PAGKATAPOS dumalo ng kasal ni Ed sa Portugal ay nagdiretso sina Ericka at Cedric sa Italy. Kagaya ng ginawa ni Cedric nang magpunta sila ng Portugal, gumawa rin ito ng paraan para makarating siya roon. Ipinakita nito sa kanya ang bansa kung saan ito naninirahan. Halos lahat ng magagandang tourist spot sa Venice, Italy---ang lugar sa Italy kung saan ito nakabase ay dinala siya nito. Hinayaan rin siya nitong tumuloy sa palazzo na pagmamay-ari ng nag-ampon rito sa ilang araw na pananatili nila roon.
Sandaling nakalimutan ni Ericka ang lungkot na naramdaman sa mga sagot ni Cedric sa mga kaibigan nito sa pamamasyal nila sa Italy. Naaliw siya at nagkaroon ng good time kasama roon ang lalaki. Bukod sa mga magagandang tourist spots sa Venice, dinala rin siya ni Cedric sa ilan pang malalapit na lugar sa Venice kagaya ng Milan at pati na rin ang Rome. Naggawa ni Ericka na makita ang The Colosseum na noon ay pinapangarap lang niya na marating. Pinasaya siya ni Cedric sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa kanya ng lugar nito.
Humanga si Ericka sa ganda ng Italy. Gusto niya ang mga architectural structures roon, ang mga dating palasyo na ginawang bahay kagaya na lang ng pagmamay-ari ng nag-ampon kay Cedric. Kagaya ng pakiramdam niya noong nasa Portugal sila, pakiramdam niya ay namumuhay siya sa buhay maharlika dahil kasalukuyang naninirahan siya roon. Kung ituring rin siya ng mga tao roon ay para siyang master ng mga ito kagaya ng tawag ng mga ito kay Cedric.
Pero kagaya ng mga nasa libro ng fairy tales kung saan madalas featured ang buhay na nararamdaman niya ngayon at palasyo, mayroon rin naging kontrabida sa kasiyahan ni Ericka. Dumating iyon sa pang-apat na araw na pananatili nila sa palazzo.
"Papa... what are you doing here? I thought you'll be back home next week," takang tanong ni Cedric nang madatnan nila ito sa dining room nang bumaba sila para sa almusal. Kumakain na ito nang abutan nila.
Sa halip na sagutin ng lalaki na nahulaan na niyang siyang nag-ampon kay Cedric ay binigyan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bahagyang nahiya at na-insecure si Ericka sa klase ng tingin na binigay nito at kulang na lang ay magtago siya sa likod ni Cedric. Bigla rin siyang kinabahan. "I went home earlier since I've heard that you brought a woman in the palazzo. Its your first time you did that..." wika ng lalaki na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Huminga muna nang malalim si Cedric bago nagsalita. Hinawakan nito ang likod niya at ipinakilala siya sa ama nito. Sinubukan ni Ericka na kumalma. May kakaiba kasing aura ang lalaki na ginulo ang damdamin ni Ericka. Parang natatakot siya rito. Nang ilahad niya ang kamay pagkatapos ng pagpapakilala ay umiling lang ito. He seems so rude and she can't help but feel bad. Naramdaman agad ni Ericka na parang ayaw sa kanya nito.
Naramdaman rin naman ni Cedric ang ganoon. Gumawa ito ng paraan at inilayo siya sa palasyo. Ang plano pa naman sana nila ay libutin iyon ngayong araw. Pero ipinagpasalamat na rin ni Ericka na naisip ni Cedric na ilayo na muna siya dahil kahit siya ay natatakot rin na kaharapin sa ngayon ang ama ni Cedric. Hindi niya inaasahan iyon. Buong araw silang umalis ng palazzo at medyo malalim na ang gabi ng makabalik. Dumiretso na sila sa kuwarto pagkatapos para magpahinga. Dahil parehong pagod ay nakatulog agad si Ericka ngunit ilang oras rin ang nakalipas ay naggising rin siya nang maramdamang wala sa tabi niya si Cedric. Pinilit niyang matulog muli pero nahirapan siya. Masyado na yata siyang nasanay na nasa tabi niya si Cedric. Naisip ni Ericka na maglakad-lakad muna at subukang hanapin si Cedric. Dinala siya ng mga paa sa east wing ng palazzo. Iyon kasi ang lugar sa palasyo kung nasaan ang sariling studio nito. Isang beses ay dinala rin siya nito roon. Ngunit bago pa man makapasok si Ericka roon ay napatigil siya nang marinig na may dalawang pamilyar malakas na boses na tila nagtatalo. Bukas ang pinto kaya naggawa niyang marinig iyon at makita rin ang ekspresyon sa mga mukha nito.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...