Chapter Nine

58 3 0
                                    

Nakatunganga ako sa mga notes na dala ko. Imbes na pumasok sa akin ang mga dapat na aaralin para sa Quiz Bowl Division ay naglilikot lang ang isip ko tungkol kagabi.

"I love you... Son."

"I love you... Son."

"I love you... Son."

Tumunog ang cellphone ko sa tabi. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang pangalan ni Winston. Gusto niyang lumabas ako ngayong gabi, at iyon na iyon.

Ni-hindi niya man lang maalala ang tinawag niya sa akin kagabi. Mukhang hindi rin big deal sa kanya ang halik naming dalawa.

"Rosalind?"

Narinig kong tinawag ako ni Avery mula sa likod ko.

Hindi ko rin siya pinapansin dahil nagtatampo ako sa inasta niya kahapon.

Nilagay ko na lang ulit ang cellphone ko at nagsimulang ilipat ang pahina ng notebook.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

Kasalukuyan akong nasa kuwarto niya dahil dito na lang din ako natulog. Wala na rin kasing espasyo sa kama sa kabilang kuwarto. Ayoko namang mag-isa lang akong natutulog sa sala. Baka multuhin pa ako.

Hindi ko siya sinagot. Bumuntong-hininga naman siya. Lumapit siya sa lamesa. Nakita ko pa sa gilid ng aking mga mata na umupo siya sa kabilang upuan.

"Sorry," mahinang sambit niya. "E, hindi ko naman iyon sinasadya. Bad mood lang talaga ako."

Umasik ako at tiningnan siyang ngumunguso na. "Tch. Iyan ka. Matapos mo akong sigaw-sigawan kahapon, lalambingin mo ako. Tingin mo, madadaan mo ako diyan?" mataray kong tanong.

Mas humaba naman ang nguso niya. Umusog siya nang konti sa akin. Niyakap niya ang braso ko.

"Patawarin mo na po ako," sabi niya at nag-beautiful eyes pa sa harap ko.

Umirap ako. "Do'n ka nga!" singhal ko at hinawi ang kamay niya. "Istorbo ka sa pag-aaral ko."

"Eeehhhh..." maarte niyang sambit. "Hindi talaga ako aalis kapag hindi mo pa rin ako pinapatawad."

"E 'di huwag."

Ngumiti ang mga mata niya. "May binili akong pasalubong para sa iyo galing sa school," sabi niya.

Kumislap naman ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Dahan-dahan akong napangiti.

"Sige," tugon ko. Itinabi ko ang aking notebook. "Dapat maganda ang regalo mo, ha? Kapag hindi, never na talaga kitang papansinin!"

Mas lalo naman siyang ngumisi. Dali-dali siyang may kinuha sa drawer ng kuwarto niya.

"Charan!" sambit niya.

Ipinakita niya sa akin ang dalawang bracelet na may letrang 'R' at 'A'.

"Wow. Ang ganda," komento ko. "Para sa 'kin iyan?"

Masaya naman siyang tumango. "Oo naman. Balak ko naman talaga itong ibigay sa 'yo kahapon. Kaya lang, medyo naging masama ang pakiramdam ko," sabi niya. "So heto naaa!"

Kinuha niya ang pulsuhan ko at isinuot doon ang bracelet na may letrang 'R'. May mga hindi totoong perlas na beads na umiikot sa pulsuhan ko, at ang sa kanya naman ay mga pekeng ruby. Kahit hindi mamahalin ay na-appreciate ko pa rin ang regalo niya.

"Thank you, Avery," sabi ko.

"So, do you forgive me na?"

Natawa naman ako. Niyakap ko siya at ginulo ang buhok niya.

"Basta huwag mo na lang akong sinisigawan. Alam mo namang ayokong nag-aaway tayo, e."

"Opo. Hindi na po mauulit."

Acacia's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon