Chapter Eight

64 4 0
                                        

"Ate, pabili nga po ng chicharon," wika ko sa tindera.

Ngumiti naman ang ale na nasa loob ng tindahan. "Ilan ang sa 'yo?"

"Pakisakto po sana sa one hundred pesos," tugon ko naman.

Tumango ang tindera. Naghanda naman ako ng pera mula sa bag ko. Tiningnan ko ang wallet ko at may baon pa naman ako next week.

Kasya na siguro ito.

Araw ng Sabado, at ngayong araw na ito ang kauna-unahang beses na gagawin ko ang isang bagay sa tanang buhay ko. Ang mag-isang pupunta ng siyudad.

Sa totoo lang, natatakot talaga ako kasi first time ko itong gagawin. Noon kasi, sinusundo ako nina Tita Emily dito sa Matarde, o kung hindi naman ay may kasama ako papunta roon.

Hindi ako marunong tumawid kasi may trauma na ako simula noong nabangga ako ng motorsiklo sa highway. At hindi ko pa alam kung anong gagawin sa bus.

Saan ko ibibigay ang pamasahe ko? Sino kaya ang makakatabi ko? Magnanakaw kaya o holdaper?

Ewan ko na lang talaga!

Pero ang determinasyon ko ay nanggaling kay Winston. Pupunta ako sa subdivision dahil gusto ko siyang makita at makasama.

Alam kong buwis-buhay ito, pero totoo talaga ang mga sabi-sabi. Na kapag gusto o mahal mo 'yung tao, lahat magagawa mo.

Kasalukuyan ko nang pinagmamasdan ang malaking yellow bus. Parang tinitingnan niya ako at tinatanong ng 'ready ka na ba?'.

Mahigpit kong hinawakan ang dalawang straps ng backpack ko bago naglakad papunta sa loob. Ako pa lang ang mag-isa sa mga pasahero at tanging driver lang ang nakita ko na chill lang.

Nag-check ako sa aking Messenger matapos maupo.

---

FROM: Sonia Avery Concepcion

Wait, tutuloy ka?! Akala ko, nagbibiro ka lang!

---

Nag-selfie ako gamit ang camera sa Messenger saka ko ito sinenda sa kanya. At ang bruha, napamura sa messages.

Humingi kasi ako ng pabor sa kanya. Na sabihin kina Tita Emily at Tita Melissa na tuturuan ko si Avery sa mga projects at assignments niya. Pero sa totoo lang, tutulungan niya akong makipagkita kay Winston sa gabi.

---

FROM: Sonia Avery Concepcion

Nababaliw ka na! Hindi ka nga marunong tumawid sa kalsada, e, mag-commute pa kaya?

---

TO: Sonia Avery Concepcion

Wala na akong magagawa. Nandito na ako sa bus, at wala nang atrasan 'to.

---

Nagitla ako nang umandar na ang malaking sasakyan. Agad kong itinago ang cellphone sa bulsa ko at naestatwa sa kinauupuan. Tiningnan ko ang paligid at mukhang ako pa yata ang pasahero. Napa-sign of the cross na lang ako nang umusad na kami.

Mahal ko po sina Mama at Papa, lord. Sana huwag niyo po akong pabayaan sa ginagawang pagsubok na ito.

Habang nasa daan ay parang estatwa lang akong nakaupo. Kalmado lang 'yung driver na nagmamaneho, pero ako, parang nasusunugan sa impyerno dahil sa pawis at kaba na nararamdaman.

Nakita ko na lang ang malaking pangalan ng Matarde sa border na may nakasulat na 'You are leaving Matarde. Come back again.'

Gusto kong sumigaw kasi parang gusto ko na lang bumalik. Pero nawala lang ito nang tumigil ang bus at may sumakay na isang babae. Para akong nakaginhawa nang maluwag.

Acacia's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon