"Ms. Rosalind Luna Concepcion?"
Inangat ko ang aking ulo nang tawagin ako sa airport counter. Ngumiti ang babae sa akin sabay bigay ng passport ko.
"Welcome to New York, ma'am," sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya sabay tanggap sa passport. "Thank you."
Sinuot ko na ang eyeglasses at pinatakbo ang luggage sa aking likuran. Naghanap ako ng taxi sa daan ng international airport, saka ko tinawagan si Tita Melissa.
"Where are you? Nandito na ang mga kaibigan mo sa apartment. Hindi na lang kita hihintayin dahil uuwi na ako. Magba-bar daw kayo ngayong gabi," sabi niya sa kabilang linya.
"I'm still at the airport. Kakarating ko pa nga lang mula sa Australia trip," sabi ko naman. "Masiyado naman po yata kayong nagpe-pressure."
Pumara na ako ng taxi na dumaan. Habang kausap si Tita ay tinulungan ako ng driver na ipasok ang mga gamit ko sa trunk ng sasakyan. Ilang minuto pa ay nakasakay na ako matapos kong sabihin ang address ko sa New York.
Dalawang taon na ang nakalilipas simula nang makatapos ako ng senior high school sa Matarde. Sumama ako kay Tita Melissa na makapag-abroad sa New York. Noong una ay nahirapan pa ako dahil naging isa akong waitress sa isang foreign restaurant. Siyempre, kailangan kong praktisin ang page-english ko.
Apat na buwan akong nag-adjust sa pamumuhay sa abroad. Magtatrabaho buong araw, tapos raraket pa sa gabi. Madalas pang sumakit ang katawan ko, pero kinailangan kong sanayin ang pagtatrabaho.
Idagdag pa na sa isang taon na nandito ako sa New York ay naging miserable ang mga gabing nagdaan. Tuwing mag-isa kasi ako ay parati kong naiisip ang nangyari sa amin ni Winston. Matapos ang buong araw ng trabaho ko ay hihiga na muna ako sa kama sa apartment tapos iiyak. Kakain tapos iiyak, magtatrabaho tapos magmumukmok, at bago matulog ay iiyak na muna.
I was so fucked up because of Winston for those many months.
Pero inisip ko na lang na kailangan ko na siyang kalimutan. May mga kapatid akong tutustusan sa pag-aaral, isang ama na kailangan pagalingin sa sakit, at ina na bibigyan ko ng magandang buhay. Hindi ko aaksayahin ang oras ko sa isang taong walang ibang ginawa kung hindi saktan ako.
Kaya sinikap kong kalimutan si Winston. Nag-work out ako, nagtrabaho sa mga abalang firms at hotels, inabala ang sarili sa paghahanap ng mga bagong kaibigan, at nag-travel sa ibang bansa nang umasenso. At sa kasalukuyang taon ay naging isa na akong manager sa isang merchandise company.
Naging inspirasyon ko ang pamilya, mga kaibigan, at ang sakit na naibigay sa akin ng mga tao noon. Na sa kabila ng mga masasamang gawain nila ay imbes na bumagsak ako ay tumulong pa ang mga ito sa aking pag-angat.
I'm just twenty years old, yet I have already reached my dreams because of hard work and determination. And I started to love myself more than anyone.
"You better have the clothes na gusto kong ipasalubong mo sa akin," sabi ni Tita. "Ipadala mo ito sa address ko."
"Yes, yes." Natawa ako sabay tingin sa car window. "And I also made sure that they are from Chanel and Celine brands."
"Good. Sige na, aalis na ako. May appointment pa ako sa kliyente ng boss ko."
"Sige, Tita. Ingat po kayo."
Pumikit ako dahil sa pagod ko sa biyahe sa eroplano.
Oo nga pala, may gimik kami ngayon ng mga barkada ko sa bar this night. One of our friends got promoted, and they don't want me to miss it. Ilang beses ko na kasi silang tinanggihan dahil hindi naman talaga ako mahilig sa bar. Gusto ko lang manood ng TV, kumain ng pop corn, at mag-relax habangbuhay sa apartment.
BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
RomanceKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...
