Chapter Fifteen

81 4 0
                                    

Tumigil ako sa gate ng school namin sabay buntong-hininga. Dinadaanan ako ng mga estudyante, at ang tangi ko lang ginagawa ay mag-isip nang malalim.

Araw ng Biyernes, panghuling araw ng klase namin. Lahat ay masaya dahil patapos na ang pag-aaral namin bilang senior high students.

Pero heto ako... nag-iisip para bukas. Bukas na kasi ako babalik ng subdivision, at hindi ko alam kung anong mangyayari. Ang gusto kong makamit ay ang katotohanan mula kay Winston at kung ano ang kailangan niya.

Pumasok ako sa classroom kung saan marami ang nagkukuwentuhan tungkol sa graduation. Sinalubong naman ako ni Mr. President na ngumingiti sa akin.

"Excited ka na ba?" masayang sambit niya.

"Sa alin?"

Sumimangot siya. "Sa graduation. Ano ka ba? Where on earth ka na naman?"

Natawa ako habang papunta sa seat ko. Sumunod naman siya sa akin. Uupo na sana ako nang biglang may tumayong postura sa aming harapan. Kumunot ang noo ko kay Criselda na tinitingnan ako ngayon.

"Rosalind..." sambit niya sa pangalan ko.

Nagkatinginan kami ni Mr. President.

"Alam kong galit ka sa akin," salita niya ulit at nginitian ako nang maliit. "At alam kong ayaw mo nang makipagbati sa amin dahil sa ginawa namin. Pero... gusto ko lang mag-sorry sa lahat ng mga kasalanan namin sa iyo."

"Gusto mo bang palayasin ko ang babaeng 'to?" bulong ni Mr. President sa gilid ko.

Itinagilid ko ang aking ulo kay Criselda at umiling kay Mr. President.

Sa totoo lang, ayoko namang magtanim ng sama ng loob sa kahit na sino. Papatawarin ko si Criselda, pero hindi ko ibabalik ang aking tiwala.

"Ayos lang talaga, Criselda." Ngumiti ako sa kanya. "Pero sana, sa susunod ay huwag niyong ipapasa sa ibang tao ang mga responsibilidad niyo. Masama iyon."

Yumuko siya at tumango. "So... friends?" kinakabahan niyang tanong.

Natawa ako nang sarkastiko.

Sa lahat ng paninira nila, gano'n-gano'n na lang iyon?

"No, thanks," sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya. "Sinabi mo na noon na tapos na ang pagkakaibigan natin. And I think that's for all eternity."

Matapos niyang magulat sa sinabi ko ay dahan-dahan siyang tunango. "Ayos lang. I also deserve this."

Tumango rin si Mr. President. Pumamulsa siya, kaya lumingon naman ako sa kanya.

"Oh, 'di ba? Na-realize mo lang ang kahalagahan ni Rosalind noong nawala na siya sa inyo. There's no turning back, bitch."

"Mr. President!" saway ko nang magmura siya.

Natawa nang peke si Criselda. "A-Ah, Rosalind, punta na ulit ako kina Janice. Sige," paalam niya sabay talikod.

Sinundan namin siya ni Mr. President ng tingin habang papunta siya kina Kler. Hinampas ko naman ang katabi ko.

"Ow!"

"Ano ka ba naman? Masamang magmura!"

Ginulo niya naman ang buhok ko. "At masama ring magpatawad sa mga taong walang ginawa kung hindi ang sirain ang buhay mo. Gumising ka na, girl!"

Nagkulitan lang kami ni Mr. President sa loob ng classroom. Matapos ang klase ay nagsiiyakan ang mga kaklase ko kasi hindi na raw sila magkikita sa susunod na mga buwan.

Habang naghahanda sa mga kagamitan ko ay sinulyapan ko sina Criselda sa malayo na nagtatawanan kasama ang mga kaibigan ko noon. Ngumiti ako.

Sometimes, losing friends is a part of growing up when you know they cannot be with you on your next journey. And it's okay, I think.

Acacia's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon