14

798 30 0
                                    

ISANG paraan ni Ericka para mag-unwind at paalisin ang mga gulo sa damdamin niya ay ang manood ng pelikula. Wala man siyang tipo sa mga palabas ngayon, ginusto niya na gawin iyon dahil magulo ang kanyang isip. Balewala lang sa kanya kung pagtinginan man siya ng mga tao dahil mag-isa lang siya. Kailangan niyang mag-unwind. Magulo ang isip niya.

Tama ba ang ginawa ni Ericka? Tinanggihan niya si Ric. Paanong hindi? Nang sabihin niya rito na kung gusto pala siya nito ay kailangan siyang ligawan nito ay tila naging ilap pa ito sa ideya na iyon. Hindi nito nagustuhan iyon. Hindi raw nito gusto ang manligaw. Wala pa raw itong babaeng nililigawan sa buong buhay nito.

He made her feel cheap. Kung ganoon ay ano ang gusto nitong mangyari? Siguro nga ay may espesyal rin siyang nararamdaman rito sa sandaling pagsasama nila pero napakaikli pa lang noon para masigurado talaga niya ang damdamin rito. Siguro ay nakaya agad nitong sabihin iyon sa kanya pero hindi siya ganoong katapang na tao. Isa pa, babae siya. Alangan naman na bumigay siya agad?

Sabi nila, kapag umiibig ka raw, nagiging irrational ang isip mo. Hindi ka nakakapag-isip nang ayos. Mas sinusunod mo ang puso mo kaysa sa isip. May isang bahagi rin naman ni Ericka na gustong sundin ang puso niya na nagsasabing umamin rin kay Ric ng tunay niyang nadarama pero mas pinanaig niya ang kanyang isip. Tinanggihan niya ito. Hindi niya gustong itrato na lang siya nito nang ganoon.

Tama naman sa tingin ni Ericka ang ginawa niya. Pero bakit ganoon, bakit hindi siya masaya? Alam kasi niya na dahil sa ginawa niya, maaaring layuan siya nito. In fact, nang makatapos niya itong tanggihan ay hindi man lang siya nito inawat. Tila ba ang mahalaga lang para rito ay ang ego nito. Hindi nito gustong baguhin ang sarili nito dahil lamang sa gusto niyang magpaligaw rito.

Kung ganoon si Ric, ibig sabihin lang ay hindi ito seryoso sa kanya. Hindi siya nito pinahahalagahan. Mali ang lahat. Tama ang desisyon ni Ericka. Pero nasasaktan at nagugulo siya na doon na lang natapos ang lahat. Iba pa man rin ang nararamdaman niya rito pero hindi naman pala talaga ito seryoso sa kanya. Sayang ang lahat.

Nang makapili ng panonoorin at makabili ng kanyang kakainin sa loob, pumila na si Ericka para bumili ng ticket. Medyo mahaba ang pila dahil first day ng showing ng pelikula. Isang romantic drama film iyon. Hindi niya kasi gusto ang ibang showing na action at horror. Comedy, drama at romance lamang ang pinapanood niyang genre ng pelikula. Matatakutin kasi siya at hindi rin niya gusto ang mga nagbabarilan na eksena. Pero dahil wala namang comedy film na palabas, nag-settle na lang siya sa romance kahit na ba sa tingin niya ay hindi iyon bagay sa mood niya ngayon.

Ngunit nang magbabayad na si Ericka ng ticket niya ay nagulat siya nang may isang lalaking tumabi sa kanya. Muntik pa nga siya na mapasigaw dahil hinawakan nito ang kamay niyang may hawak na pera na ibabayad. Pero sa halip na kuhanin ang pera, itinabi nito ang kamay niya at kinausap ang nagbebenta ng ticket. "Two of that movie please,"

"A-anong ginagawa mo rito?" naggawang magsalita ni Ericka nang makuha ni Ric ang ticket at mabayaran iyon.

Nagkibit-balikat ito. "Kagaya ng dati, sinusundan ka."

"Pero kahapon ay---"

"'Wag mo ng isipin ang nangyari kahapon. Hindi ako isang lalaking basta-basta sumusuko."

Ibig sabihin ba noon ay payag na siya na ligawan ako? Nasa isip-isip ni Ericka. Sa isipin na iyon ay nawala ang lahat ng lungkot sa puso niya. Hindi na rin naman sinuukang tanungin ni Ericka dahil naging halata na rin naman nang kinuha nito ang dala-dala niya at inalalayan pa siya papasok sa loob. Nawala lahat ng gulo na nararamdaman ni Ericka sa kanyang loob. Seryoso sa kanya ang lalaking gusto rin niya!

Nang makapasok sa loob ay halos magsisimula na ang pelikula. Binuksan ni Ericka ang popcorn na binili at inilagay sa harap ni Ric para alukin itong kumain. Tinignan nito ang popcorn pagkatapos siya pero hindi ito nagsalita. Kapagkuwan ay naagaw ng katabi nilang magkasintahan ang atensyon nito. Napaka-sweet ng dalawa. Sinusubuan ng babae ang boyfriend nito ng popcorn.

Naguluhan si Ericka. Ano ang ibig sabihin nito? Gusto rin ba ni Ric na gawin niya iyon rito?

Bakit hindi? Nasa isip-isip naman ni Ericka. Ano bang masama? Pagsubo lang naman iyon ng popcorn rito. Kapag magkasama sila ni Matthew na manood ng sine, hindi iilang beses na naggawa niya iyon rito. Sinubukan rin ni Ericka na gawin iyon kay Ric. Kumunot ang noo nito sa ginawa niya pero kapagkuwan ay tinanggap rin naman ang alok niyang popcorn.

"Cheesy," komento naman nito pagkatapos.

Namula ang pisngi ni Ericka. "You mean---"

"The popcorn. Its cheese flavour." Simpleng paliwanag lang naman ni Ric sa ginawa niya.

Bahagyang napanganga si Ericka. Anong tawag sa kanya? Nasupalpal. Namula-mula pa ang pisngi niya sa pag-aakalang para kay Ric ay "cheesy" ang ginawa niya pero ang tinutukoy lang naman pala nito ay ang flavour ng popcorn na binili niya. Hindi na lang muli ginawa ni Ericka ang ginawa kanina at nag-focus sa pelikula. Ganoon rin naman ang ginawa ni Ric. Sa una ay inalala niya na baka mamaya ay mainip lang ito sa gusto niyang gawin. Ganoon naman talaga ang mga lalaki 'di ba? Hindi mahilig sa mga romantic na pelikula. Isama pa na dahil sa nangyari kahapon, naramdaman niya kung paano mag-init ang ulo nito. Pero tahimik lang itong nanood ng pelikula. Ginaya na lang tuloy ito ni Ericka. Nag-concentrate na lang rin si Ericka sa panonood ng pelikula.

Isang nakakaiyak na eksena ang lumabas sa kalagitnaan ng pelikula. Naghiwalay kasi ang mga bida. Mababaw ang luha ni Ericka, lalo na sa mga nakakalungkot na eksena. Namalayan na lang niya na may tumulong luha sa kanyang mga mata at hindi rin niya mapigilan na mapahikbi habang pinapanood ang pelikula.

"What's wrong?" naggawa pang itanong ni Ric. Nawala ang konsentrasyon nito sa panonood ng pelikula nang dahil sa kanya.

Umiling si Ericka. Pero hindi pa rin niya napigilan ang kanyang mga luha. Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Kahit naramdaman niyang unti-unting nilalapit ni Ric ang sarili sa kanya upang patahanin siya sa pagiging emosyonal niya, patuloy pa rin niyang pag-iyak. Naramdaman niya ang pagtiim ng bagang nito nang tumulo ang luha niya sa suot nitong polo shirt.

"I'm sorry," sinubukang lumayo ni Ericka kahit na ba nagustuhan niya ang pakiramdam ng yakap ni Cedric sa kanya. Pero mas pinanaig ni Ericka ang isip. Nakakahiya ang ginagawa niya rito. Sinubukan rin niyang pigilan ang luha niya para huwag mag-alala ito pero nahirapan muli siya. Masyado niyang na-feel ang pelikula.

"Stop crying. Pelikula lang 'yan," pagpapagaan pa nito ng loob niya.

Pero hindi niya pa rin napigilan ang pagpatak ng kanyang luha lalo na sa mga sumunod na eksena. Nakita kasi roon ang hirap na pinagdaanan ng dalawang bida nang maghiwalay ang mga ito. They are miserable. Umiyak pa lalo si Ericka at dahil sa paglakad ng palahaw niya ay tila nainis si Ric sa kanya. Hinila siya nito palabas ng movie theater kahit pinigilan niya ito.

"H-hindi dapat tayo umalis. Hindi pa tapos ang pelikula," nagreklamo siya pero patuloy pa rin naman siyang umiiyak.

"Gusto mo pang magpatuloy eh para kang kuting sa loob na nawalan ng ina? Ayaw kong nakikitang umiyak ka."

"Nakakaiyak kasi talaga, eh."

Bumuntong-hininga si Ric. "Girls," sinubukan siyang aluin ni Ric sa pamamagitan ng paghagod ng kanyang likod. Niyakap rin siya nito. Kagaya nang una ay nakaramdam na naman ng kakaiba si Ericka sa yakap na iyon. Unti-unti na rin gumaan ang pakiramdam niya nang hinayaan niyang magtagal ang yakap ni Ric.

Nang tuluyang tumahan si Ericka ay nagulat siya nang bigyan siya ng halik sa noo ni Ric. "Don't every cry again, okay? I don't like to see you crying. I hate to see you crying."

Dapat ay magprotesta at magreklamo si Ericka sa ginawa ni Ric sa kanya. Isang kapangahasan iyon. Ni hindi pa nga sila nagkakalinawan sa aspeto ng panliligaw. Pero sa halip na gawin ni Ericka iyon, naging malikot pa ang kanyang isip. Parang gusto niya yatang umiyak araw-araw para makatikim ng yakap at halik ni Ric na paraan nito para pagaanin ang loob niya.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon