HINDI mapakali si Cedric. Kasalukuyang nasa emergency room si Ericka at pilit na pinapakalma ng mga nurses at doctor na nag-aasikaso rito. Isinugod niya ito sa ospital nang bigla na lamang habang natutulog sila ay nagsisigaw ito. Hindi niya ito maggawang mapakalma at makausap nang matino. Natakot si Cedric sa nangyayari rito kaya napagpasyahan niyang dalhin ito sa ospital.
Beinte minutos pagkatapos daluhan si Ericka ng hospital staffs ay lumabas ang Doctor. Nilapitan siya nito.
"How is she, Doc?"
Ngumiti ang Doctor. "She's fine now. We injected something to her to make her calm and relax. She is already sleeping when I left."
Nakahinga nang maluwag si Cedric. Natakot talaga siya sa weird na nangyari kay Ericka. Kahit maraming beses na nakakasama niya itong matulog ay ngayon lang ito umakto ng ganoon. "That's nice to hear. But can you tell me right now what can be the reason she acted like that?"
"Right now, I can't fully tell you. We need her cooperation. What happened to her is an anxiety attack and I guess, the type of that is a post-traumatic stress disorder."
Kumunot ang noo ni Cedric. "Traumatic stress disorder? How can you tell that?"
"I think what she experienced is a nightmare of what happened from her past. I can tell that right now even if we haven't heard the whole story because she whispered something before going to sleep. Her exact words are "I don't want to be like my mother. I don't want to be a prostitute...","
Natulala si Cedric. Hindi naikuwento sa kanya ni Ericka na may ganoong klase pala ng parte ng buhay ni Ericka. Sinabi nito sa kanya na inampon lang ito ni Nanay Teresita pero hindi ang buhay nito bago iyon. Nabigla siya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala. Kahit iniwan na sila ng Doctor, pakiramdam niya ay nanghihina pa rin siya.
"She's a prostitute daughter!" naramdaman niya ang pagkapahiya ng kanyang ama. Nang malaman nito ang nangyari ay sumunod ito sa ospital. Narinig rin nito ang sinabi ng Doctor.
"It doesn't matter, Papa."
"You'll still accept her after that?" nanlalaki pa ang mata na wika nito.
Nagkibit-balikat si Cedric. "I can say that I am once a prostitute daughter, too. Why won't I accept her if we are like cut in the same cloth? We have the same history."
Nakita niyang nagtagis ang bagang ng ama. Hindi na niyang pinagtakahan iyon. Ramdam niyang hahanap at hahanap ito ng butas para tigilan niya si Ericka. Kilala na niya ang ama. Kapag may isa itong bagay na hindi nagustuhan, pipilitin nitong masunod ang gusto nito.
Pero hindi niya kayang gawin iyon kay Ericka. Nakita naman niya ang punto nito kaya gusto siya nitong palayuin kay Ericka. Para kasing nagiging bisyo na niya si Ericka. Nagiging adik na siya rito. Palagi niya itong hinahanap, gustong makasama at ayaw ng layuan. Dahil dito, hindi na niya nagagawa ang trabaho niya. She became a distraction to his solemn life.
Dahil artist rin ang ama, alam nito ang pinagdadaanan niya. Artist are easily distracted. At kapag nangyaring na-distract na ang mga ito, mahirap ng ibalik ito sa dating concentration. Ramdam ni Cedric na kung hindi nga niya susundin ang gusto ng amang layuan ito, baka hindi na niya maibalik pa ang dating konsentrasyon. Ganoon kasi ang kanyang ama. Ngayong nalululong lalo sa bisyo nito sa pagsusugal ang matanda, napapabayaan na nito ang pagpipinta. Nakakapagpinta pa man ito ay hindi na masyadong nagugustuhan ng tao ang ginagawa nito kaya bumababa na rin ang bidding price. Hindi na kagaya ng dati ang nagiging pera nito.
Pero hindi kayang gawin ni Cedric ang gusto ng ama. Ayaw niya. Kahit ipinagpipilitan ng kanyang ama na gawin niya, hindi niya gusto. Hindi niya kaya. Lalo na ngayong nalaman niyang may pinagdadaanan rin sa buhay si Ericka. Hindi niya gustong iwanan ito.
Buong buhay ni Cedric simula nang ampunin siya ni Mr. Guidicelli ay sinunod niya ito. Sa kabila naman kasi ng lahat, alam niyang para sa ikabubuti niya ang ginagawa nito. Naging matagumpay siya dahil sa mga turo nito sa kanyang buhay. Pero alam niyang hindi habang buhay ay tama ito. Dahil kay Ericka, gagawin niya ang isang bagay na ngayon lang niya gagawin sa buhay niya: ang suwayin ang taong masasabi niyang pinagkakautangan niya nang malaki. Pagkatapos ng lahat, malaki na rin naman siya. Alam na niya ang ginagawa niya. Hindi man niya sundin ang payo nito para maisalba ang career niya sa pagpipinta, hindi na iyon mahalaga. Hindi lang rin naman iyon ang ikinabubuhay niya.
Mahalaga ang pagpipinta kay Cedric. Sa loob ng maraming taon ay iyon ang mundo niya. Pero lahat ng bagay ay nagbabago. Ang tanging mahalaga na lang sa kanya ngayon ay si Ericka.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...