30

770 25 0
                                    

"SAAN tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay, Cedric." Wika ni Ericka kay Cedric nang mapansin na iba ang daan na tinatahak nila. Pagkatapos manatili ng limang araw sa Italy ay bumalik na sila sa Pilipinas. Sa pagbalik ay inaasahan niyang ididiretso siya ni Cedric sa bahay nila Nanay Teresita.

"Hindi nga. We're on our way to my unit," sinundo sila ng driver nito mula sa airport.

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Hindi mo ba muna ako ihahatid---"

Umiling ito. "We're going to live together, cara."

Bahagyang napanganga si Ericka. "Hindi puwede---"

"Pinagpaalam ko na ito kay Nanay Teresita. Tinawagan ko siya noong nasa Italy tayo. Nailipat na rin ang ilang gamit mo sa unit. I need you beside me. You need me beside you. Hindi ko na hahayaan na mangyari muli sa 'yo ang nangyari sa Italy. Kailangan mo ng titingin sa 'yo."

Umiling si Ericka. "Kaya ko ang sarili ko."

Ngunit mas mariin ang naging iling ni Cedric. "No."

"Cedric---"

"You scared the hell out of me, Ericka. Dahil diyan, mas nagkaroon ako ng urge na huwag kang hayaang malayo sa tabi ko. Kailangan kong protektahan ka, alagaan. May sakit si Nanay Teresita, hindi ka niya maalagaan. Hindi mo ba naisip na kapag nangyari muli iyon sa 'yo ay mag-aalala siya? Hindi niya kailangan ng alalahanin sa kondisyon niya."

"Nandoon naman si Matthew---"

"To hell with Matthew! Susundin mo ang gusto ko. Kailangan mo. Para sa ikabubuti mo rin naman ito." parang walang makakabali na wika nito.

Napabuntong-hininga si Ericka. Kahit papaano ay naiintindihan rin naman niya si Cedric kaya ito nagkakaganito. Nag-alala ito sa kanya. Naging masama para rito ang nangyari sa kanya sa Italy kung saan nagkaroon siya ng nightmare at kahit siya ay hindi maggawang kontrolin ang sarili niya upang kumalma.

Hindi iyon ang unang beses na nangyari kay Ericka. Noong nagsisimula pa lamang siya bilang modelo, mas maraming mga lalaki ang nakakapansin sa kanya. Bata at bago kasi siya kung maituturing. Isang beses ay may ka-modelo siyang lalaki na nagkagusto sa kanya. Sinubukan siyang landiin at ligawan nito. Sinubukan ni Ericka na i-entertain ito pero tumigil rin nang nalaman niya na may girlfriend na ito. Sinugod siya ng girlfriend nito at sinabihan ng "whore". Naging malaki ang epekto sa kanya ng sinabi ng babae na paulit-ulit na tumakbo iyon sa utak niya hanggang sa makatulog siya. Naalala kasi niya ang buhay ng kanyang ina at ang pangako sa sarili na hindi siya gagaya rito. Sa kalaliman ng gabi ay naggising na lang siya na naghihisterya siya. Dinala rin siya nina Nanay Teresita sa ospital para lamang kumalma siya.

Hindi nakipagtalo si Ericka kay Cedric hanggang sa makarating sila sa unit nito. Doon ay nakita nga niyang nakaayos na ang kanyang mga gamit. Pero kung gaano kaayos iyon ay ganoon naman kagulo ang nararamdaman ni Ericka. "S-sa tingin ko ay hindi magandang ideya ito, Cedric."

Kumunot ang noo ni Cedric. "At bakit? I need to see you. Kailangan kong alagaan ka at para maggawa iyon, gusto kong magsama na tayo sa isang bahay."

Malungkot ang mga matang tinignan niya ito. "Pero hindi mo naman ako asawa. Ni hindi mo nga masabi na girlfriend mo ako..."

Natigilan si Cedric. Ipinagpatuloy ni Ericka ang pagsasalita. "N-narinig ko ang pinag-usapan niyo ng ama mo sa Italy, Cedric. Ginusto niya na layuan mo ako. Pinamukha niya na mababa akong babae. That I am a mistress. A whore. At ni hindi mo man lang tinama ang mga naging tingin niya sa akin..." huminga nang malalim si Ericka. "Ayaw kong maging ganoon. Ayaw ko na ang tingin ng iba ay ibinabahay mo lang ako. A-ayaw kong maging kagaya ng Mama ko..."

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon