Chapter One

212 9 2
                                        

Niyakap agad ako ni Criselda nang makita niya akong umiiyak. Tumingin sa amin ang mga tao sa mall dahil siguro sa pangit ko na itsura. Pero bahala na.

"Tinanggihan niya na naman ako, Criselda!" sambit ko at suminghot pa. "Pinunit niya pa ang love letter ko."

Narinig ko namang umasik ang kaibigan ko habang tinatapik ang aking balikat. "Hay naku, sinabi ko naman sa 'yong huwag ka na lang umamin kay Jerich. Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Eeee, kasalanan ko ba kung crush ko siya?" Ngumuso ako habang pumipiglas sa yakap. "Hindi ba ako maganda?"

Napailing si Criselda at pumamewang. Naka-uniform pa kami ngayon dahil katatapos lang ng klase namin sa eskuwelahan. Nagpa-iwan nga lang muna ako kanina habang ang mga kaibigan naman namin ay nauna na sa mall.

Kasi inamin ko ang nararamdaman ko sa crush kong si Jerich sa school. Ilang taon ko na rin siyang crush dahil guwapo at matalino siya. Pero sa ilang ulit kong pagco-confess, palagi niya akong tinatanggihan.

"Alam mo, Rosalind, gutom lang iyan, e," sabi niya at inakbayan ako. "Huwag mo nang tanungin kung maganda ka, ah? Masasaktan ka lang sa sagot ko."

Mas ngumuso pa ako at kinurot siya sa tagiliran. "Ang bad mo talaga!" sambit ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Tara na nga," wika niya. Hinila niya ako papuntang grocery store. "Puro ka iyak nang iyak. Bukas na ang Christmas party natin, tapos inuuna mo pa ang landi mo."

"Hoy, hindi kaya ito landi. Pasalamat ka nga at pumayag ako sa inom niyo bukas."

Umirap ako at kumuha ng basket sa isang counter. Hinawi ko ang akbay niya.

"Kapag nalaman talaga ito ng tiyahin ko ay patay ako."

"Sus, parang hindi ka naman sumusuway noon, e." Tumawa pa ang bruha.

"Tanga!"

Imbes na malungkot dahil sa pamba-basted sa akin ni Jerich kanina ay napalitan ito ng saya at kumportable. Kapag heartbroken, masaya, at mag-isa ako ay takbuhan ko lang ang mga kaibigan ko.

Hindi lang kasi ang schoolmate kong si Jerich ang crush ko. May iba na nakita ko lang sa swimming pool, basketball court, sa mall o kung hindi kaya ay napadaan lang na estranghero.

Nag-aaral naman ako nang mabuti para sa future at pamilya ko. Bale wala namang importansya sa akin ang mga lalaki, crush-crush lang. Gusto ko lang maranasan kung hanggang saan ako hahantong sa atraksiyon sa isang tao.

At sa dami ng kaso ko sa pagkakagusto ng mga lalaki, wala pa akong karanasan sa pagmo-move on at pagmamahal. Dramahan lang, gano'n.

"Ano bang susuotin mo sa party?" tanong ni Criselda habang tinitingnan ang listahan sa mga bibilhin.

"Tomato sauce, oh?" turo ko sa produkto at nilagay sa basket. "Red dress lang. Hindi naman kasi ako magsososyal."

"Pinili kang event organizer at host ni Miss Zaragosa, tapos red dress lang?" Ngumiwi pa siya. "Alam mo? Wala ka talagang style, Rosalind."

"At napaka-judgemental mo naman," sumbat ko. "Kunin mo 'yung pack of spaghetti."

Isang oras kaming nag-grocery para sa mga pagkain para bukas sa mall. Ang mama kasi ni Criselda ang magluluto para sa handa ng Christmas party ng room namin.

Nang matapos kami ay pinuntahan na namin ang mga kaibigan na nagkakatuwaan sa food court.

"Rosalind!" tawag ni Kler na ngumingiti sa akin. "So kumusta ang pagco-confess mo kay Jerich?"

Naiinis kong ibinagsak ang mga plastik sa ibaba ng lamesa at padabog na umupo. Tumawa naman si Criselda at kinuwento sa ibang mga kaibigan namin ang nangyari.

Acacia's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon