ko sila sinagot at hinayaan lang sila sa mga usapan.

Nakita ko naman sa may gilid sina Janice, Bianca, at Kler na nag-uusap nang masaya. Mukhang wala silang balak na makipagbati sa akin.

Bumuntong-hininga naman ako, at nilingon si Criselda na naghahanda na sa kanyang bag. Halfday kasi ngayon dahil test, kaya maaga kaming makauuwi.

"Tayo na?" anyaya ko.

Hinawakan ni Criselda ang balikat ko at tinitigan ako. "Sorry talaga dahil napagalitan ka ni Miss Zaragosa nang dahil sa akin," sabi niya.

"Ayos nga lang. Paulit-ulit?" Tumawa pa ako. "Uwi na nga tayo."

Bago ko pa siya mahila ay hinarangan niya na ang dibdib ko. Kinagat niya ang kanyang labi, at nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Oh? Bakit?" tanong ko.

"E, kasi, may gimik kami nina Janice," aniya. "Gusto ko ngang kasama ka, e,-pero ayaw naman nila kasi nagtatampo pa rin sila sa iyo."

Sinulyapan ko naman ng tingin ang mga kaibigan ko na nagpupulbo at nagli-liptint mula sa malayo.

So, kailangan talaga, ako ang magpakumbaba? Mali rin naman sila sa mga sinabi nila, pero nagreklamo ba ako? Tss.

"Ayos lang," baling ko kay Criselda na may naaawang mga tingin. "Uuwi na lang ako para matapos ang research papers mo."

Lumiwanag naman ang mukha niya. Niyakap niya ako at maarte pang umiyak.

Acacia's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon