27

724 31 2
                                    

SA ARAW ng kasal ng kaibigan ni Cedric na si Ed ay naggawang makilala ni Ericka ng personal ang mga malalapit na kaibigan nito. Lumipad pa sila sa Medoires Island---isang sikat na isla sa Portugal kung saan namumuno ang pamilya ni Ed at kung saan rin ito ikinasal. Mabuti na lang at ready ang passport ni Ericka at mabilis rin na naayos ang Visa niya sa tulong na rin ng kapangyarihan ni Cedric kaya matagumpay na nakasama siya rito.

Nakatikim si Ericka nang maharlikang buhay sa mga oras na kasama niya si Cedric pero ngayong araw ay literal na nangyari iyon. Ginanap ang kasalan sa garden ng isang tunay na palasyo. Isang prinsipe ang kaibigan ni Cedric na si Ed at ang pinakasalan naman nito ay dati rin kasapi ng isa sa mga royal families roon. Napakaganda ng kasal at talaga namang naaliw si Ericka sa mga nakita at nasaksihan. Masaya rin siya na nakilala na rin niya sa wakas ang mga kaibigan ni Cedric na kung may madalas man itong ikinukuwento, ang mga ito na siguro iyon. Iyon rin lang ang nababanggit sa kanya ni Cedric na kaibigan ng mga ito. Mabait naman ang mga ito sa kanya at kitang-kita niya pa ang galak sa mga mata ng mga ito ng ipakilala siya ni Cedric sa mga ito.

"Alam mo bang ikaw lang ang natatanging babae na ipinakilala sa amin ni Cedric? I'm so glad to meet you. I'm Jet by the way," inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya. Kagaya ni Cedric, makikisig rin ang mga kaibigan ng mga ito. Wala siyang itulak kabigin. Matitikas ang mga anyo at makikita mo na sa kilos pa lamang ay propesyonal at maganda talaga ang katayuan sa buhay.

"Ericka. Its nice to meet you, too. Nasabi sa akin ni Cedric na ikaw daw ang nagha-handle ng foundation ng HGC,"

Ngumiti si Jet. "Yeah. Pero hindi madalas. Hindi rin ako hands-on doon dahil nasa Spain talaga ang trabaho ko. But if I have time, inaasikaso ko iyon. Kapag umuuwi ako sa Pilipinas, I make sure na nakakasama ako sa mga charity works. I like helping people,"

Napangiti si Ericka. "Talaga? Ako rin. Sana someday makasama rin ako sa isa sa mga charity works niyo,"

"Sure. I'm looking forward to having you soon. Para naman kahit papaano, may masasai akong maitulong si Cedric. Hindi kasi 'yan madalas na nagsasama kapag niyaya kong mag-charity work,"

Nasabik si Ericka. Nitong mga nakaraan, wala siyang masasabing ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang libangin lang ang sarili niya kasama si Cedric at alagaan si Nanay Teresita. Hindi naman sa nagrereklamo siya tungkol roon pero nami-miss rin niyang tumulong. Mahigit isang buwan na rin niyang hindi nakakasama ang magkakapatid na Almira, Leon at Rosielyn. Masyado niyang ginugol ang oras sa pag-aalaga sa dalawang taong malapit sa buhay niya. Ni hindi na nga rin siya nakakapagtrabaho dahil roon. Nang minsang isaloob niya iyon kay Cedric ay huwag daw niyang alalahanin iyon. Handa raw itong mag-provide sa kanya.

Iniisip na lang ni Ericka na nagbabakasyon siya kaya hinahayaan rin niyang mangyari iyon. Masyado rin naman na masama ang pinagdaanan niya ng nakaraan kaya deserve niya iyon. Pero alam niya sa sarili niya na pagkatapos ng ilang linggo ay magsisimula na siyang maghanap ng trabaho. Hindi na niya babalikan ang dati. Na-trauma na siya. Magsisimula siya muli. Maghahanap ng panibago. Pero sa ngayon, hahayaan niya muna ang kanyang sarili na maging masaya sa piling ni Cedric.

Sumunod na nagpakilala naman sa kanya ang iba pang kaibigan nito na si Nikos, Augustus at maski ang groom na si Ed. Isinama pa nito ang ngayong asawa na nito na si Alyssa.

"Alam mo bang kahit tatahi-tahimik itong si Cedric, kagaya ko rin 'yan dati? Secret playboy kunwari. Kilala kasi 'yan na mahilig lang sa mga one-night stands. Kaya nga wala 'yang naipapakilalang babae sa amin. Pero I think, nagbago na siya. Naniniwala ako dahil ganoon na rin ako ngayon," inakbayan pa ni Ed ang asawa pagkatapos magkuwento.

Tumingin siya kay Cedric. Nakangisi ito pero mukhang hindi naman naasar. Bagkus ay inakbayan pa nga siya na para bang pinaparamdam sa kanya na kapareho ng nararamdaman ni Ed ay ganoon rin ito sa kanya. Humilig siya sa dibdib nito at nang kabigin nito ang ulo niya at halikan, lalo pang naradaman ni Ericka ang contentment. Naramdaman niya na pinapahalagahan rin talaga siya nito.

"Sweet," komento ni Augustus. "So ano, kailan kayo susunod kayna Nikos at Ed? Ako kasi malapit na. Huwag na nating isama si Jet. Alam naman natin ang estado niyan,"

Naikuwento sa kanya ni Cedric na wala pa raw nagiging nobya si Jet kahit kailan dahil masyado itong romantiko. Gusto nito kapag nagkanobya ay iyon na talagang mamahalin nito habang buhay. Pero naramdaman ni Ericka na mukhang bahagyang nagulo si Jet sa sinabi ni Augustus. Parang may gusto itong sabihin na hindi mawari. Hindi na nga lang niya pinansin iyon dahil mas gusto niyang pansinin ang magiging reaksyon ni Cedric sa naging tanong ni Augustus.

Tumingin muli si Ericka kay Cedric. Nag-iba ang reaksyon nito. Biglang nagulo ang mukha nito na kanina ay parang nagliliwanag sa saya. Kinabahan tuloy si Ericka.

"Ano na ba talaga ang status niyo ni Ericka? Will we hear wedding bells soon?"

Matagal bago nagsalita si Cedric. Tumingin rin ito sa kanya at sandaling nabasa niya ang kalituhan sa mga mata nito. "Masaya naman kami sa kung anong mayroon kami ngayon," tanging sabi lang nito.

Pero kagaya ng nararamdaman ni Ericka, mukhang hindi rin iyon nagustuhan ng mga kaibigan nito. Hindi rin naging sapat ang sagot ni Cedric. "Dumating na tayo sa puntong ito dati, ah. You're not getting any younger..."

"Ericka is my lover. We love each other's company. And we are happy in that status."

Umiling-iling si Nikos. Nakitaan niya ng lungkot at panghihinayang sa mukha sina Ed at Jet. Si Augustus naman ay narinig niyang mahinang nagsalita. "Commitment phobic,"

Binalewala naman ni Cedric ang mga naging reaksyon ng kaibigan. Nagbukas ito ng panibagong topic, ginagawang malinaw na hindi nito gustong pag-usapan ang ganoong bahagi. Pero kahit nag-iba man ang pinag-uusapan, nanatili sa isip ni Ericka ang mga naging pag-uusap at naging hindi magandang respond roon ni Cedric.

Nagulo ang isip at damdamin ni Ericka. Ilang beses na rin naman sumasagi sa isip niya at gustong magtanong kung ano na nga ba ang status nilang dalawa. Sure, they are more than friends. Ilang beses na rin naulit ang nangyari sa kanila sa private island nito. Palagi silang magkasama. They are exclusively dating. At ang sabi nga nito...lover siya nito.

Pero maraming kahulugan ang isang lover. Noong teenager siya ay madalas siyang nakakapagbasa ng mga English romance paperbacks at marami roon ang mga heroine kung saan sinasabi ng hero na lover siya nito. Ang madalas na kinakalabasan ng mga heroine doon ay tila mistress ng lalaki. Isang babaeng ginagamit lamang ng isang lalaki para sa isang sexual relationship...

Ganoon ba sila ni Cedric? Ganoon ba ang tingin nito sa kanya? Ayaw niyang pakaisipin. Iba siya kaysa sa ibang babae---iyon na nga ang sinabi sa kanya ng mga kaibigan nito. Kung hindi rin nakikita ng mga ito na pinapahalagahan siya nang husto ng kaibigan ng mga ito, hindi rin siya tutuksuhin ng mga ito. Ramdam niyang iba ang relasyon nila ni Cedric, ramdam rin iyon ng kaibigan nito. Pero mukhang ang taong kailangang-kailangan niya para maramdaman iyon ay hindi iyon nararamdaman...

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon