Nagising ako sa sumunod na umaga dahil sa sinag ng araw mula sa kuwarto ni Avery. Katabi ko pa ang pinsan ko na tulog-mantika pa rin at nakanganga pa. Humikab muna ako bago bumangon.
"Oh? Ang aga mo yatang nagising, ah?" saad ni Ate Grace na nagma-mop sa tiles ng bahay.
Dumiretso ako sa upper cabinet ng kusina. Kumuha ako roon ng sachet ng kape at blue berry jam.
"Natripan lang po," sagot ko sa kanya.
"Sige lang. Natutulog pa naman ang mga bata ngayon."
Tumango ako at kinuha ang heater. "Nasaan nga po pala si Tita Melissa?" tanong ko nang mapansing wala siya sa bahay.
"Nagjo-jogging lang sa buong subdivision. Alam mo naman ang tita mo. Masiyadong diet-conscious."
Ilang ritwal ang ginawa ko sa umaga. Naligo, nagbantay ng bata, nakipagkulitan kay Avery, at naglinis. Noong ala una ng tanghali ay nakipagyayaan si Dandan na lumabas.
"Hindi puwede. Mainit ngayon, baby," pang-aalo ko sa pag-iyak ng pinsan ko.
"G-Gusto ko po makita ang b-birds, huhuhu," sabi niya.
Pinanood ko lang ang pagta-tantrums niya. Ewan ko ba kung anong gagawin ko sa batang ito. Ang tigas ng ulo.
"Rosalind!"
"Po?"
Kinarga ko na lang si Dandan habang umiiyak. Binalingan ko si Ate Grace na nag-aasikaso sa lumpia.
"Punta na lang kayo sa clubhouse. May maliit na bike si Dandan diyan. Hindi masiyadong mainit doon," sabi niya.
"E, tanghaling tapat po ngayon, 'Te."
"Alangan namang hayaan mo ang pinsan mong nag-iingay."
"O-Opo."
Ilang tawa ang narinig ko mula kay Dandan. Sinunod ko na lang si Ate Grace. Hinanda ko na ang kulay asul at maliit na bike ni Dandan para makasakay siya.
"Adventure! Adventure!"
"Dandan! Hayyy, naku naman!"
Nagsimula na akong tumakbo para sundan si Dandan na agad pinaandar ang bike. Pinunasan ko ang tumutulong pawis mula sa aking noo. Napakainit kasi ng araw ngayon.
Kung may fun run lang, ako na yata ang panalo.
"Tree! Tree!"
Napahawak ako sa dalawang tuhod ko habang hinihingal. Mabuti na lang talaga at tumigil si Dandan sa may clubhouse. Nag-iikot lang siya sa malaking anino ng acacia na nasa daan.
Dahil sa pagod ay naupo ako sa semento. Hinayaan ko na lang siyang mag-aliw sa sariling nagba-bike lang. Sininghap ko ang hanging dumaan.
"Rosalind!"
Napalingon ako sa tumawag. Napangiti agad ako nang makita si Angela. Masaya siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Angela, ikaw pala iyan," sambit ko at napatayo.
"Yeah. I did not expect na magkikita pala tayo ngayon," aniya. "So how was your Christmas last night? Oh, I want to know your opinion sa food."
"Naku, ang dami kong nakain. Ang sarap ng fish fillet. Salamat talaga, hehe," sabi ko sa kanya. Pinasadahan ko siya ng tingin dahil bihis na bihis siya. "Saan ka nga pala pupunta?"
"Oh," wika niya. "Pupunta ako ng mall with my family. May kikitain kasi kami."
Napatango ako. Bumaling ako kay Dandan na bumababa na sa bike niya.
"Dandan, huwag kang lalayo, ah?" sigaw ko nang maglaro siya sa mga bato sa gilid ng kalsada.
"Baby brother mo?" tanong niya.

BINABASA MO ANG
Acacia's Fate
Fiksi RemajaKaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na agad siya ng isang kiliti sa puso niya. Ngunit nang malaman niyang natatakot na ang lalaking magmahal...