HINDI na nagtaka si Cedric nang pagkagising niya kinabukasan ay masakit ang ulo niya. Simula nang naging buhay niya ang alak ilang araw na ang nakakaraan, ganoon palagi ang lagay niya. Unti-unti na nga siyang nasanay. Hindi rin niya masisisi kung mas masakit iyon kaysa sa dati dahil mas maraming alak ang nainom niya kahapon. Pero nang unti-unting maalala ang mga nangyari bago niya tapusin ang araw kahapon ay bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Cedric. Sa kabila ng sama ng nararamdaman, napangiti rin siya.
Matagal-tagal rin siya sa ganoong puwesto hanggang sa mapagpasyahan niyang kumilos. Sinubukan niyang bumangon at sa paggawa noon ay napansin niya na may dalawang bagong bagay ang nakalagay sa beside table. May gamot at isang baso na puno ng tubig doon. May nakalagay rin na note na nagsasabing, "Drink me J"
Nagtaka man ay sinubukan ni Cedric na inumin ang gamot. Malamang ay si Ericka ang naglagay noon. Kahit lasing kagabi ay alam pa rin niya ang nangyari sa kanya. Nagpahatid siya sa driver niya papunta ng condominium unit niya kagabi. Nagkausap sila ni Ericka. Sinabihan siya nito na mahal siya nito. Lahat ng nararamdaman niyang pagdududa at kaguluhan ay nawala na parang bula sa naging pag-uusap nila ng asawa kagabi. Nakuha nito ng malaki ang tiwala niya ngayon dahil lang sa mga sinabi nito.
Mahal siya nito. Nagkaroon na ng kasiguraduhan si Cedric sa nararamdaman nito dahil ito mismo ang nagsabi noon. Nakita rin niya ang sinseridad sa mga sinabi nito kahit na ba sandaling pinagduduhan niya pa iyon.
Ilang sandali pagkatapos mainom ni Cedric ang mga gamot ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Lumabas siya ng kuwarto. Natagpuan niya si Ericka sa may dining room na inilalapag ang mga tila iniluto nito roon. Nang makita siya nito ay nagliwanag ang mukha nito. Malaki rin ang ngiti nitong sinalubong ang kanyang tingin.
"Good morning, love! Ininom mo ba ang gamot na inilagay ko sa beside table? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" lumapit pa ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Napansin agad ni Cedric na may kakaiba rito. Pero sa halip na ikabahala iyon, nagustuhan iyon ni Cedric. She was sweeter than usual. Dapat ay mag-freak out siya roon. Hindi niya gusto ang mga babaeng sweet, romantic. Hindi siya romantic na lalaki. He doesn't do romance.
Pero gusto niya si Ericka. Asawa niya ito. Matindi ang nararamdaman niya para rito.
"I-I'm fine now. Thanks. Ininom ko ang gamot," ngumiti si Cedric. Tinignan niya ang mga inilagay nito sa lamesa. "What's that?"
Lalong lumawak ang ngiti ni Ericka nang sabihin nito kung ano ang pagkain na ito nga ang nagluto. Lumawak rin ang kanyang ngiti dahil paboritong mga pagkain niya ang inihanda nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman iyon pero pinili na lang niyang maging masaya at maging kontento. Tahimik pero may ngiti silang kumain ng almusal. Cedric felt contented. Lalo na nang hindi umalis ng bahay si Ericka. Nanatili ito sa kanyang tabi kagaya ng palagi niyang gustong gawin nito.
Noong hapon ay natulog si Ericka. Dala ng pagdadalang-tao nito, nagiging antukin ito. Habang natutulog si Ericka ay sinubukan ni Cedric na libangin ang sarili. Sinubukan niyang magpinta. Inalala rin niya ang pinirmahan na kontrata ng kanyang ama para sa kanya. Kailangan niya na mag-paint ng tatlong landscape painting about beautiful beaches. Sa kabila ng galit, ramdam ni Cedric na may kailangan pa rin siyang gawin. Nag-browse muna siya sa internet ng imahe ng mga beaches para magkaroon siya ng inspirasyon. When he feels like he had his fill, kinuha niya ang mga pintura at brush niya. Ngunit hindi niya maggawang ilapat iyon sa canvass. Sa kabila ng pagkuha ng inspirasyon sa pagtingin sa mga beaches, parang kulang pa rin iyon. Wala siyang gana. Kailangan ba niyang makita iyon ng personal kagaya na lamang ng mga ginagawa niya sa tuwing pakiramdam niya ay nawawalan siya ng inspirasyon? Hindi niya sigurado. Tila blangko ang isip niya. Ang tanging nakikita lang niya kapag nag-iisip siya ay ang mukha ni Ericka.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...