13

796 37 1
                                    

"A-ANG ibig mong sabihin, gusto mo lang akong ipinta," naramdaman ni Cedric na tila may bumara sa lalamunan ni Ericka habang sinasabi iyon.

Biglang kinabahan si Cedric. Ramdam niya na napasubo siya sa sinabi niya kanina pero hindi niya napigilan ang sarili niya. Nawalan siya ng kontrol. Gusto niyang bawiin iyon hindi dahil sa hindi iyon totoo pero dahil sa natatakot siya sa magiging reaksyon ni Ericka. Paano kung hindi nito magustuhan ang sinabi niya?

Alam ni Cedric na napakadali pa ng lahat. Ilang araw pa lang ba sila nagkakasama ni Ericka? Kahit na ba nitong mga nakaraang araw ay madalas silang nagkakasama ng buong araw, hindi pa rin iyon sapat para masabi na gusto na niya agad ang babaeng ito. Pero sa una pa lang naman talaga ay gusto na niya si Ericka. She haunted him.

Sinundan niya si Ericka. Madali lang para sa kanya na mahanap ito dahil na rin sa sources niya. Mayaman siya. Madali lang para sa kanya ang umupa ng mga investigators para malaman kung nasaan ito. Madali lang para sa kanya na masundan ito. At kahit sandali pa lang silang nagkakasama ni Ericka, sa bawat oras na nakakasama niya ito ay lalong tumitindi ang nararamdaman niya rito. Hindi na niya kaya pang itanggi ang nararamdaman. Naiirita siya sa isipin pa lang na may lalaki sa buhay nito.

"Iba iyon. Gusto kita." Pinilit huwag ipahalata ni Cedric ang takot. Matapang siya, 'di ba? Sa dami ng nangyari sa buhay niya simula pagkabata siya, natuto na siyang huwag matakot. Pero bakit kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Ericka sa sinabi niya?

Lalo pang kinain ng kaba ang puso ni Cedric nang tumawa si Ericka. "Seryoso ka ba?"

"Narinig mo na ba ako na nagbiro?" kunot-noong wika ni Cedric. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi naggawang masabi ang mga iyon sa kanya. Kahit kailan kasi ay hindi siya nagbiro sa mga ito.

"S-sabi ko nga...pero---" sinalubong ni Ericka ang tingin niya. May kung anong naramdaman si Cedric sa dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Siguro nga ay nag-aalinlangan siya na magtapat ng damdamin dito pero nang masabi naman ni Cedric ang nararamdaman rito ay nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya. Tila gumaan iyon. May isang tinik na nabunot roon.

Nang bumaba ang tingin ni Ericka ay sinubukan niyang dugtungan ang nais sabihin nito. "Sandali pa lang tayong nagkakasama?"

Tumango si Ericka.

"Ganoon rin ako. Pero ayaw kong dayain ang sarili ko na sabihin na lang na gusto lang naman talaga kita na maging modelo kaya sinusundan kita. Gusto talaga kita. Una pa lang kitang nakita, there was this disturbing feeling that I cannot explain inside me. Basta palagi lang noong sinasabi na gusto kita muling makita, na makasama. At gusto kong huwag mo rin na dayain ang sarili mo na dahil lang tinutulungan kita kaya hinahayaan mo akong nasa tabi mo ako."

Kumunot ang noo ni Ericka. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"G-gusto mo rin naman ako 'di ba?" kinakabahan si Cedric sa maaaring isagot ni Ericka pero gusto niyang magbaka-sakali.

"Ric..."

"Hindi mo ako gusto? Hindi mo gusto na sinusundan kita? Na nasa tabi mo ako?" nakaramdam ng sakit si Cedric sa isipin na posibilidad iyon.

"H-hindi naman sa ganoon. Pero hindi ba masyadong mabilis ang lahat?"

Kumunot ang noo ni Cedric. "Kung ganoon ano ang gusto mong gawin ko?"

"Sinabi mo na gusto mo ako. Hindi ba dapat kapag sinabi na may gusto... nililigawan? Ibig mo bang sabihin sa pinapahayag mo ngayon, gusto mo akong ligawan?"

Kota na si Cedric sa pagkunot ng noo. Pero paborito niyang eskrepsyon iyon kasama nang pagsimangot. Kaya lang ay kaiba ang pagkunot ng noo niya ngayon. Mas malala iyon.

Ligaw? Gusto nang babaeng ito na ligawan niya ito?

What the hell?

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon