One Week Later
ERICKA never felt better than before. Sa nakalipas na linggo, pakiramdam niya ay maraming nangyaring maganda sa kanya. Napakasaya niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng sarap at kaginhawaan sa maraming taon na pamumuhay niya sa mundo. Pakiramdam niya ay ang ganda-ganda rin ng mundo dahil masaya siya.
Dalawang araw makatapos nilang ilipat si Nanay Teresita ng ospital ay naggising na ito. Naging maganda ang respond ng Nanay dahil na rin sa magandang treatment na ibibigay rito ng magandang ospital na pinaglipatan. Ngayon ay nakakausap na rin nila ito at ayon sa Doctor base na rin sa obserbasyon rito, mabilis lang din itong makaka-recover. Ilang araw lang din at papalipasin at makakalabas na ito ng ospital. Kitang-kita rin nila ang lakas ni Nanay Teresita ngayon at maaari na rin nila itong iwanan ni Matthew sa ospital. Kumuha kasi si Cedric ng personal nurse nito para mabigyan ng mas maganda at mas maayos na pag-aalaga ang Nanay. Kasundo rin nito ang nurse kaya kahit wala sila upang bantayan ito ay hindi nagtatampo ang Nanay.
Dahil roon, nagagawa ni Ericka na lumabas-labas. Sa mga nakalipas na araw, hindi lang ang mabilis na paggaling ni Nanay Teresita ang nakapagpasaya sa kanya. Iyon ay si Cedric. Sa buong linggo ay magkasama silang dalawa. Inilalabas rin siya nito. Kagaya na lang ng nangyari ngayong araw kung saan dinala siya nito sa property na pagmamay-ari nito sa Laguna. Isang farm iyon.
"Ang yaman mo talaga," hindi napigilang mapuna ni Ericka nang makita kung gaano kalaki ang property.
Umiling si Cedric. Kinamot pa nito ang ulo. "'Wag mong sabihin 'yun. I don't like you saying that."
Ngumiti si Ericka. Nagustuhan niya ang ugaling iyon ni Cedric. Humble ito. Naiintindihan rin niya ang dahilan nito na kaya hindi nito inamin agad sa kanya ang tungkol sa tunay na identity nito ay ayaw nitong magustuhan lang niya ito dahil sa alam niyang makakaya nitong ibigay sa kanya dahil sa status nito sa buhay. Ngunit alam naman ni Ericka na kahit ganoon, hindi lang iyon ang titignan niya rito. Ilang mayayamang tao na rin naman ang nagtangkang manligaw sa kanya pero dahil wala naman siyang nararamdamang espesyal sa mga ito, walang kahit sino ang nakakalapit.
Maliban kay Cedric. Una pa lamang ay gusto na niya ito sa kabila ng lahat. Kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita nila, hindi niya pa rin naturuan ang sarili niya na lumayo rito. Mas nanaig ang masayang pakiramdam niya kapag nasa tabi niya ito. At masaya si Ericka na mas sinunod niya ang pakiramdam na iyon kaysa sa takot.
Nilibot siya ni Cedric sa buong hacienda gamit ang isang maliit na kart. Nag-enjoy siya sa paglilibot nila. Noong tanghalian rin ay sa gitna sila ng hacienda kumain, sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nagbaon sila ng kanin, itlog na pula at kamatis. Iyon lang ang kinain nila pero pakiramdam nilang dalawa ay busog na busog sila. Napakasimple lamang ng ginawa nila pero dahil kasama nilang dalawa ang isa't isa, nag-enjoy sila.
Naglakad-lakad sila sa taniman ng mga niyog upang magpababa ng kinain. Hawak-hawak ni Cedric ang kamay niya. "Bakit mo naisip na magkaroon ng farm?"
"Alam mo na naman noong una na pinapahalagahan ko nang malaki ang privacy ko 'di ba? I want peace. Iyon ang dahilan kung bakit ginusto ko na bumili ng farm. Tahimik rito. Maaari akong makapagpinta ng maayos. Gusto ko kasi palaging tahimik kapag nagpipinta. Isa pa, inaalala ko rin ang magiging status ko kapag nawalan na ako ng inspirasyon sa pagpipinta. Kailangan ko ng sure income kaya bumibili ako ng mga properties. Its my investment aside from my investments I have in HGC."
Tumango-tango si Ericka. "May pagka-visionary ka pala."
"Naninigurado lang. Not all things are permanent in this world," simple pero makahulugan na sagot sa kanya ni Cedric.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...