31

777 29 0
                                    

One Month Later

MASAYA si Ericka sa trabaho niya bilang modelo pero mas masasabi niyang nahanap niya ang satisfaction at contentment sa bago niyang trabaho. Sa tulong na rin ni Cedric ay naggawa niyang magtrabaho sa Haven Group of Companies Foundation. Isa na siya sa mga tauhan ng Foundation. Sa loob rin ng isang buwan ay marami na silang napuntahan na iba't ibang orphanage. Marami siyang nakilalang bata at napasaya. Hindi lang basta nagtatrabaho si Ericka---pakiramdam niya ay tumutulong rin siya.

Naging maayos ang nakaraang buwan para sa kanya. Sa kasalukuyan ay nakatira pa rin siya sa unit ni Cedric pero dahil ngayon ay kumikita na mili siya, hindi na lang siya basta-basta umaasa rito. Hindi na rin naman siya pinakialaman ni Cedric sa gusto niyang makatulong ngayong nagsasama na sila.

Sa lagay naman ni Cedric, hindi pa rin ito makapag-concentrate sa trabaho nito bilang pintor. Pero palagi naman nitong sinasabi na huwag niya iyong gaanong pakaisipin. Pinipilit rin naman ni Ericka na huwag ngang masyadong pakaisipin iyon dahil may punto rin naman si Cedric. Hindi ito mamumulubi kung hindi na ito makakapagpinta pa. Ayaw niya ng ganoon pero iniisip rin niyang baka nag-a-adjust lang rin si Cedric kaya ganoon ito. Nakikita rin naman niya na pinipilit ni Cedric. Ngayong nagtatrabaho siya, naiiwan ito palagi sa unit at sinusubukan nitong magpinta.

Masasabi ni Ericka na kaiba sa pagmomodelo, mas mahirap ang trabaho niya ngayon. Weekdays ay nasa opisina siya. Madalas na kaharap ang computer at paperworks sa foundation, nagpaplano ng mga gagawin sa mga charity visits na pupuntahan. Tuwing Sabado naman ay madalas na nangyayari ang mga charity visits at mga feeding programs at silang lahat ng mga tauhan sa foundation ay required na pumunta. Pero kahit hindi kagaya ng dati na on-call basis lang ang trabaho niya at mas marami siyang libreng oras, masaya si Ericka. Madalas ay nakakapagod pero masaya naman.

Ngayong araw ay nagsagawa ng feeding program ang foundation. Maghapon iyon dahil nagkaroon pa ng activity sa lugar ang foundation. Pero nang tanghali ay pinili niyang umuwi dahil bigla-biglang sumama ang pakiramdam niya. Nagpasundo siya kay Cedric at nagpahatid na sa unit nila upang magpahinga. Nawala naman ang sama ng pakiramdam niya ng makatulog siya. Alas kuwatro y medya na nang maggising siya. Niyaya siya ni Cedric na lumabas sila para makapag-dinner.

"Wala ako sa mood umalis, Cedric. Bukas na lang siguro. Isa pa, parang masama yata ang pakiramdam ko."

Dahil sa pagiging abala niya sa trabaho ay madalas na hindi na sila nakakalabas ni Cedric. Tuwing linggo naman kasi kung kailan day off niya ay madalas na tinatamad na siya at ang tanging gusto na lang ay magpahinga dahil sa buong linggo na pasok. Ngayon ay maaari na niyang pagbigyan ito dahil nakapagpahinga na rin naman siya pero naramdaman ni Ericka na parang sasamaan yata siya ng pakiramdam. Medyo umiikot ang paningin niya nang bumangon siya.

Nilapitan siya ni Cedric at tinignan ang init ng katawan niya. "Hindi ka naman mainit,"

"Pagod lang siguro talaga ako kaya ako nagkakaganito."

Pinayagan siya ni Cedric na magpahinga muli at sinabing bukas na lang sila umalis. Pero kinabukasan ay masama pa rin ang pakiramdam niya kahit wala naman siyang lagnat. Nahihilo siya at ang tanging gusto lang gawin ay ang mahiga sa kama. Hindi rin siya makakain ng ayos. Nag-aalala at nagtataka rin si Cedric kung bakit ganoon. Muntik na nga itong magpatawag ng Doctor dahil sa kalagayan niya.

"I think I'll be fine. No need to call a Doctor. Baka nga kasi talagang gustong-gusto lang ng katawan ko na magpahinga,"

Nakakunot ang noo na nagsalita ito. "Pangatlong tulog mo na ito ngayong araw at tinatamad ka rin. Palagi mo rin na sinasabing nahihilo ka."

Ayaw isipin ni Ericka na may mali sa kanya kaya ayaw niyang magpatawag ng Doctor. Isa pa, ayaw naman niyang magkaroon na naman ng VIP treatment galing kay Cedric. Linggo pa man rin ngayon at marami sa mga Doctor ang siguradong nagpapahinga. Ayaw niya na mang-abala pa.

"Kapag masama pa rin ang pakiramdam ko hanggang bukas, we'll go to the hospital." Sa sagot niyang iyon ay pumayag si Cedric.

Alas-singko ng madaling araw ay naggising si Ericka at kagaya kahapon ay mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Ngunit pakiramdam ni Ericka ay mas malala pa iyon nang ilang minuto lang pagkatapos niyang maggising ay nakaramdam siya ng kung anong masama sa tiyan niya. Mabilis na tumakbo siya sa banyo at doon ay nagsuka.

Dahil hindi masyadong nakakain si Ericka kahapon ay wala rin naman siyang naisuka. Hinang-hina siya nang matapos. Nakasunod sa kanya si Cedric at hinagod-hagod nito ang likod niya at kinalma siya. She almost wept in his arms.

"I told you we should called the Doctor yesterday!" may galit ang tinig na wika nito.

Napatitig si Ericka sa kulay asul na mga mata nito. He looked tensed. Halatang natatakot ito sa lagay niya. Ganoon rin naman si Ericka. Kahapon niya pa iniisip kung ano ang maaaring dahilan kung bakit nagkakaganoon siya. Iniisip niya na baka dahil nagkaroon lang siya ng problema sa mata. Pagkatapos ng lahat, madalas na nagtatrabaho na siya ngayon sa computer hindi kagaya ng dati. Pero ngayong araw ay tila nag-iiba ang akala niya..

"Accidenti, you're so pale!" bulalas pa nito at pinangko siya. Inihiga siya nito sa kama. Pagkatapos ay kinuha nito ang cell phone.

"Wait, Cedric..." pigil niya nang akmang may tatawagan si Cedric. "Sa tingin ko, alam ko na ngayon kung bakit ako nagkakaganito..."

Tinignan siya nito. "Ano?"

"I-I think I'm pregnant..."

Si Cedric ang namutla sa kanilang dalawa. "N-no. Paanong mangyayari iyon? I use contraception everytime---"

"Except whenever we did it in the shower. At nang una akong lumipat rito ay---"

Nanlaki ang mata ni Cedric. "No..."

Lalo yatang nanghina si Ericka sa naging reaksyon ng nobyo. Malinaw na ipinakita nito na hindi nito nagustuhan ang naiisip niya. "I missed my period for a week now, too."

"Kailangan pa rin natin na makasiguro." May determinasyon na wika ni Cedric. Nagpatawag ito ng Doctor at nang sabihin niya ang mga sintomas na nararamdaman niya ay naghinala rin ito na buntis siya. Nagsagawa sila ng pregnancy test sa bahay at tama nga ang hinala ni Ericka.

Buntis siya. Magkakaanak na sila ni Cedric.

Hindi nagsalita si Cedric nang makumpirma ang lahat. Maski nang batiin sila ng Doctor ay hindi rin ito sumagot. Tahimik lang ito hanggang sa makaalis ang Doctor. Iniwasan rin siya nito pagkatapos.

"C-Cedric, hindi mo ba gusto ang nangyari?" hindi rin naman inaasahan ni Ericka iyon pero kagaya ng nangyari ay hindi rin niya inasahan ang naramdaman na saya sa isipin na may buhay na nabuo sa loob niya. Magiging Nanay na siya. Masaya rin siya dahil ang ama ng magiging anak niya ay ang lalaking mahal niya.

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Hindi natin plinano ito, Ericka. Hindi ko inaasahan. Of course, you should expect me to be shock and to be honest to you, I don't like it. Pero nandiyan na 'yan. Wala na tayong magagawa."

"Tama ka. Pero bakit naman ayaw mo? Ilang beses na rin naman sinasabi ng mga kaibigan mo na hindi na tayo bumabata at---"

"Ayaw kong magpa-pressure sa mga kaibigan ko. Masaya naman tayo na tayo lang. Pero ngayon..." nagtagis ang mga bagang nito saka umiling. Mukhang mahirap talaga para kay Cedric na tanggapin ang biglaang pangyayari. Pinilit na lang na intindihin muna ni Ericka ito. After all, hindi naman talaga nila plinano ang bata. Hindi inaasahan. Malaking responsibilidad ang magkaroon ng isang anak. Mabigat. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay nila nang dahil roon. Hindi nga ganoong tanggapin ang lahat. Pero umaasa si Ericka na sandali lamang at matatanggap rin nito ang nangyari. Hindi rin sana maging isang problema sa maayos na relasyon nila iyon.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon