4

948 33 1
                                    

GINUSTO ko ito, pagkumbinsi ni Cedric sa sarili. Naging matagumpay ang pag-aampon sa kanya ni Mr. Maximo Guidicelli. Sa kabila ng tila hindi katanggap-tanggap na dahilan nito para gustuhin siyang ampunin na tanging sa kanya lang naman ibinunyag nito, pumayag siya sa gusto ng Ginoo.

Sa lahat ng gustong mag-ampon sa kanya, si Mr. Guidicelli lang ang hindi nagbigay sa kanya ng matinding affection. Kahit siya ay naguguluhan sa sarili pero tila nagustuhan niya ang ganoon. Ituturing siya nitong isang pamilya pero hindi mamahalin kagaya nang inaasahan niya na makukuha sa mga dating nagtangkang mag-ampon sa kanya pero sa huli ay nabigo lang. Dahil yata roon, parang gusto na lamang niya na hindi na mahalin pa. Sa murang edad niya, natakot na siyang mabigo. Pero dahil kakaiba ang gusto ng sikat na pintor, alam niya na hindi siya mabibigo. Sa una pa lamang ay hindi na siya nito pinaasa ng bagay na pinaasa siya ng mga tao sa kanya. Hindi na siya mabibigo.

Pero hindi lang iyon ang dahilan ni Cedric. Nalaman rin kasi niya na pagkatapos ng naging activity ay napili ang limang malalapit na kaibigan niya na ampunin. Ibig sabihin ay aalis na ang mga ito ng orphanage. Maiiwan siyang mag-isa roon. Maayos naman siya na mag-isa pero ayaw niyang maiwan. Hindi niya gusto ang ibang bata sa ampunan. Kaya minabuti na lamang ni Cedric na kagaya ng mga ito ay magpaampon na rin siya. Kung titignan rin naman ang kanyang hinaharap, sa tingin niya ay mas makabubuti siya roon. Pareho sila ng hilig ni Mr. Guidicelli. Hindi man siya makakatanggap ng kahit anong pagmamahal rito, masasabi naman niyang magkakasundo sila dahil na rin sa klase ng pamumuhay nito.

Noong una ay alinlangan ang mga madre tungkol sa pag-ampon rin sa kanya. Nang nag-CI kasi ang mga ito tungkol sa pintor ay hindi naging maganda ang resulta noon. Hindi raw maganda ang lifestyle ni Mr. Guidicelli at bukod sa single ito, napag-alaman na babaero rin ito. Pero nang si Cedric mismo ang namilit sa mga madre ay nag-isip ang mga ito at sa huli ay nagtagumpay ang pintor na maampon siya.

Tinotoo ni Mr. Guidicelli ang pangako nito sa kanya. No emotions attached. Kung ang iba niyang mga kaibigan ay madalas na dalawin at padalhan pa ng mga nag-ampon rito bago maging legal ang pagkuha sa mga ito sa ampunan, hindi siya. Nakikipag-communicate ito sa mga madre pero hindi sa kanya. Ang mga tauhan rin nito ang personal na pumupunta sa Pilipinas para ayusin ang mga papeles ng pag-aampon sa kanya.

Ngayon ay nasa Italy na siya. Dapat ay maging masaya si Cedric dahil naging matagumpay ang pag-aampon. Ginusto niya iyon. Ipinilit niya iyon. Pero hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Tama ba ang kanyang naggawa? Tama ba talaga na pumayag siya at ipinilit pa iyon? Kaya ba talaga niyang mabuhay ng walang pagmamahal?

Kaya ba niyang mabuhay na tila nag-iisa?

Iyon ang nararamdaman ni Cedric. Ipinasundo man siya ni Mr. Guidicelli sa tauhan nito pero ramdam niyang ang layo-layo naman nito sa kanya. Napakapormal. Napakatahimik. Gusto naman niya ang tahimik pero bigla yata siyang natakot. O ang nararamdaman niya ay lungkot lamang dahil na rin sa nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga kaibigan?

Sa kabila ng pinagdaanan, pinahahalagahan pa rin nang matindi ni Cedric ang mga naging kaibigan sa ampunan. Gusto niya ang mga ito. Matagal rin ang pinagsamahan nila. Mahirap na mawalay siya sa mga ito dahil nasanay na siya sa mga ito. Pero umaasa pa rin naman siya na magkakaroon pa rin ng komunikasyon sa mga ito. Pagkatapos ng lahat, magkakaibigan ang mga nag-ampon sa kanila.

Humanga si Cedric sa ganda ng bahay ni Mr. Guidicelli nang makarating siya roon. Nanlaki ang kanyang mga mata at nanabik. Lalo na nang makita niya na hindi lang basta-basta ang bahay. Napupuno ng murals ang dingding, pati na rin ang kisame noon. Humanga siya sa ganda ng paintings at pati na rin sa laki ng bahay. "It looks like a palace," hindi niya maiwasang mabanggit.

"Because it really is." Napalingon si Cedric nang marinig ang boses. Nakita niyang nakatayo si Mr. Guidicelli hindi kalayuan sa kanya. "My house is what you called an Italian Palazzo. It is a palace built by wealth families of the Italian Renaissance."

"A-and the murals... you painted it?"

Tumango ito. "And someday, I want you to paint here, too. The east wing is not yet painted like this."

Umiling si Cedric. "I don't know how to make murals. I never try. I think I can't. Its heard it is not that easy."

"Everything in life is not easy. You should remember that. And you'll learn how to. You will paint murals. You'll be like me now you're here."

Sinalubong ni Cedric ang tingin ng matandang lalaki. Punong-puno ng determinasyon ang mukha nito. "I can't do everything. You can't force me. You should not force me."

Mapanuksong ngumiti ito. "I want to. And what I want, you will do. Welcome to a Guidicelli life, figlio mio,"

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon