35

591 21 0
                                    

NAKAHINGA ng maluwag si Cedric nang mabasa ang text ng nurse na inupahan niya upang magbantay kay Ericka. Ligtas raw na nakauwi ito at ngayon ay nagpapahinga na sa kuwarto. Hindi niya gustong saktan at paalisin ito pero dahil magulo pa rin ang isip niya, ginusto niyang paalisin na muna ito. Natatakot siyang komprontahin si Ericka dahil baka simulan niya pa lang iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili sa galit. Masama ang loob niya dahil na rin sa nalaman mula kay Matthew. Kailangan niya munang palipasin iyon kaya pinili niya na magsinungaling rito at pumunta sa farm niya sa Laguna. Tatlong araw na rin naman ang nakalipas pero hindi niya pa rin malimutan iyon. He felt very tricked. Still, hindi niya kayang pabayaan si Ericka. Kailangan niyang malaman ang lagay nito.

Ipinagpatuloy ni Cedric ang pag-inom ng alak na para bang iyon ang magiging solusyon sa problema. Kailangan niya ng space. Nasasaktan pa rin siya kahit na ba ang isipin na alam niyang nasasaktan rin niya si Ericka dahil sa pambabalewala niya rito. Gulong-gulo ang isip niya. Lalo pang dumagdag sa gulo ng isip niya nang magkaroon siya ng pangalawang bisita sa araw na iyon ilang oras bago maghapunan.

"You're drunking yourself to death. Hah! Maybe you have realized that you've been very stupid to marry, huh?"

Hindi inaasahan ni Cedric ang pagdating ng ama sa farm niya. Hindi rin niya alam na nasa Pilipinas ito. Hindi kasi ito dumalo ng kasal niya kahit na ba inimbita niya ito. Naiintindihan naman niya ito dahil alam niyang noong una pa lamang ay ayaw na nito sa relasyon nila ni Ericka. Naging maayos pa nga para sa kanya na hindi ito dumalo dahil ayaw rin naman niyang masira ang araw nila ni Ericka kung tututol o pagsasabihan pa siya nito ng kung anu-ano kahit na ba nasira na rin naman iyon para sa kanya dahil sa tawag ni Matthew.

"Its none of your business, Papa..." pinilit niyang iwasan ang mga sasabihin nito tungkol sa kanila ni Ericka. Ayaw niya lalong magulo. "Why are you here?"

May inilabas itong papel. "I accepted a contract for you about landscape paintings. You need to paint three beach---"

"Accidenti, you know that I can't paint right now. How can you accept a contract for me?" minsan ay nakikialam rin ang ama niya sa mga tinatanggap niyang proyekto. Ito nga ang pumilit sa kanya na maging isang project-base painter. Tumatanggap siya ng proyekto sa halip na ipinta lang ang tanging gusto niyang ipinta. Madalas na sa mayayamang tao ito gumagawa ng kontrata.

"Because you need to be pressured. This is a hundred thousand euro project I just signed for you, Cedric. With that, you would be forced to paint. Stop thinking of that girl. Paint! I need---"

"You need money?" nagtatagis ang bagang na putol rito ni Cedric. "You could have just asked me! You shouldn't do this. You shouldn't manipulate and control me especially right now that you know my condition!"

"I-I've a hundred thousand euro debt, Cedric." Bumuntong-hininga ito. "I need to pay for it...but I can't paint now, you know. I don't have anything to pay for it. I've been so much distracted because of gambling. Gambling is also the reason why I have this kind of huge debt."

Nanlaki ang mga mata ni Cedric. Simula nang ampunin siya nito ay hindi siya namroblema sa pangpinansyal. Pero ngayon ay mukhang mamomroblema siya sa ginawa nito. Napakalaking pera ng naging utang nito!

"Y-you couldn't be that impulsive..."

"It's done now."

"You don't have that enough money in your bank. Heck, you don't have even a hundred euro on your bank now! How can you pay that kind of money?"

"That's why I'm here. That's why I accepted this contract. I need you to do this. I need you to pay for my debt,"

Umiling si Cedric. "Its too much! Sure, I have that kind of money right now. But still, I can't afford to spend that much. My financial stability will be at risk. You already know that I am married. I'm going to have a family! I need to be financially stable and---"

"What do you mean you're going to have a family? You made Ericka pregnant?"

"Yes and---"

"I'm going to be a grandfather..." tila gulat na gulat na wika nito. Natulala pa ito.

Masasabi niyang hindi naging mabuting ama sa kanya ang nag-ampon kaya ang ikonsidera nito ang sarili bilang magiging Lolo na ay kataka-taka sa kanya. "It doesn't matter. What we should talk about now is what happened to you. I'm sorry but I can't pay for it. We have a lot of things to pay, you know. The palazzo, the maintenance of other properties and---"

"No! You can't make me suffer like this, figlio mio. You are my son! You promise me that you will support me!"

Nag-iwas siya ng tingin rito. "You provided for me, teach me a lot of things when I was younger. But you have never been good to me. You control me. You showed me nothing. You showed me no l-love. And now, you are asking too much."

Naging madilim ang mukha nito. "You know right from the very start that I am not capable of loving."

"And to agree to be with you, to come with you, is the biggest regret I have in my life. You are not even a father to me!" Hindi na naiwasan na sabihin ni Cedric rito.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya nagustuhan na nabuntis niya si Ericka ay dahil natatakot siyang maging ama. Hindi siya nagkaroon ng sariling ama, hindi siya nagkaroon ng mabuting ama. Paano niya malalaman kung paano maging isa? Hindi niya masabi kay Ericka na mahal niya ito dahil hindi siya nakaramdam sa kahit sino. Ang tanging pagmamahal lang na naranasan niya ay ang pagmamahal na iniiwan rin sa huli. Hindi niya gusto iyon. At si Maximo Guidicelli, kahit ngayong sumikat na siya ay wala man lang siya rito ni katiting na pagmamahal na nakukuha. Kagaya pa rin ito ng dati. Puro pa rin pangongontrol ang alam nito.

Marami bagay na masama ang na-develop niya lalo na nang tumira siya sa isang kagaya nito.

Ngumisi ang matanda. "You shouldn't regret coming and living with your real father, Cedric."

Kumunot ang noo ni Cedric. "Che? What are you talking about?"

"Don't you see the resemblance we have with each other? You looked Italian like me. You are very good in painting like me. And you're as cold hearted as me..."

"N-no..." nanghihinang wika ni Cedric. Napansin na rin naman ni Cedric ang pagkakahawig nila ni Mr. Guidicelli. Pero ayaw niyang isipin. Hindi niya gustong isipin. Kung totoong anak siya nito, hindi siya nito itatrato ng ganoon. Matatanggap pa niya kung tratuhin siya nito ng ganoon dahil ampon lang siya. Pero ang malaman na tunay niyang ama ito? At ngayon lang nito iyon sinabi sa kanya? Sasabog na yata ang damdamin niya sa sobrang sama ng loob.

"Do you think someone with the attitude of mine will go to an orphanage to adopt some sort of a child? Do you think a sister will let someone like me adopt a vulnerable child like you? I didn't adopt you, Cedric. They gave you to me because I am your real father."

"Father.... You're my real father...And you made it a secret to me. You didn't even intend to tell me that. Until now..." napahawak si Cedric sa pader ng kuwarto upang hindi siya mabuway sa naging rebelasyon.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon