SA IKA-WALONG buwan ng pagbubuntis ni Ericka ay nagpa-baby shower sila. Kagaya ng nakaugalian, inimbita ni Ericka ang mga malalapit na kaibigan ni Cedric at pati na rin ang mga kapamilya niya. Halos lahat ay tumugon sa kanyang paanyaya. Kanya-kanyang dala rin ng mga regalo ito para sa baby boy nila ni Cedric. Nalaman nila ang gender ng bata ng magpa-check up at ultra sound siya noong nakaraang buwan.
Masasabi ni Ericka na halos kontento na siya sa buhay niya. Patuloy na naayos nila ni Cedric ang relasyon. Hindi na ito natakot na magpakita ng damdamin at pinatunayan nito na mahal nga talaga siya nito. At ang pinaka-bonus pa, pati ang nasa batang nasa sinapupunan niya ay natutunan rin nitong mahalin.
Nalaman ni Ericka ang dahilan kung bakit naging ganoon na lang din si Cedric nang malaman na buntis siya. Bukod sa hindi nila plinano iyon, natatakot rin daw ito na maging ama dahil sa mga naging karanasan ito. Naintindihan naman ni Ericka si Cedric at inalalayan ito. Sinabihan niya ito na hindi naman ito dapat matakot dahil lahat naman ng iyon ay natutunan. Pinangako rin niya rito na aalalayan niya ito para maging isang mabuting ama sa kanilang anak. Bumili pa sila ng iba't ibang libro tungkol sa pagiging magulang upang lalong masigurado na magiging maayos ang lahat. Ngayon ay handang-handa na si Cedric, sa katunayan ay excited na excited na nga ito. Halos lahat ng mga iniregalo ng mga kaibigan nito ay mayroon na rin sila dahil na rin kinuha nito ang lahat ng kailangan ng bata nang araw na mamili sila ng gamit.
Isa sa mga pinadalhan ni Ericka ng imbitasyon para sa kanyang baby shower ay si Nanay Teresita at si Matthew. Maayos na ngayon si Nanay Teresita. Naka-recover na ito sa nangyari rito at kahit kagaya ng dati ay hindi pa rin nakakagalaw ang kanang kamay nito, masigla ito ngayon kaysa dati. Nakakatulong ang patuloy pa rin na sinusuportahan ito ni Cedric. Isa ito sa mga dumalo at tila excited na excited rin sa paglabas ng unang apo raw nito na kahit na ba hindi sinaktan niya ang anak nito ay hindi pa rin nagbago ang tingin sa kanya. Anak na rin daw siya nito sa kabila ng lahat. Si Matthew naman ay hindi nakarating dahil na rin sa trabaho pero ngayon ay unti-unti na nilang naayos ang kanilang relasyon. Nagkakausap na sila kahit madalas ay sa telepono lang iyon. Umaasa si Ericka na balang araw ay matatanggap rin nito nang lubos ang lahat.
Naging matagal at nakakapagod ang baby shower kaya naman alas siyete pa lamang ng gabi ay pinagpahinga na siya ni Cedric. Malapit na ang kabuwanan niya at lalo lamang itong naging mas maalalahanin sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw nitong napapagod siya. Hindi naman ganoon kaselan ang kanyang pagbubuntis pero gusto nito na makasigurado. Simula rin nang magkaayos sila ay pinatanggal na nito ang private nurse niya at ito na ang personal na nag-alaga sa kanya dahil madalas ay nasa bahay lang rin naman ang trabaho nito.
Sa ngayon ay nakakapagtrabaho na muli si Cedric. Iyon nga lamang ay nag-iba na ito ng linya. He was more on portraits now kaysa sa master nito dating landscapes. Natutunan nito na magdrawing at magpinta na rin ng mga tao. Siya ang unang subject nito. Nang minsan ay inanyayahan itong maglagay ng painting sa isang art exhibit, sinabihan niya ito na ilagay ang kanya. Lahat ay humanga sa galing nito at halos pumila ang mga gustong magpaggawa ng portrait rito. Karamihan sa mga iyon ay mayayaman dahil mahal rin ang fee ni Cedric. Ilang portraits na rin ang naggawa ni Cedric sa ngayon.
Sinamahan siya ni Cedric na magpahinga hanggang sa makatulog siya. Pero nang ilang sandali ang nakalipas at may nag-door bell sa unit ay umalis ito sa tabi niya.
"I got it. Magpahinga ka na. Baka mamaya ay sila Vincent lang iyon at may nakalimutan. Babalik agad ako." hinalikan siya nito at ang malaki na niyang tiyan bago umalis.
Sinubukan na magpahinga ni Ericka. Ngunit masyado na yata siyang nasanay na nasa tabi niya si Cedric. Hindi niya maggawang makatulog ng wala ito sa tabi niya. Lumipas ang sampung minuto ay wala pa rin ito. Napagdesisyunan na lang ni Ericka na puntahan ito dahil natatagalan na siya na hindi pa ito bumabalik.
BINABASA MO ANG
International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
RomanceSa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may "special someone" na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric-ang guwapo, simp...