ILANG sandali pagkatapos unang beses na makita ni Ericka na umiyak si Cedric ay nakatulog ito sa mga bisig niya. Tinitigan niya ang asawa habang tulog. Marami siyang gustong itanong rito, lalo na sa mga iginawi nito kanina. Bakit tila ang lungkot-lungkot nito? Anong nangyari rito? Pero marami pa naman ang oras bukas. Ang kailangan ni Cedric ay magpahinga muna.
Sinubukan ni Ericka na kumalas sa pagkakayakap ni Cedric. Gusto niya ang pakiramdam na hawak-hawak nito pero masyadong mahigpit iyon na hindi niya maggawang huminga nang maayos. Parang takot na takot talaga ito na mawala siya sa tabi nito. Pero matagumpay naman siyang nakaalis mula roon. Kailangan rin kasi niyang pumunta ng banyo dahil naiihi siya. Ngunit bago pa niya mapagtagumpayan ang kailangang gawin, may napansin si Ericka mula sa bulsa ng jacket ni Cedric. Lumalabas mula roon ang cell phone nito at umiilaw. Nasilip niya na may tumatawag sa asawa.
Dala ng curiousity, kinuha niya iyon. Nang mabasang si Nikos ang tumatawag ay sinubukan niyang sagutin iyon.
"Ericka?" wika ni Nikos nang makilala ang boses ni Ericka. "S-si Cedric? Kumusta na siya?"
"Okay na siya. Halos kakatulog lang niya ngayon," sagot naman niya rito. Dahil kay Nikos ay umarangkada muli ang mausisang isip ni Ericka. "M-may alam ka ba sa nangyayari sa kanya ngayon, Nikos?"
"May sinabi ba siya sa 'yo?"
"Wala siyang naikuwento pero kakaiba ang kilos niya ng makauwi. H-hindi maganda ang kalagayan naming dalawa." Ikinuwento niya rito ang nangyari sa pagitan nila sa loob ng tatlong araw. "Ang sabi niya ay magulo daw ang isip niya. Hindi niya pa ako kayang kausapin ngayon at---"
"And that's another problem, too. Dinagdagan pa 'yun ng ama niya. No wonder he sounded so sad when he called me. Hindi ganoon si Cedric. Hindi siya basta-basta naglalabas ng emosyon." Putol ni Nikos sa sasabihin niya. "Hindi ka pa ba inaantok, Ericka? Dahil kung puwede sana, gusto kong makausap ka ng personal ngayong gabi rin."
Pumayag si Ericka sa gusto ni Nikos. Bukod sa curious siya sa maaaring nangyari na tila alam ni Nikos, hindi pa rin naman talaga siya inaantok. Nang dumating si Cedric ay pinipilit niya lang na matulog kahit na ba nahihirapan siya dahil nang makarating siya galing Laguna ay natulog siya. Ilang oras rin iyon at sa tingin niya ay sa hinaba noon, kaya niya pa na makatagal kahit alas dos ng madaling araw na gising. Hindi rin naman nagtagal ay dumating si Nikos. Tinignan muna nito ang lagay ni Cedric pagkatapos ay niyaya siyang mag-usap na sila sa sala.
"Ano bang nangyari sa kanya? Ipinagtataka ko ang panlalamig niya sa akin pagkatapos ng kasal pero tila iba pa ang nangyari sa ngayon..."
Huminga nang malalim si Nikos. "Alam mo na naman na kaming anim ay galing sa isang orphanage. Mga ampon kami. Inampon kami ng anim na mayayaman at makapangyarihan na mga tao sa iba't ibang panig ng mundo."
Tumango si Ericka. "Anong kinalaman noon doon?"
"Masaya kami na napili kaming anim na maampon. Pero si Cedric, nararamdaman namin na may mali. Kakaiba ang nag-ampon sa kanya. Bukod sa single ito, hindi rin maganda ang record nito. Kahit ang mga madre ay alinlangan sa pagbibigay kay Cedric kay Maximo Guidicelli. Natatakot ang mga itong hindi maging magandang halimbawa si Maximo Guidicelli kay Cedric. Narinig kong pinag-usapan iyon noon. Pero sa kung anong kadahilanan, pinayagan rin ng mga ito sa huli na mapasakamay ni Mr. Guidicelli. Ngunit ngayon, alam ko na ang dahilan. Tinawagan ako ni Cedric tungkol doon. It turns out to be that Maximo Guidicelli was Cedric's real father..."
Napanganga si Ericka sa gulat sa nalaman na kailangan pa niyang takpan ang bibig. Napailing-iling rin siya nang mag-sink iyon lalo sa utak niya. "N-no..."
"Kaya mukhang foreigner si Cedric. Kaya magaling siyang mag-paint. Kaya parang pareho sila ng ugali. Kaya naggawa ng mga madre na ibigay si Cedric sa lalaki. Si Maximo Guidicelli ang totoong ama nito. Naging kasing tagal lang din ng proseso ng pag-aampon sa amin dahil matagal pa ang proseso noon ng DNA testing. Isama pa na hindi rin iyon kaagad na inamin ni Hindi rin nito ginustong sabihin iyon dahil kahit magulo ang buhay nito, nagsasawa na rin ito sa mga eskandalo. Sinikreto nito ang lahat."
"Paniguradong napakasakit noon para sa kanya."
Tumiim ang bagang ni Nikos. "Madalas na iniisip ko na hindi maganda ang kinahinatnan ko sa mga nag-ampon sa akin. Minahal man nila ako noong una pero nang magkaanak sila ay halos hindi na nila ako pinansin. Pero mas malala ang pinagdaanan ni Cedric. Kinontrol na siya ng ama niya, hindi binigyan ng pagmamahal at pinaniwala pa siya nito sa isang kasinungalingan.
"Kaya sana, Ericka, maintindihan mo si Cedric. Kung madalas siyang nagiging bugnutin at moody, kung napakakomplikado niya at mahirap na maintindihan, hindi ko rin siya masisisi. Sa aming anim, siya ang may pinakamatinding pinagdaanan."
Ikinuwento ni Nikos ang mga nangyari kay Cedric noong bata pa ito. Kung paano si Cedric iniwan ng ina nito at dalawang beses na tinangkang ampunin at pagkatapos ay ibinalik rin sa ampunan. Pakiramdam ni Ericka ay ang bigat-bigat ng pakiramdam niya pagkatapos. Awang-awa siya kay Cedric.
"Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?"
"Hindi gustong pag-usapan ni Cedric ang nangyari sa kanya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang kaawaaan."
Totoo ba 'yan? Mahal mo ba talaga ako? Hindi mo lang 'yan sinasabi sa akin dahil nakakaawa ang lagay ko? Naalala ni Ericka na sinabi pa ni Cedric sa kanya na para bang kailangang-kailangan nito iyon. Gusto nito na makasigurado.
Nawindang si Ericka sa mga nalaman. Tama nga siya, hindi pa nga niya ganoon talaga kakilala si Cedric. Isang pagkakamali na basta-basta na lang siya nagtiwala rito. Hindi man lang niya pinili na kilalanin ito.
Bahagyang nagsisisi si Ericka sa ginawang desisyon na mas inuna niya ang nararamdaman. Hindi man lang niya inisip na alamin kung ano ang nakaraan ni Cedric. Naging dahilan rin iyon kung bakit kahit maayos naman siya sa relasyon nila, hindi rin niya maggawang lubusang sumaya dahil na rin sa kakaibang ugali nito. Ngunit kung inalam lang sana niya ang dahilan kung bakit ito ganoon...malamang ay naggawan niya ng paraan na maayos rin ang mga tanong sa isip niya. Hindi rin sana mararamdaman ni Cedric ang ganoong klase ng lungkot.
Nagulat man sa mga rebelasyon at sa mga ipinagkait na impormasyon, hindi naman naging hadlang iyon sa nararamdaman ni Ericka sa asawa. Bagkus, naging dahilan lang iyon para lang lalo niyang mahalin ito.
At ngayon ay ipaparamdam na niya iyon rito ng walang kahit anong pag-aalinlangan. Hindi lang basta pagpaparamdam ang gagawin niya. Sisiguraduhin niyang vocally ay malalaman rin iyon ng asawa.
Hindi na niya hahayaan na umiyak pa muli si Cedric. Hindi na niya hahayaang makulong ito sa dilim. Hindi na niya hahayaan pang malungkot ito. Gusto niyang ayusin ang lahat. Ipinapangako niya, aayusin niya ang lahat. All for her love with a man whom she can classify as a stranger, yet she still loves.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...