DAPAT ay makaramdam ng kaba si Cedric. Dapat ay matakot siya. Pero kahit patuloy niyang iniisip ang mga iyon ay hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti. Masaya siya na magkakaroon na siya ng hold na habang buhay na sa piling niya si Ericka.
Sa buong buhay niya, hindi niya naisip na maikasal. He mostly spent time alone with his self. Kagaya ng buhay ng nag-ampon sa kanya, ganoon rin ang naiisip niyang magiging buhay niya sa hinaharap. Hindi siya makatagal sa isang babae. Hindi niya maisip na maitali habang buhay sa mga ito. Kahit nga ang salitang girlfriend ay nahihirapan siyang i-label sa isang babae. Ang asawa pa kaya? Ang isang habang buhay na commitment?
Pero binago iyon lahat ni Ericka at wala siyang maramdaman na pagsisisi sa ginawa niyang desisyon na pakasalan ito.
Aaminin ni Cedric na nahirapan siyang pumunta sa desisyon na iyon kahit na ba ganoon ang payo ng mga kaibigan niya sa kanya nang ikuwento niya na nabuntis niya si Ericka. Hindi sa may mali kay Ericka. Pero ang pagpapakasal ay isang habang buhay na commitment. Kahit aminado siya na iba ang nararamdaman niya kay Ericka, sa tingin niya ay hindi pa rin iyon sapat para magpakasal siya.
Bata pa lamang si Cedric ay nakita na niya ang realidad ng mundo. Sa tuwing naiisip niya ang isang panghabang buhay na commitment, palagi niyang naalala ang mag-asawang muntik ng umampon sa kanya. Naalala niya kung paano ang mga ito na mag-away at sa huli ay naghiwalay rin. Kahit siya ay nadamay pa sa mga iyon. Natakot siyang kapag dumating siya sa puntong iyon ay ganoon rin ang mangyari sa kanila ni Ericka. Masaya naman siya sa kung anong mayroon sila. Isama pa na hindi dahil lang sa magkakaanak sila, kailangan na nilang magpakasal. Puwede naman silang mag-compromise. Hindi dahil lang sa may anak, kailangang ilagay na sa mataas na bahagi ang kanilang pagsasama. After all, buwan pa lang ang tinatagal ng relasyon nila. Hindi pa nila masasabing kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Lalo na ito sa kanya.
Ngunit ipinamukha sa kanya ni Matthew na mali iyon. Hindi niya nakayang makita na dahil lamang sa hindi niya maggawang panagutan si Ericka ay maaari na itong kutyain ng mga tao. Ang tingin ng mga tao rito ay masama itong babae dahil hinayaan nito na mag-live in sila at mabuntis niya pa ito ng hindi pa sila kasal. Its against the christian's law. Hindi niya maatim na ganoon ang tingin kay Ericka ng mga tao kaya niyaya niya itong magpakasal...
"S-sigurado ka ba? Naiintindihan ko naman kung hindi mo pa kaya. Kung ayaw mo. Sandali pa lang ang naging relasyon natin at---"
"I'm sure. Hindi ko kayang makita na ganoon ang tingin sa 'yo ng mga tao." Putol niya sa sinasabi nito at patuloy na tumitingin ng singsing na babagay rito.
"Kaya ginagawa mo ito dahil nagi-guilty ka."
Alam ni Cedric na oo. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit binabansagan si Ericka ng ganoon. Pero pinigilan niya na sagutin ang sinabi nito. Alam niyang maling dahilan rin iyon kung bakit gusto niyang pakasalan ito. Ayaw niyang maisip nito na mali iyon at masaktan lang ito sa huli.
"Nagpapakasal ang isang tao dahil mahal nila ang isa't isa. Hindi dahil sa magkakaanak lang sila o gusto lang umako ng responsibilidad," mahinang wika ni Ericka saka bumuntong-hininga.
Natigilan si Cedric. Tama ito at nasapol siya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makumbinsi ang sarili kung mahal na nga ba niya ito. Oo, pinapahalagahan niya nang higit sa ibang babae si Ericka. Pero masasabi niya bang mahal na niya ito? Magagawa niya bang mahalin ito gayong wala namang nagparamdam ng ganoon sa kanya sa simula't sapul? Hindi niya alam kung paano iyon. Hindi niya ginagawa iyon.
Tumingin siya kay Ericka. "Y-you don't have feelings for me, cara? You don't love me?"
Hindi sumagot si Ericka at nanatili lang nakatitig sa kanya. Nabasa niya ang lungkot sa mga mata nito. Hindi niya nagustuhan iyon. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi rin naman niya kailangang-kailangan ang sagot nito. Nararamdaman niya na kagaya niya ay pareho ang nararamdaman ni Ericka sa kanya. Pareho nilang pinapahalagahan ang isa't isa. Sapat na iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...