22

824 40 1
                                    

NAGING matagumpay ang paglipat kay Nanay Teresita sa isang ekslusibo at malaking ospital sa Maynila. Napakaganda rin ng facilities na ibinigay para rito. Mas naramdaman nila ang mga nakatalagang staffs para rito at higit sa lahat, ilang oras pagkatapos mailipat si Nanay Teresita ay gumalaw ang kamay nito. Ayon sa Doctor ay isa daw iyong senyales na malapit na itong maggising.

Masaya si Matthew sa nangyari. Ganoon rin naman si Ericka. Ngunit hindi niya maggawang lubusang sumaya dahil na rin sa nalamang balita kagabi. Masyado siyang nagulat sa lahat ng nangyari. Ang akala niya ay malaking coincidence lang ang pagkikita nilang dalawa ni Ric---o ngayon ay maaari na niyang tawaging Cedric. Cedric Guidicelli.

Magulo ang damdamin ni Ericka. Kagabi, nang maggawa niyang i-charge ang kanyang cell phone ay nakausap na niya si Cedric. Pero kahit ganoon, hindi niya naggawang itanong rito ang lahat. Hindi rin naman ito nagpaliwanag. Naiintindihan rin naman niya kung bakit. Maaaring gusto nitong personal na sabihin iyon sa kanya dahil ganoon rin naman ang gusto niya. Gusto niyang personal na magkausap sila tungkol roon. Pero dahil may kailangan raw itong gawin kaya hindi siya napuntahan nito ng personal sa ngayon, hindi pa rin nasasagot ang katanungan niya. Tumatawag pa rin ito ngayong araw at kahit sinasagot naman niya iyon, pilit rin niyang iniiwasan at pinuputol agad dahil sa gulong nararamdaman ng kanyang isip.

Nang matapos ang visiting time sa gabi ni Nanay Teresita sa ICU kung nasaan pa rin ito, nagpaalam si Ericka kay Matthew na pupunta muna sa roof top ng ospital na iyon. Kailangan niyang mag-isip. Masyado ng marami ang nangyari isang araw pa lamang ang nakalilipas. Pinayagan naman siya nito kahit na ba wala pa rin itong alam sa pinagdadaanan niya. Hindi naman niya ito masisisi. Halos hindi ito umaalis ng ospital, hindi nakakapanood ng TV o nakakapagbasa ng diyaryo man lang. Hindi rin ito mahilig sa mga social media sites. Wala pa itong kaalam-alam sa naging malaking balita tungkol sa kanya. Ang sinabi niyang dahilan sa kaibigan ay gusto lang niyang magpahangin.

Ano ba ang dapat niyang gawin? She felt trapped. She felt betrayed. Hindi coincidence lang ang paglapit ni Cedric sa buhay niya. Sinadya nito na magkita muli sila upang komprontahin siya. Kaya pala tila galit na galit ito ng araw na iyon. May kasalanan talaga siya rito.

Bakit rin ba hindi niya naisip na hindi siya kokomprontahin ng makapangyarihan na tao na iyon? Bakit siya hindi nagtaka nang matindi kay Ric? Pero higit sa lahat... bakit nagsinungaling ito sa kanya? Bakit sa halip na komprontahin siya nito ay nagkunwari pa ito sa kanya? Dahil roon... naging malaki tuloy ang pagduda niya rito. Kung naggawa nitong magsinungaling sa kanya, ang nararamdaman at ginagawa rin ba nito sa kanya ay mga kasinungalingan rin?

Napakasakit. Itinuring pa naman niya na totoo ang lahat ng ginagawa nito. Nagustuhan niya ang mga iyon. Nahulog siya sa mga iyon.

Nahuhulog na siya rito...

Gustong mapaiyak ni Ericka. Bakit nangyari ang lahat ng iyon? Pakiramdam niya ay napaglaruan siya. Nagmukhang tanga.

"Ericka..." nasa ganoon siyang pag-iisip nang may magsalita. Hindi na kailangan na lumingon ni Ericka upang malaman kung sino iyon. Nakakatawa lang na palagi siya nitong nahuhuli, nasusundan. Noong una, inisip niya na baka stalker niya ito. Pero hindi. Bilyonaryo si Cedric Guidicelli. Madali lang nitong mapapasundan ang isang kagaya niya. Malaman ang ginagawa niya kahit hindi ito umaksyon. Makapangyarihan itong tao sa kabila ng pagiging misteryoso nito.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na. Malamig rin ang gabi. Baka magkasakit ka," wika pa nito. Nilapitan siya nito at ibinigay ang jacket na suot-suot nito. Pero hindi iyon tinanggap ni Ericka. Kumunot ang noo nito.

"Bakit? May problema ba? Alam ko, nagkaroon ako ng pagkukulang sa 'yo dahil hindi na kita nasundan kagabi at kanina naman ay may inasikaso ako at---"

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon